“Parang may sumusunod sa’kin.” Napahinto ako sa gitna ng sidewalk, hawak ang strap ng bag ko, pilit pinapakalma ang mabilis na t***k ng puso. Sa kabilang linya ng telepono, tahimik si Vivian. Naririnig ko lang ang bahagyang paghinga niya, parang nag-iisip kung pagbibigyan ba niya ang nararamdaman ko o pagtatawanan. “Baka pagod ka lang, ate,” sabi niya sa wakas. “Overthinker ka talaga.” Gusto kong maniwala. Pero may kung anong bumibigat sa dibdib ko sa bawat hakbang. Parang may matang nakadikit sa likod ko. Hindi ito simpleng kaba. Isa itong malinaw na pakiramdam—ang pakiramdam na ikaw ay pinagmamasdan. “Sigurado ka bang okay ka lang diyan?” tanong ko. “Oo. Si David nandito, nag-aaral. Si Tiyo Ramil tulog pa. Umuwi ka na, ha?” Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. “Oo. Nasa sakay

