ANACONDA

1512 Words
NHEJOY's P O V " A- Akala ko ba ma- may sakit ka pa? " atubiling tanong niya sa akin nang maka pasok ako sa kanyang silid at ilapag sa ibabaw ng kama niya ang dala kong tray na may lamang meryenda niya " Magaling na po, sininat lang po naman po ako kanina. " kiming tugon ko " Anong sininat? " kunot ang noong tanong niya ulit " Ahm, bahagyang mainit, gano'n! " kibit balikat kong tugon Sabay kamot sa kilay ko, naisip ko tuloy kapag mayaman pala ay hindi alam iyong sinat? " Baka mabinat ka? Gaya ni Dew? " wika pa niya " Ba- Baka po kasi ma- may kailangan ka- kayo tapos hindi n'yo ma- maiutos sa ibang kasambahay kaya u- umakyat na ho ako rito. " pautal- utal ko pang tugon Mas lalo namang nag salubong ang kilay niya. Kaya naman nakaramdam ako ng takot. Wala pa naman sana akong balak na akyatin siya rito. Subalit, kanina kasi ay kinatok ako ni Aling Magda. Nagwala raw si Sir Rave nang pasukin ni Sarsi. Baka raw may iuutos dapat sa kasambahay pero nahihiyang mag- utos sa kanila dahil ako nga raw ang personal maid nito. Kaya napilitan akong maligo at mag bihis ng maid's uniform. Napa- sign of the cross pa nga ako nang makita ko kung gaano karami ang na basag niyang appliances sa loob ng kanyang silid — laptop, flat screen tv, lampshade, full body mirror, center table sa yari sa salami at marami pang iba. " Wala akong kailangan. " tugon niya " Si- Sige po, bababa na po ako ulit. " paalam ko na lamang Wala naman pala siyang kailangan! Bakit naman kaya siya nag wala kanina? Ngayon lang daw kasi nangyari iyon ayon kila Aling Magda. " Sa- Sandali! Ma- Mamaya ka na bumaba! Nandito ka na! " mabilis nitong pigil sa akin Baka kung nakakalakad ito ay baka hinawakan pa niya ako sa braso. Hindi na lamang ako kumibo pero nasa kaniya naman ang paningin ko. " A- Alam mo na siguro na nag wala ako kanina? " matiim ang tinging wika niya Kaya dahan- dahan naman akong tumango. " Ahm, na- nanonood kasi ako kanina sa a- adult site at titingnan ko kung may pag- pag babago sa aking pagka la- lalaki. Naka- ilang video na ako ay wala pa ring epekto. " saad niya Hindi ko naman alam kung bakit niya kinu kwento sa akin ang bagay na 'yon? " A- Ano po iyong a- adult site? " kiming tanong ko " Huh!? " nanlaki ang mga mata ko nang sagutin niya kung ano iyon " Nandiyan po ang Family Doctor n'yo kanina, bakit hindi po kayo nagpa- check up? " turan ko sa kanya " Alam mo, Nhejoy, ang ganitong sakit ay nakaka hiyang ipa alam sa iban tao. Kami lamang ng dati kong kasintahan ang nakaka alam nitong pagiging inutil ko. Kaya nga niya ako iniwanan e, hindi ko na raw siya mabibigyan ng anak. " mahabang paliwanag niya Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa sinambit niya. Paglalaro sa laylayan ng suot kong uniporme ang tangi kong nagawa. " Ahm, a- ang sabi mo,'di ba e gu- gusto mong maka tulong sa pamilya mo? " wika pa niya " O- Opo. " tango ko na may kasamang tango pa " May offer ako sa'yo, dadagdagan ko ang sinu sweldo mo rito. " " Ho!? Bakit n'yo naman po dadagdagan e kakabigay n'yo lang po ng pera sa akin kahapon!? " nanlalaki ang mga mata at gulat na saad ko Ngumiti lamang siya. " Oo, dagdagan ko pa kasi may isa pang trabaho akong ipapa gawa sa'yo. " tugon niya " A- Ano po iyon, Sir? Ba- Baka po hindi ko kayanin kasi nga po inaasikaso ko na po kayo. " Tanong ko pa " Madali lang nakaya mo nga kahapon, 'di ba? " malaki na ang ngiting tugon niya Kaya kinabahan naman ako tsaka napa lunok ng laway. " Ka- Kasama naman po sa pag- aasikaso ko sa inyo ang pag paligo, 'di ba po? " saad ko pa Kaya natawa siya. " Hindi lang naman ang pag paligo sa akin ang ginawa natin kahapon, 'di ba? " may nakaka lokong ngiting wika niya Kinabahan naman ako dahil alam ko naman ang tinutukoy niya ayoko lamang paka isipan na mauulit pa iyon. Kaya nga siguro ako sininat dahil sa bagong karanasan na si Sir Rave lamang ang gumawa sa akin. " Alam mo na ba ang ibig kong sabihin, Nhejoy? " " Ba- Baka po mabuntis ako, Sir Rave, si- sigurado pong itatakwil ako ng pamilya ko kapag umuwi ako