SA LAOT NG DAGAT
"Ang dami po nating nahuli Mang Romy, lubhang mapalad tayo ngayon at pinagpala din ng langit." Masiglang pahayag pa ni Anton sa may edad ng mangingisda, habang masaya niyang pinagmamasdan ang mga huli nilang isda, na halos mapuno ang bangka sisidlan nila ng huli.
"Oo Anton, dahil yan sa sipag at galing mo at ng mga kasama din naman natin. Yung mga hipong swahe at ilang mga alimasag na malalaki ay maaari mo ng iuwi sa iyong Nanay, dahil malaki na ang kikitain natin dito sa tuna na nalambat natin Anton. May mga tamban, asuhos at galunggong pa." Masiglang pahayag pa sa kanya ni Mang Romy.
Sandali namang napamasid si Anton sa mga kasama niyang ngayon ay tulog na tulog na matapos nga ang magdamag nilang pamamalakaya, dahil na din sa matinding pagod at puyat.
At ngayon nga ay pabalik na sila sa pampang.
Napakadilim pa din ng paligid, subalit ang mumunting ilaw ng kanilang parola, ang nagsisilbi din naman nilang gabay pabalik.
Naiiba din ang lamig ng hanging amihan na halos manoot sa kanilang mga balat. Subalit hindi ito hadlang para kay Anton.
Dahil sa naiibang saya niya, na muli ay makakasama niya ang babaeng pinakamamahal niya sa ilang oras nalang. Lalo pa at nangako itong hihintayin siya nito sa pampang.
"Salamat po kung ganon Mang Romy, ang totoo niyan ay paborito ni Nanay ang sinigang na hipon at halabos na alimasag. Kaya naman pihadong matutuwa siya para sa mga bigay mo Mang Romy." Masiglang saad pa niya sa lalakeng mangingisda.
Napailing naman si Mang Romy at napangiti habang abala nga siya sa pagtitimon sa kanilang may kalakihan din namang bangkang pangisda.
Napakabanayad din naman ng alon, kaya naman payapa ding maituturing ang kanilang paglalakbay pauwi mula sa laot.
"Alam kong paborito yan ng Nanay mo Anton, dahil sa Tatay mong si Andoy, alam mo bang sa tuwing madami kaming nahuhuling hipon ay sobra sobra ang saya niya. Dahil muli daw ay mapapasaya niya ang napakaganda niyang Asawa na si Tesa." Napapailing pang pahayag ni Mang Romy.
Habang binabalikan ang nakaraan nila ng yumaong kaibigan na si Andoy.
Napahinga naman ng malalim si Anton sa tinuran ng matanda, at sandali pang napamasid sa madilim at napakalawak na dagat. Na kung iisipin ay isa lamang silang tuldok kumpara sa laki nito.
Mataman namang pinagmamasdan ng matanda ang binata at napapailing nalang sila tinawag ito, matapos muling pagmasdan ang mga kasama nilang tulog na tulog pa din. At bilang makinista din ng bangka, ay palagi namang ganito, na kailangan niyang manatiling gising habang sa makarating sila sa pampang ng dagat.
"Halika rito Anton, lumapit ka sa akin. Dahil may nais akong malaman pa sa mga sinabi mo sa akin kanina." Sabi pa niya sa binata na medyo malakas pa din ang boses.
Dahil na din sa ingay na nalilikha ng motor ng kanilang bangka.
Walang tugon namang sumunod sa kanya si Anton, at naupo pa nga ito mismo sa hulihang bahagi ng bangka kung nasaan ang makina nito at maging si Mang Romy.
"Ano po pala ang nais mong sabihin Mang Romy?" Magalang na tanong naman nito sa matanda.
Bahagya namang ngumiti ito sa kanya at tinapik tapik ang kanyang balikat.
"Alam kong gustong gusto mo ang iyong Ina, nakikita ko ito sa iyong mga mata sa tuwing mababanggit mo siya. Sabi nga ay, papunta ka palang ay pabalik naman na ako." Panimula pa nito kay Anton.
Bahagya namang huminga ng malalim ang binata at bahagya ding tumango, bilang pagsang ayon kay Mang Romy.
"Bata pa lang ako ay wala na akong ninais kundi ang makasama siya Mang Romy. Subalit alam ng langit na hindi ko naman ikinatuwa ang sakunang nangyari sa kanya upang maganap ito. Lamang ay tila nagbukas ito ng pagkakataon para sa isang pangarap na dati ay akala ko ay suntok lamang sa buwan." Makahulugang tugon ng binata sa matanda.
"Alam ko naman ito Anton, subalit ibayong hirap at pagsusumikap pa ang kailangan mong gawin upang maitaguyod sila. Kaya naman handa kana ba talaga para dito? At sa katotohanan ding hindi mo naman maaring galawin ang babaeng mahal mo, dahil Ina mo siya para sa mata ng lahat ng nakakakilala sa inyo." Malumanay na sabi pa ni Mang Romy sa Binata.
"Handa po ako Mang Romy, at handa din akong igalang siya bilang aking Ina. Subalit nandon din naman ang pagmamahal at pag-aalaga ko para sa kanya bilang natatanging babae din naman sa aking puso." Pagtatapat ng Binata
Napailing nalang si Mang Romy at tinapik tapik ang kanyang balikat.
