BAKUNA

1405 Words
THIRD PERSON's P O V " Huh!? Ayos naman siya kahapon, ah!? " takang tanong ni Rave kay Sarsi ng ito ang mag bababa sa kanya sa dining area para kumain ng almusal kasabay ng mga magulang nito " Opo, nanginginig po sa lamig. Uso po kasi ang trangkaso ngayon. Tsaka baka po nanibago sa klima rito sa Valenzuela kaysa roon po sa probinsya nila. " mahabang paliwanag pa nito " Baka na hawa kay Dew? " kunot ang noong sambit niya " Hindi pa naman po sila nag kikita ulit, noon lang pong gabi ng unang araw niya rito. " katwiran pa nito " Dapat siguro magpa- vaccine kayo para sa flu, kasi dalawa na sila rito sa mansyon na may sakit. " turan pa ni Rave " Oo nga po e, pina tawag na po ang inyong family doctor para nga raw po ma- check up kami. " paliwanag pa ni Sarsi " Sige na, paki lipat mo na ko sa wheelchair ko at nagugutom na kasi ako. " malumanay na utos ni Rave sa kasambahay na bahagyang na gulat sa tono ng boses. Dati kasi ay madalas na masungit nga o kaya ay pa singhal kung mag- utos ngayon ay tila malambing pa ito. Hindi na lamang iyon pinansin ni Sarsi, sapantaha niya kasi ay baka maganda lamang ang gising nito. Lumapit na nga siya rito at binuhat mula sa likod gaya nang ginagawa ni Dew at Nhejoy. Nang mailipit niya ang binatang amo ay natanaw pa niyang nangunot ang noo nito. " Sabi ko na nga ba at scam ang malumanay niyang boses kanina. " bulong ni Sarsi sa sarili habang tinutulak ang wheelchair ng among paralisado Ganoon pa rin ang itsura nito nang naka sakay na sila sa elevator hanggang sa maihatid niya sa dining area. Kung saan nag hihintay ang mga magulang nito para sabay- sabay silang kumain ng almusal. " Good morning, Dad, Mom. " bati nito sa mga magulang " Magandang umaga rin, anak! " naka ngiting tugong bati ng Ginang " Good morning too! Pangalawang araw pa lang ni Nhejoy rito sa mansyon ay nagka sakit na siya. Ano ba ang pinagawa mo sa kanya kahapon at nilagnat siya? " tugong bati rin ni Ginoong Ron tsaka tinanong ang anak " Ahm, wa- wala po, Dad, na- nag papaligo lang po ako sa kanya. " nauutal na tugon ni Rave at na bitin pa sa ere ang kinuha niyang hotdog para ilagay sa plato niya " Baka naman nanibago lang, Hon, tsaka uso ngayon, tingnan mo si Dew ilang araw ng hindi nawawala ang trangkaso. " malumanay na paliwanag naman ng Ginang sa asawa. " Mabuti nga iyong pa- check up mo na sila at pa- flu vaccine para hindi na mahawa ang iba tsaka tayo. " wika ni Ginoong Ron " Kaya nga e, mamaya raw ay pupunta na rito ang ating family doctor. " tugon pa ng Ginang " H'wag mo naman kasing papa hirapan ang bagong kasambahay natin, Rave, ngayon pa lang yata siya namasukan bilang kasambahay. Nakaka awa naman para ang nais lamang niya ay maka tulong sa pamilya. " mahabang sermon pa ng Ginoo sa anak na bunso " Opo, Dad, ba- baka po nakasama iyong pagka babad namin sa tubig kahapon. Na- Nahirapan po kasi siyang paliguan ako. " alibi pa niya " Pwede ka naman kasing maligo na lang mag- isa kapag na buhat ka sa bathroom tapos mag tawag ka na lang kapag tapos ka na! " sermon pa ng Ginang sa kanya Kaya napa kamot na lamang siya sa kilay. " S'yempre, maganda at sexy ang bago nating kasambahay kaya nagpa- baby itong bunso mo." Kantyaw pa ng Ginoo kaya naka tikim siya ng mahinang hampas sa braso mula sa asawa. " Kinampihan mo pa! Kayo talagang mga lalaki! " naiiling na wika ng Ginang Mahina na lamang na tawa ang mag- ama. " Wala ka bang balak bumalik sa opisina mo, Rave? Pwede ka namang naka- wheelchair habang nagta trabaho, nandiyan naman si Nhejoy bilang personal maid mo tapos may Secretary ka pa sa office. " tanong ng Daddy niya " Ahm, pag- iisipan ko muna ho, Dad. " magalang niyang tugon Tumango- tango naman ito. " Habang hinihintay mo na rin ang pag galing niya e dapat makapag desisyon ka na. Natatambakan