“Hindi mo ba puwede sabihin kahit kaunti?” Hindi ko maiwasang tanungin iyon habang nakatayo ako sa harap niya, ang mga mata ko nagliliyab sa galit, pagkabigla, at kung minsan ay… hindi ko pa rin maintindihan, isang kakaibang pagnanasa. Ang boses ko ay lumalakas sa bawat salita, parang sinusubukan kong guluhin ang katahimikan sa penthouse niya. Ngumiti siya, malamig, walang emosyon na bumabalot, parang bato. “Wala kang karapatang malaman iyon, Daisy.” Ang dugo ko ay kumulo. “Wala akong karapatan? Andrew, pinaparamdam mo sa amin na parang hindi kami puwede umusad sa buhay namin nang wala ka. Alam mo lahat ng nangyayari sa pamilya ko. Bawat galaw, bawat desisyon, may kamay mo!” Tumayo siya ng diretso sa harap ko, mas mataas, mas malakas sa presence. “Daisy, ano ba ang gusto mong marinig?