"Tuloy ay naiisip ko na ikaw marahil ang sinasambit ni Teresa na lalaking napili na niya sa kanyang napakadaming manliligaw at kapalit sa nasirang Asawa niya na si Andoy. Subalit gaya ng sabi ko ay madaming pagsubok ang pagdadaanan niyong dalawa. At maging ang pang aalipusta din naman ng mga nakakakilala sa inyo." Napapahingang malalim pang pahayag sa kanya ni Mang Romy.
Magkahaling saya at pag-aalala naman ang agad na nadama niya sa tinuran ng matanda.
Saya dahil kay sarap madinig na siya ang piniling makasama at maging haligi ng tahanan para sa napakaganda niyang Ina, subalit pag-aalala din naman pati si Tesa, ay madadamay pa sa pang aalipusta ng mga nakakakilala sa kanila, sa sandaling magpahayag sila na magsasama na bilang mag-asawa.
Napakaliit lang ng kanilang Barrio, kay bilis kumalat ng balita. Subalit handa na nga ba siya para dito, kapalit naman ng walang hanggang kaligayahan sa kandungan mismo ng kanyang Inang si Tesa?
SAMANTALA
Maaga palang nasa dalampasigan na si Tesa, habang kalong ang kanyang bunsong Anak habang sabik na nakamasid sa laot at naghihintay sa pagbabalik ni Anton.
"Alam mo bang lalo kang gumaganda Teresa? Na tila muli kang namukadkad na para bang dalagang muli." Bati pa sa kanya ni Julie, na gaya niya ay isa din namang may bahay ng isang mangingisda.
Halos magkasing edad lang sila, subalit habang magkatabi sila ay hindi naman maikakaila ang pagkakaiba ng kanilang itsura.
Napakaganda pa din ni Tesa, habang si Julie naman ay isang tipikal na babaeng mahahanap mo sa tabing dagat.
Maiitim ang balat, na halatang nasunog sa araw. Malapad din ang pangangatawan na hindi gaya katawan ni Tesa na nanatiling balingkinitan at mahubog pa din.
Bagay na marahil ay kina iinggitan sa kanya ng kagaya niyang mga kababaihan din, habang pantasya at pangarap naman ng mga kalalakihang nakakakilala sa kanya.
"Ay hindi naman Julie, marahil ay matagal din akong nakulong sa bahay, gawa ng aking pagbubuntis at panganganak." Tanging naisagot niya sa babae.
"Sabagay, ang totoo niyan ay balita na dito sa ating barrio na nagkakamabutihan na kayo ng iyong panganay na si Anton. At wala namang masama dito dahil alam naman nating...." Sabi pa ni Julie, subalit sinadya na din naman niyang hindi pa ituloy ang sasabihin.
Bahagyang napahugot ng hingang malalim, bago naman bantulot na napangiti kay Julie.
"Walang ganong pangyayari pa Julie, dahil si Anton ay itinuring ko na ding panganay na Anak ko. Subalit sa ngayon nga marahil ay siya na tumatayong padre de pamilya ng aming tahanan. Bagay na hindi ko naman inililihim kahit kanino." Matatag na tugon pa niya. Habang mahigpit na yakap ang kanyang bunsong Anak.
Bahagya namang napangiti si Julie sa magandang ginang at,
"Marahil ay tama ka, subalit na kay Anton naman lahat ng katangian upang maging ganap na kapalit ni Andoy, Teresa. Lalo pa nga at nakababang luksa ka naman na." Patuloy pa ng babae kay Tesa.
Bahagya namang tumikhim si Tesa.
"Marahil nga Julie, at kung magtapat man siya ng damdamin ay hindi naman ako magdadalawang isip na tanggapin siya. Dahil gaya ng palagi kong sinasabi na wala namang ibang magiging karapat-rapat na mag-aaruga sa mga kapatid niya kundi si Anton lang naman. Na siguro ay hindi ko mahahanap sa iba." Patuloy pa ni Tesa.
"Subalit maghunos-dili ka pa din Tesa. Dahil sa madaming panghuhusga na mararanasan niyo ni Anton. Sana ay inilihim niyo nalang ang bagay na ito. Na maari naman kayong magsiping na dalawa na walang makakaalam kundi kayo lang ni Anton."
Huminga naman ng malalim ang magandang biyuda at,
"Dahil hindi ito ang nais ko para sa amin ni Anton, Julie. Kundi isang malalim na relasyong, hindi ko alam kung paano nga ba kami matatanggap ng lipunang ito." Malungkot na tugon pa niya.
"Subalit nagpatali kana diba? Ibig sabihin lang ay hindi kana din naman maaring magka anak pa. At tama lang naman ito, upang hindi na madagdagan pa ang mga panghuhusga." Patuloy pa ni Julie.
Bahagya namang tumango si Tesa, habang patuloy na mahigpit na yakap ang Anak.
"Ang ginawang pagtali sa akin ni Doktora Santos ay pansamantala lang gaya ng hiling ko. Kaya naman maaari ko itong ipatanggal sa kung kailan ba ako maging handa ulit para sa bagong makakasama ko sa buhay." Pagtatapat ni Tesa.
"Ang ibig sabihin ba nito ay ipapatanggal mo ito sa sandaling naiisin mo?" Nagtatakang tanong pa niya.
Bahagya namang ngumiti si Tesa.
"Sa tamang panahon Julie at sa tamang lalake din na sa tingin ko ay handa na talaga akong makasama habang buhay, kapalit ng nasira kong asawa..."