"Masyado ka naman yatang napaaga Bata ngayong gabi. Dahil ba ito sa magaling na pag aasikaso sa iyo ng maganda mo Ina huh." Masiglang bati pa ni Mang Romy sa binata, matapos ngang mag-isa lang nitong ilulan sa bangkang pangisda ang mga dala dalanitong baon at pati na din na din naman ang lambat, sagwan, tikin at sagwan na gagamitin nila sa laot.
Malapad naman ngiti na tugon ng binatang si Anton sa kanya. Habang inaalalayan pa ang bangka na tila naman idinuyan ng mahihinang alon ng dagat na inihahampas sa dalampasigan.
May banayad na hangin din na nagpapagaan lalo sa pakiramdam ng binatang si Anton.
"Tama naman Mang Romy, marahil ay ito nga yata ang dahilan kaya naman maaga akong naparito." Masiglang tugon pa niya sa may edad na din namang mangingisda.
Mabilis naman siyang tinapik tapik sa balikat nito at,
"Masaya akong malaman yan Anton, naalala ko pa tuloy ang Tatay mong si Andoy na palaging may pinakamasarap na baon at siya din namang pinaka aga dito sa baybayin." sabi pa niya habang ngayon nga ay itinatali niya ang pakaway o katig ng bangka upang masiguradong makakalaban ito sa malakas na hampas ng mga alon sa laot mamaya.
"Oo nga po Mang Romy, paano ba naman ay asikasong asikaso siya ni Nanay. At nasasaksihan ko po ito mismo." Masiglang pahayag pa niya sa matanda.
Napatango tango naman ito bago naman sumampa sa bangka at iniayos ang mga lambat na gsgamitin nila. Bago naman may kinuhang isang kwatro kantos sa kanyang dalang basket. Tsaka naman muling bumaba sa bangka at itinali pa nga ito sa isang kawayan na nakabaon sa buhanginan ng pampang. Bago ito naupo sa buhanginan na tinabihan naman ng binata.
"Maya maya lamang ay nandito na sila Anton. Kaya naman bago iyon ay inumin mo muna itong unang tagay. Pampalakas lang ng loob." Nakangiting sambit pa niya tsaka naman iniabot sa binata ang isang baso na may lamang alak.
Kinuha naman ito ni Anton at agad nilagok ang lahat ng laman nito, bago nakangiwing ibinalik sa matanda ang baso.
"Wala ka pa ding pagbabago Anton, hanggang ngayon ay hindi mo pa din makasundo ang lasa ng alak. Habang ako naman ay tila kay tamis na ng lasa nito." Napapailing pang sabi nito tsaka naman lumagok ng dalawang tagay, bago naman muling isinara ang alak.
"Ewan ko ba Mang Romy, yan yata yung bagay talaga na hindi ko matutunan. Ang sama kasi ng lasa." Natatawang komento pa ng binata.
Napailing at natawa naman si Mang Romy sa naging tugon ni Anton.
"Maiba ako Anton, wala nabang umaakyat ng ligaw sa iyong Ina? Ang balita ko kasi ay halos lahat ng binata dito sa atin ay nais sumubok na umakyat ng ligaw sa inyo at magbakasakali ding makamtam ang matamis na oo ng iyong Ina."
Bahagya namang napahinga ng malalim amg Binata.
"Ang totoo niyan Mang Romy, ay mayron pa din namang mga nagpaparamdam. May mga nagpapadala din ng mga bulaklak at mga liham ng pag-ibig kay Nanay. At ang iba nga rito ay ipinapabasa pa niya sa akin." paglalahad naman ni Anton.
Napatango tango naman ang matanda.
"Sa bagay na iyan ay hindi na ako magtataka Anton. Gaya ng palagi kong sinasabi sa iyo, ang iyong Nanay ang itinuring sa ating barrio na prinsesa ng dagat. Paano ba naman ay laking maynila siya tapos ay pinili niyang mamuhay dito kasama ng inyong Ama. Kaya naman madami ang lalong nagtanim ng paghanga at inggit din naman kay Andoy. At ngayon ngang wala na siya ay nakita nila itong pagkakataong makuha ang minimithi nilang si Teresa, na ngayon nga ay nabyuda na ng iyong Ama." mahabang lintanya pa ni Mang Romy sa binata.
Habang ngayon ay nakaupo na sila sa buhanginan at nakaharap lang sa mapakadilim na laot ng dagat.
"Ngunit nangako sa amin si Nanay na hindi na siya tatanggap pa ng manliligaw Mang Romy, at pinanghahawakan ko po ito." Matatag na tugon pa ni Anton sa matanda.
Muli namang tinapik ni Mang Romy ang balikat niya.
"At tama naman siya sa sinabi niya ang iyong Ina Anton. Ang lahat nga ng nagbaka sakali sa kanya ay umuwing bigo lahat. Maging si Joshua nga na taga Maynila din ay walang kaabog abog na binigo ni Teresa, sa kabila ng napakagandang buhay na pangako nito sa inyo. Dahil alam na alam naman nating si Joshua na marahil ang isa sa pinaka mayaman sa ating Probinsiya." Napapailing pang pahayag ni Mang Romy.
Nakaramdam naman ng bahagyang paninibugho sa isip si Anton. Dahil kilala niya si Joshua, at tama ang matanda. Napakayaman nito at magandang lalake din naman. Na marahil ay papangarapin talaga ng kahit sinong babae dito sa Barrio.
"Ngunit ang malaking palaisipan sa kanila ay ang palaging sinasabi ng iyong Ina na meron na siyang napiling kapalit ng iyong Ama. Kaya naman tahasan niyang binibigo ang mga nanliligaw sa kanya ang dahil din naman dito." Pagpapatuloy pa ni Mang Romy.
Mabilis namang napaangat ang mukha ni Anton.
"Kung ganon ay sino daw po siya Mang Romy?" Halata ang pagkabahala sa mga tanong ni Anton.
Paano kung may napili na nga ang kanyang Ina, bilang kapalit ng Tatay nila? Handa na nga ba siya para dito?
"Walang nakakaalam Anton, at sa bagay na iyan ay ikaw siguro ay pwede naming tanungin dahil ikaw ang kanyang Anak na panganay. Subalit ang sabi sabi nga dito ay muling umaliwalas ang magandang mukha ni Teresa. Muli at nasisilayan na naman ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata. Kahulugan lang na marahil ay umiibig na nga ulit ang iyong Ina. Kung sino ito ay walang nakakaalam Anton..."