sa amin na malaki ang tiyan. " nagda dalawang isip na tugon ko " Wala akong balak na buntisin ka, katulad lang din nang ginawa natin kahapon ang magiging trabaho mo. Kapag kasi ikaw ang natatanaw ko at nag kakadikit ang ating mga katawan ay nagre- react ang junjun ko. " pahayag niya Inulit niyang banggitin iyong panonood sa pang- adult site na hindi man lang daw nag bago ang tikas, mistula pa rin daw lantang gulay. " H'wag kang mag- alala tayo lamang ang nakaka- alam nitong ipapagawa ko sa'yo para walang masabi sa'yo ang ibang kasamahan mong kasambahay. " wika pa niya, " Ayaw mo ba no'n, mas malaki ang maiipon mo para sa pamilya mo? " pag kumbinsi pa niya Nasisilaw man ako sa mga ino- offer niya pero dahil nga makaka tulong na ako sa pamilya ko ay makaka- ipon pa ako. Subalit, iniisip ko rin ang aking dignidad? Dahil lang ba sa pera kaya ko ibaba ang sarili ko? Hindi naman kami kinakapos sa probinsya, nakaka kain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya lang naman ako nag pumilit na mamasukan ay para makapag- aral ang mga nakaka bata kong kapatid sa kolehiyo. Maaatim ko bang pag- aralin sila ngunit kalinisan ng katawan ko ang magiging kapalit? " Ano!? Okay lang kung ayaw mo. Kaya lang naman ako nag- o- offer sa'yo, baka sakaling bumalik kasi ang sigla ng pagka lalaki kong naging apektado nang pagkaka aksidente ko. " pahayag pa niya na tila nalungkot " Ba- Bakit pl ayaw n'yo na lang na ipa- opera iyan! Ang dami ho ninyong pera kahit po sa ibang bansa kayo magpa gamot ay kakayanin ninyo ang gastos! " saad ko naman dahil baka may ibang paraan pa para maibalik ang tikas ng kanyang junjun Hindi ko pa maba baboy ang katawan ko. " Pwede naman, kasi nga sa'yo ay may reaksyon naman siya? Bakit pa ako magpapa opera kung ikaw naman ang makaka gamot ng tila lantang gulay ng pagka lalaki ko? Hindi pa ako masusugatan tapos sa'yo ko na lang ibibigay ang perang gagamitin sa operasyon ko. Mas okay iyon, 'di ba? Makaka tulong ka pa sa pamilya mo? Pareho lang nating matutulungan ang isa't isa. " mahabang paliwanag pa niya Tama naman siya, ang iniisip ko lamang ay paano kapag may nagka gusto sa akin? Ano ang gagawin ko kapag nalaman niyang pina hawakan ko na sa ibang lalaki ang iba't ibang parte ng katawan ko tapos hindi ko naman siya nobyo? Tapos may alam na ako sa usaping sekswal samantalang bago ako lumuwas dito at mamasukan ay isa akong inosente ako at naive? Baka magulat pa siya kapag natuklasan nitong mas maalam pa ako kaysa sa kanya kung paano magpapa ligaya? " Pag- isipan mo munang mabuti, bukas ko na aalamin ang kasagutan mo. Tsaka sasamahan mo nga rin pala ako sa opisina kapag nalaman ko na ang iyong katugunan. Babalik na rin kasi ako sa trabaho ko sa kumpanya. " saad niya tsaka mmdire- diretsong sinambit ang nais pa nito " Ho!? " gulat kong wika, tila lalagnatin na yata ako sa mga binabanggit niya Hindi pa kasi ako nakaka sagot sa isa ay may kasunod na pala. " Oo, kasama iyon sa ibabayad ko sa'yo. Aalalayan mo lang naman ako sa opisina dahil nga ako nakaka lakad, itutulak ang wheelchair papasok at pauwi. " paliwanag " Si- Sige po, bu- bukas n'yo po malalaman ang sa- sagot ko. " naka ngiwing saad ko " Good! Good! " tatango- tangong turan niya, " Sige na, tatawagin na lang kita mamaya, inaantok pa kasi ako. " pag tataboy na niya sa akin Hindi na nga ako naka sagot na tinahak ko ang palabas sa kanyang silid. Gulong- gulo ang isipan ko dahil sa kanyang mga ipinahayag. " Tama pa ba itong na pasok kong trabaho? " mangiyak- ngiyak ko pang bulong sa sarili ko habang pababa ng hagdan Hanggang sa maka balik ako sa kusina ay gulong- gulong ang aking isipan. " Oy! Nhejoy! Parang nakakita ka ng anaconda! Natulala ka na riyan! " bati ni Sarsi sabay tapik sa braso ko kaya lamang ako na balik sa kasalukuyan " Naka kita na nga! Este ano nga iyong sinabi mo!? " gulat na wika ko Tinawanan nila lamang ako at hindi na sinagot ang tanong ko. Kaya napapa kamot na lamang ako sa aking kilay habang naka nguso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD