“Daisy, anong ginagawa mo diyan?” “Andrew, lumabas ka diyan!” singhal ko, pilit tinatakpan ang sarili kahit lubog ako sa mainit na tubig ng bathtub. “Too late,” sagot niya, mababa ang boses, may halong tawa at panganib. “I’m already here.” Napapikit ako, dama ang biglang pagbabago ng hangin sa banyo. Kanina lang, tahimik akong nakababad sa bathtub, pinapawi ang pagod ng buong araw sa lamig ng Baguio. Pinuno ko ng mainit na tubig ang tub, naglagay ng bath salts, at hinayaan ang sarili kong magrelax. Gusto kong huminga. Gusto kong mapag-isa. Kahit sandali lang. Pero si Andrew Villamor? Wala sa bokabularyo niya ang salitang privacy kapag ako ang usapan. “Andrew, seryoso ako,” sabi ko, ramdam ang pag-init ng pisngi. “Lumabas ka.” “Bakit?” tanong niya, tila walang pakialam sa tono ko. “Pa

