"Subalit sa mata ng lahat ay mananatiling Panganay na Anak mo si Anton. Bakit hindi sa halip ay si Joshua ang piliin mong mahalin. Na lantaran din namang nagpapahayag ng labis labis na pagkagusto sa iyo. Sa katunayan nga ay nagpapatayo na siya ng isang malaking bahay doon sa lambak. At ang bali-balita nga dito ay dito na siya maninirahan sa atin at aalis na sa Maynila."
Napahinga ng malalim si magandang byuda. At aminin din sa sarili na hindi naman lingid sa kanya ito.
Sa katunayan ay ilang beses nga ba itong nagpunta sa kanilang bahay upang rektahang suyuin siya at ipangako ang magandang buhay para sa kanilang pamilya.
"Nauunawan ko ang ibig mong ipahiwatig sa akin Julie. Subalit nakapag desisyon na ako, at bilang panganay na Anak ko din naman ay diba at nararapat na siya ang maging susunod na Padre de Pamilya ng aming tahanan?" Matatag na tugon pa ng magandang ginang sa kaibigang babae.
Napakibit balikat naman si Julie kay Tesa at,
"Marahil ay madami pa ngang kwento tungkol sa buhay niyo na hindi ko pa maunawaan Tesa. Siguro nga ay dahil hindi ka naman talaga dito sa aming Barrio isinilang at lumaki, kundi sa Maynila. At tanging naaalala ko lang ay dumating ka dito sa aming Barrio na may kalong kalong kang isang batang lalake. At ito nga ay si Anton."
Huminga naman ng malalim si Tesa, tama naman ang kaibigan niya. Dayuhan lang siya sa lugar na ito. Matapos niyang magbakasyon nga sa lugar na ito at makilala si Andoy.
Si Andoy na pinaglaanan niya ng buong pagmamahal at pagtitiwala. Sa kabila ng banta ng mga magulang niya itatakwil siya nito sa sandaling makisama siya sa isang mangingisda lang. Kesa sa isang anak mayaman na lalakeng itinakda naman na talaga para sa kanya, dahil may kasunduan na ang mga magulang nila. Sa katunayan ay nagsasama na sila hanggang sa magbakasyon nga siya dito at nakipagtanan nga kay Andoy, sa kabilang ng mga pagbabanta ng mga magulang niya.
Napabugtong hininga na lang si Tesa sa isiping yon. At sandaling kinakapa ang sarili kung may pinagsisihan nga ba siya sa mga naging desisyon niya dalawapung taon na ang nakalilipas.
"Marahil ay tama ka Julie, napakaraming bagay sa nakaraan na maging ako ay ayoko ng balikan pa, subalit mananatili itong parte ng aking buhay. At si Anton ay isa na dito sa isang nakaraang hindi ko alam kung ano nga ba ang maaari kong isagot sa mga tanong mo." Sabi pa ni Tesa.
Subalit hanggang ngayon ay malinaw pa din sa kanya. Na wala siyang pagsisisi sa pagpili niya kay Andoy bilang maging kabiyak. Na ngayon ay pilit niyang ibinabaling ang damdamin para kay Anton. Sa kabila ng katotohanang nahahanap niya ang nasirang asawa sa pangalawang Anak niyang si Liam.
"Kung ano man ito Tesa, ay ikaw lamang ang nakakaalam. Subalit kung desidido ka ng piliin si Anton bilang kabiyak ng puso mo, ay masasabi ko din namang mabuti na ang ganito nalang ang alam naming lahat. Na si Anton ay panganay mong Anak at kapatid ni Andoy. Subalit ni kahit kaunting itsura nito ay wala namang mababakas sa pagkakaugnay niya sa nasira mong asawa Tesa."
Muling huminga ng malalim si Tesa.
At sandali pang napatingin siya sa laot at bahagya pang ngang sumilay ang ngiti sa labi niya ng...
"Nandiyan na sila, magmadali kayo!! Sumalubong na tayo sa kanila!"
At muli nga ay napuno ng galak ang puso ni Tesa. Kasabay ng pagliwanag ng kalangitan ang muling pagbabalik ni Anton mula sa laot.
Ang lalakeng tila itinadhana naman na talaga para sa kanya. Na bagamat nababalot ng tanong ang kanilang kaba-barrio, kung sino nga ba ito sa buhay nilang mag asawa, ay hindi ito sapat upang magbago pa ang kanyang desisyon para kanila ni Anton.
"Hindi kaba susunod malapit sa dagat upang masilayan mo na ang pagdating nila?" Tanong pa sa kanya ni Julie, na nagyon ay masiglang nag ayos at akma na ngang patungo malapit sa pampang.
"Sasama ako sa iyo! Nasasabik na akong makita ang aking Anak." Tugon pa niya at mabilis nga siyang lumakad. Habang mahigpit na kalong ang kanyang bunsong Anak.
Nandiyan na ang Tatay mo, kaya naman salubungin mo siya ng ngiti Anak." Mahinang bulong pa niya dito habang mabilis silang lumalakad sa buhanginan at hindi nga alintana ang pagkabasa sakong at talampakan dahil sa mamasa masang buhangin ng pampang.
***
Samantala ay tila bigla namang napalis lahat ng pagod ni Anton ng masilayan niya ang isang babaeng nakatayo mula sa karamihan. May kalong na bata tila sabik na nanghahaba nag leeg habang nakamasid sa bangkang nilululanan nila palapit sa pampang.
Namumukod tangi ang ganda nito sa karamihan. Kaya naman kay dali niya mahanap mula sa karamihan ng mga babaeng nakatayo at naghihintay...
"Napakalapad ng ngiti mo bata, lalo pa nga at nasisilayan ko na din ang napakagandang babae mula sa karamihan. Tunay naman talagang siya ang prinsesa ng dagat Anton. Wala akong pagtutol dito kahit kaunti." Masiglang sabi pa sa aking ni Mang Romie.
Habang ngayon nga ay masaya itong idinadaong na ang bangkang pangisda nila buhanginan ng dalampasigan.
"Opo Mang Romy, kaya naman masisisi mo ba akong parangapin din naman ang isang tulad niya?" Sabi pa ni Anton.
Napatango tango naman ang matanda.
"Tama, kaya naman kay palad mo Anton. Subalit gaya ng palagi kong sinasabi na may kaakibat itong pangungutya at pang aalipusta mula sa ibang nakakakilala sa inyo." Paalala pa nito sa kanya.
"Handa po ako rito Mang Romy, at handa sa araw ng kapaskuhan mismo ay magtatapat na ako ng damdamin sa kanya. Na tuluyan ko ng aakuin ang lahat lahat sa aming tahanan."
Napangiti si Mang Romy, at tinapik tapik pa ang binata sa kanyang balikat.
"Ngayon pa lamang ay masaya na ako para sa iyo Anton. Kaya naman kailangan bang pakainin kita ng balot gabi gabi para naman madami kang lakas sa araw ng pasko?" Himig biro pa nito sa kanya. At nagkatawanan nalang sila.
"Bweno gisingin mo na sila at bababa na tayo, Anton. Pihadong matutuwa ang mga asa-asawa natin sa dami ng huli natin. At nasasabik akong ibalita ito mismo sa iyong Ina, Anton..."