ako ng trabaho sa dalawang kumpanya. " saad pa nito " Opo. " tugon na lamang niya para hindi na siguro humaba pa ang kanilang pag- uusap tungkol sa pag balik niya sa opisina. Ituloy na nila ang pagkain habang ang ibang anak naman ang pinag- uusapan ng mag- asawa. " Pasok na ko, Rave, iyong sinabi ko. " paalam pa ng Daddy niya at pina alala ang suhestyon kanina " Opo, Dad, ingat po kayo. " tugon niya sa Ama Tinapik lang naman nito ang balikat niya at nauna na silang lumabas sa dining area dahil ihahatid ng Mommy niya ang Mister sa sasakyan nito. " Sa sala mo muna ako dalhin, Sarsi. " malumanay na utos niya sa kasambahay " Opo, Sir Rave. " tugon nito Itinulak na nga niya ang wheelchair nito sa living area. " I- o- on ko po ba ang telebisyon, Sir? " tanong pa nito " No, pakikuha na lang ang gamot ko sa itaas, nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yong bitbitin mo kanina. " " Sige po, Sir. " yumuko pa ito bago tumalikod sa kanya at tinungo ang hagdan Kumuha naman si Rave ng newspaper tsaka binuklat at binasa sa business section. Nang matapos doon ay inilipat pa niya ang pahina sa entertainment section. Nang mahagip ng kanyang mga mata ang news tungkol kay Cassandra ay biglang uminit ang ulo niya. Binasa naman niyang buo ang nilalaman ng balita. Maya naka kawit kasi sa baywang nito na kamay ng isang lalake na anak na isang business tycoon. Bigla niyang nilukot ang nasabing newspaper pag katapos basahin ang nasa artikulo. Base kasi rito ay nag babalak na raw mag pakasal ang dalawa. Samantalang wala pang isang buwan mula ng mag hiwalay sila. Ibig sabihin ba niyon ay matagal na siyang niloloko ni Cassandra? Kaya nga ba napapa tanong siya sa sarili niya noon na tila ba madali lamang dito na makipag hiwalay sa kanya. Iyon pala ay may naka reserba na? Gayunpaman ay nag payo naman itong magpa gamot siya sa isang bansa pero no'ng natuklasan nitong hindi na niya kayang paligayahin ay bigla na itong nakipag hiwalay at ang sabi pa ay hindi raw niya ito mabibigyan ng anak. " Anak, bakit mo naman nilukot iyang newspaper e hindi ko pa nababasa. " pinagalitan tuloy siya ng Ginang nang maka lapit sa kanya " Sorry po, Mommy, nasa news po kasi si Cassandra. " hinging paumanhin naman niya Kinuha ng Mommy niya iyong newspaper tsaka inayos, unang bumungad rito ay ang pahina kung nasaan ang larawan ng dating kasintahan ng anak na si Cassandra. Binasa rin nito ang artikulo at pagkatapos ay napa hugot ng malalim na buntong- hininga. " Sir, eto na po ang gamot n'yo. " singit na sambit ni Sarsi at ini abot nga ang medicine organizer sa kanya " Salamat, pakikuha mo na tuloy ako ng isang basong tubig. " malumanay ulit niyang utos " Sige po, " tugon nito at tinungo ang kusina para kumuha mang iniuutos niya Bumalik naman ito agad tsak nagpa- alam na tutulong na kila Aling Magda sa gawain sa kusina. Pinayagan naman nila ito kaya sila na lamang mag- ina ang naiwan sa sala. " Mabuti na rin, anak, na habang maaga ay nakikilala mo ang tunay niyang ugali. Hindi dapat siyang iyakan, hindi ka man lang niya nagawang alagaan kahit isang araw? Bakit, akala ba niya e habang buhay kang naka tali sa wheelchair? Kaya dapat ay ipakita mo sa kanyang hindi siya kawalan sa iyo. Dapat makita niyang tuloy pa rin ang buhay mo kahit naka tali ka riyan sa upuan may gulong. Ipakita sa kanyang hindi siya malakibmng kawalan sa'yo. At mas higit pa sa kanya ang matatagpuan mong babae. " mahabang paliwanag ng Ginang at pilit itinataas ang kanyang self- esteem. " Opo, Mommy. " maikling tugon na lamang ni Rave Dahil pumpasok na sa sala nila ang tinawag na family doctor para nga ma- check up ang kanilang mga kasambahay at makapag- flu vaccine na rin. Para nga naman wala ng sumunod na magka sakit kila Dew at Nhejoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD