NHEJOY's P O V
" Ano ho!? . . . Kailan pa ho!? . . . Bakit po kasi hindi nag sasabi agad e! " umiiyak na saad ko sa aking Ina habang kausap ko siya sa cellphone kong de keypad
Ngumunguyngoy rin kasi siya sa kabilang linya, dahil isinugod daw sa ospital ang tatay ko dahil namimilipit sa sakit ng tiyan.
" Sige ho, titingnan ko kung pwede akong makapag- cash advance sa mga amo ko. " wika ko at hindi na namin pinatagal ang aming pag- uusap dahil lumabas lamang daw siya sa bakuran ng ospital para nga maka usap ako, wala raw kasing cellphone signal sa loob niyon
Ginamit kong pamahid ng luha ng laylayan ng aking unipormeng suot tsaka sumisinghot na bumalik sa kusina. Kasalukuyan kasi kaming nag hahanda para sa almusal ng aming mga amo. Binilinan ko na kasi ang pamilya ko na kapag tatawag ay sa umaga bago mag- umpisa ang kanyang trabaho at sa gabi kapag tapos na.
" Kumusta? Bakit ka umiiyak? " salubong na usisa ni Aling Magda
Napa tingin na rin sa akin sila Sarsi at Pepsi na abala sa paghihiwa ng sibuyas at kamatis para sa sawsawan.
Kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mapa luha habang nagkwe- kwento sa kanila.
" Pwede ka namang mag- cash advance kila Ma'am Mila. Papayag iyon basta sa emergency gagamitin. " saad pa ni Aling Magda
" Hi- Hindi ko ba nakaka hiya? Pangatlong araw ko pa lang po rito? " kiming wika ko naman
" Naku! Nandirito ka pa naman para trabahuhin iyong babalihin mo! " saad pa ni Aling Magda. " Ako na ang babanggit mamaya, mababait ang mga iyon, h'wag mo lang aabusuhin. " dugtong pa niyang wika
" Ma- Maraming salamat po. " naiiyak na tugon ko
" Sus! Sino pa ba ang mag tutulungan kung hindi tayo- tayo lang din dito! Kahit hindi tayo mag kapitbahay at wala pa rito ay ganyan na kami. " paliwanag pa ni Aling Magda
" Salamat pa rin po. " kiming saad ko at pinakalma ang sarili dahil umagang- umaga ay umiiyak ako, nakaka hiya naman sa mga amo namin
" Aling Magda? Gising na ho ba si Nhejoy? " dinig naming tawag ni Sir Rave sa intercom
" Magandang Umaga po, Sir, oho, gising na siya. "
" Good morning too! Paki sabi hong ibaba na ako. " utos pa nito
" Sige ho. " hindi na namin narinig ang tugon niya, binaba na siguro ang intercom
" Akyat na ho ako. " paalam ko sa kanila, narinig ko naman kasi ang utos ng aming amo kaya hindi na kailangan na sabihin pa sa akin ng aming Mayordoma
Tumango lamang sila, kaya matamlay na akong humakbang palabas ng kusina. Ilang minuto lamang ang naka lipas ay naka pasok na ako sa silid ng binata naming amo.
" Ma- Magandang umaga po, Sir Rave. " kiming bati ko, lumapit ako sa tabi niya para ayusin ang kanyang wheelchair tsaka ko siya binuhat palipat doon.
" Umiiyak ka ba? " tanong niya sa akin imbis na sagutin ang bati ko
" Hi- Hindi ho. " kaila ko pa pero tinodo ko ang yuko ng aking ulo habang inaayos ang higaan niya
" Umiyak ka, alam ko, o hindi pa nawawala iyang sinat mo kaya ka sinisipon? " wika pa niya
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi na naman mapa luha. Dahil hindi naman ako sanay na mag sinungaling kaya pinag tapat ko na rin sa kanya ang aking pino problema.
" Pwede kang mag- cash advance kay Mommy, sabihin mo sa kanya mamaya. " wika niya
" Ba- Bago lang po kasi ako rito, ba- baka ho ma- magalit sila? " humihikbang saad ko pa
" Hindi ah! Hindi ba sinabi sa'yo ng mga kasamahan mo na mayroon pa silang natitira na ni- cash advance kila Mommy na hanggang ngayon ay hinuhulugan pa? " turan niya
" Wa- Wala po. " kiming saad ko pa
P-um-westo na ako sa likod ng wheelchair niya para itulak.
" Pwede mo ring i- dagdag iyong binigay ko sa'yong pera no'ng isang araw. " pahayag pa niya
Natigilan naman ako dahil nawaglit na nga iyon sa isipan ko, mabuti at pinaalala niya.
" O- Opo, tsaka sigurado po kasing matatagalan bago makapag tanim ng palay si Tatay kaya ho kailangan nila ng panggastos sa araw- araw hanggang hindi ho siya gumagaling. " turan ko pa
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya hanggang sa makababa kami sa living area. Diniretso ko pa ang tulak sa kanya hanggang sa garden.
" Magandang umaga po, Sir, Ma'am. " bati ko sa mag- asawa naming amo nang itabi ko sa kanila si Sir Rave
" Good morning too! May binanggit na sa akin si Aling Magda, Nhejoy. Kailan mo balak mag padala sa pamilya mo? " malumanay na tugong bati ng Ginang sabay banggit ng kailangan ko
" Ku- Kung pwe- pwede po sana mamaya na, Ma'am? " mangiyak- ngiyak na tugon ko
" Sige, pagkatapos kumain ay bibigyan kita ng pera. Pa- drive ka kay Mang RC papunta sa remmittance center para makapag padala ka sa pamilya mo. " mahinahon pang wika niya
" Opo, Ma'am! Marami pong salamat! " tugon kong hindi na naman napigilan na tumulo ang mga luha
" Walang anuman, Nhejoy! H'wag kang mahihiyang mag sabi sa amin kung may kailangan ka. " naka ngiting tugon pa nito
" Opo, maraming salamat po talaga! " wika ko pa na tinuyo ko na ang mga luha ko gamit ang aking mga daliri
" Ma'am, pwede po ba akong maki sabay kay Nhejoy? Mag papadala rin po kasi ako sa amin. " kiming paalam ni Pepsi
" Okay, no problem! " tugon pa ng amo naming babae
" Salamat po! "
Tumango lamang ito at itinuloy na ang pag kain, samantalang ang mag- ama niya ay hindi man lang nakisali sa aming usapan.
Nag hintay na lamang kami sa isang tabi habang kumakain sila, baka kasi may iutos pa. Hanggang sa matapos sila ay wala namang iniutos kaya sabay- sabay na nilang niligpit iyon.
Ako kasi ay inihatid ko na sa k'warto niya si Sir Rave para uminom ng gamot.
" Eto pa, i- dagdag mo sa ipapadala mo sa pamilya mo. " inabutan niya ako ng may kakapalan na perang papel na kulay asul, hindi ko naman alam kung saan niya iyon kinuha dahil pumasok ako sandali sa banyo.
Iniwanan ko lamang kasi siya sa gilid ng kama.
" Ho!? Naku! H'wag na po, Sir Rave? May ipapa hiram naman po ang Mommy ninyo sa akin! " mabilis kong tanggi na may kasamang iling pa ng ulo
" Ako naman ang may bigay nito, iba 'to, iba ang ipapa hiram ni Mommy. " giit niya sabay lapag ng pera sa ibabaw ng kama
Binuhat ko na lamang siya pabalik sa higaan at inayos ang wheelchair sa gilid.
" Hindi ko na ho ito tatanggihan, Sir Rave. Pumapayag na rin po ako sa nais ninyo. Pagkatapos ko hong ipadala itong pera ay babalik po ako rito at pag- uusapan ang sinasabi ho ninyo. " seryosong saad ko, sabay dampot ng pera
" Hindi naman kita minamadaling mag desisyon. "
" Ganoon din po iyon, Sir Rave! Kakapit na lamang po ako sa patalim dahil kailangang- kailangan ko. Wala na ho akong pakialam sa dignidad ko, iyon pa ho ba ang iintindihin ko e gipit na ho ang pamilya ko? " may patutsadang wika ko
Hindi naman siya nakakibo.
" Sige ho, bababa na ho ako at baka mainip si Mang Rc at Pepsi sa akin. " paalam ko pa
" Okay! " tumango pa ito
Kaya lumabas na ako sa silid niyang iba na ang disposisyon sa buhay. Wala naman akong magagawa dahil mayaman sila at nangangailangan ako ng pera. Hindi ko sila pwedeng sisihin sa nangyayari sa amin dahil buhay namin ito.
Iyon nga lamang ay kailangan kong pag trabahuhan ang ipinahiram nilang pera. Kung tutuusin pa nga ay tila blessing in disguise itong pamamasukan ko. Dahil kung nasa probinsya lamang ako namin at ganoon ngang nagkaroon ng karamdaman ang aming ama ay kanino kami uutang ng malaking halaga?
Iyon na lamang ang iniisip ko pampa lubag loob sa sarili. Para kahit papaano ay mabawasan ang guilt na aking nararamdaman kapag naiisip ko kung anong trabaho ang gagawin ko sa binata naming amo.