NHEJOY's P O V
" Itago mo na iyan at h'wag mo ring sasabihin sa kanila na binigyan kita ng pera. " pa habol pang bilin ni Sir Rave
" Opo! Ahm, pwede po bang lumipat muna ako sa aming quarters para makapag palit po ng underwear? Nan lalagkit na po kasi ako. " naka ngiwing paalam ko
" Sige, bumalik ka agad, mamaya ka na mag patulong kila Pepsi riyan sa cellphone na binigay ko. " pumayag naman siya pero may pa habol na bilin
" Opo! " tugon ko na lamang kaya tumango lang siya
Mabilis na akong tumalikod tsaka lumabas ng kanyang silid.
" My God, Nhejoy, ano ang ginawa mo!? Nasaan na ang babaeng conservative at naive? Unang araw mo pa lang sa trabaho mo ay sumubo ka agad ng anaconda!? Nakaka hiya ka! Tapos na tikman mo na ngayon ang tinatawag nilang langit? Masarap naman na tila nasa alapaap ang pakiramdam pero wala akong na kitang mga bituin? " tila ako nasisiran ng bait na kausap ko sa sarili ko habang pababa ng hagdan, tinapik- tapik ko pa ang mag kabilang pisngi ko na tila ginigising ang sarili
" Huy! Bakit ganyan ang itsura mo!? " tanong ni Sarsi nang magka salubong kami sa sala
" Ay! Anaconda! " gulat na sambit ko
Kung ano- ano nga kasi ang iniisip ko kaya wala na akong nalalaman sa paligid ko.
" Huh!? Saan may anaconda!? Sa silid ba ni Sir, mayroo?! Naku! Dapat nating ipag bigay alam sa mga magulang niya! " histerikal na wika pa nito
Kaya tinakpan ko na lamang ang kanyang bibig para tumigil.
" Wala! Na gulat lang ako kaya ko iyon na sabi! Ikaw naman kasi! " turan ko sa kanya
" Hmmpp! Ano ba 'yang lasa ng palad mo! Maalat na matamis! Ano ba ang hinawakan mo?! " naka ngiwing saad pa niya
Kaya napa tingin ako sa kamay kong siyang ginamit ko sa pagpapa ligaya kay Sir Rave. So, maalat at matamis pala ang lasa ng katas niya?
" Uy! Natulala ka naman diyan! " pumitik ito sa harapan ng mukha ko kaya na balik ako sa ksalukuyan
" Ano!? Ahm, ma- may pi- pinalinis kasi si Sir Rave sa . . . i- ilalim ng kama niya ka- kaya marumi ako. Na- Nagpa alam nga akong pa- papasok muna sa quarters natin para ma- maligo sana. " nauutal na wika ko, sana nga lang ay maniwala siya sa alibi ko
" Ganoon ba!? Sige na, mukhang na pagod ka sa pag lilinis dahil may buo- buo ka pang pawis sa noo? Aircon naman ang k'warto ng mga amo natin? Bakit ka pag papawisan? " takang usisa pa nito
" Marami nga kasi akong nilinis! Diyan ka na nga! Saan ka ba pupunta? " katwiran ko pa sabay tanong para maiba ang aming pinag- uusapan.
" Tatanungin kay Ma'am Mila kung kakain na ba siya ng tanghalian? " tugon niya kaya tumango na lamang ako
" Sige na, ligo lang ako at nan lalagkit na ang pakiramdam ko! " paalam ko pa sa kanya at ako na ang tumalikod patungo ng sa quarters namin para hindi na siya mag- usisa pa
" Bilisan mo at kakain na ng tanghalian! " pa habol pa nitong wika
" Oo! " tugon ko rin sa may kalakasang boses para marinig niya
Palabas na kasi ako sa pinto sa gilid ng living area, garden pa ang bubungad sa'yo. Sa bandang likod nito ang aming quarters pati na ang sa Hardinero, Family Driver at mga Gwardya pero sa kabila ang pinto nila.
Pagka pasok ko sa aming silid ay nanginginig ang kamay na dinukot ko sa bulsa ng uniform ko ang perang binigay ni Sir Rave. Binilang ko iyon at itinago sa closet ko, may sari- sarili naman kaming damitan na may susi kaya alam kong hindi nila iyon makikita. Pina ilalim ko pa ang pera sa photo album na dala ko, para kung ma- miss ko ang pamilya ko ay titingin lamang ako sa mga iyon. Iyong cellphone naman na bigay niya ay sa bungad ko lamang ipinatong para matanaw ko agad mamaya.
Pagka kuha ko ng underwear ay pumasok na ako sa banyo para mag linis ng aking kaselanan. Habang nasa loob niyon ay kung ano- ano na naman ang naiisip ko.
Alam ko namang mali ang ginawa namin ni Sir Rave, pero dala na rin siguro ng pagka- curious ko sa usaping sekswal kaya ako pumayag sa nais niya. Ang bestfriend ko kasing si Elena ay maagang nag- asawa, mayroon na siyang isang anak. Iyon nga ang madalas niyang bukambibig kapag nag kikita kami na masarap daw ang bembangan.
Kunwari naman akong hindi interesado sa mga kinu kwento niya dahil nga sa pagka- conservative ko. Pero natatanim naman iyon sa aking isipan. Wala naman kasing mag tangkang manligaw sa akin sa lugar namin kaya sino naman ang magiging nobyo ko?
Kaya iyong gulat ko kanina sa banyo ng binata kong amo ay totoo dahil noon lamang ako nakakita ng anaconda este ng pagka lalaki. Kaya hindi ko alam kung may mas lalaki, tataba o hahaba pa ba sa kanya dahil wala naman akong ipagku kumpara. Pero iyong curiosity ko ang tila mag papahamak sa akin? Kung kapahamakan ba iyong pinaligaya na nga niya ako — at oo, tama ang kaibigan kong masarap nga ang b*****g — kamay pa lang iyong ginamit ni Sir Rave ay masarap na paano pa kaya kung mismong junjun na niya ang pumasok sa pechay ko? Tapos binigyan pa niya ako ng pera, na malaking tulong para maka ipon ako agad at mapagawa ang bahay naming yari sa sawali at pawid.
Tinapos ko agad ang pag lilinis ko tsaka nag bihis at lumabas ng aming quarters. Dumiretso ako sa kusina para tanungin ang pagkain ng amo kong paralisado.
" Aling Magda? Ano po ang pagkain ni Sir Rave? " kiming tanong ko sa kapitbahay namin, hindi ako maka tingin ng diretso sa kanyang mga mata
Tila ngayon ako nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko sa aming amo. Pakiwari ko pa ay hindi na ako ang Nhejoy na walang muwang nang lumuwas kami rito sa Valenzuela.
" Ibaba mo na lang daw siya para sabay silang kakain ng Mommy niya sa garden, nag hahanda na iyong dalawa roon. " tugon naman nito na abala sa pag sasandok ng mga ulam sa mangkok
" Sige po, akyat po ulit ako. " paalam ko pa at hindi na siya kumibo
Tinahak ko na nga ang pataas sa ikalawang palapag ng mansyon. Kapag hindi ko kasi kasabay ang amo naming alaga ko ay hagdanan ang ginagamit ko. Para kahit papaano ay ma- exercise naman ako at lumakas para kung bubuhatin ang paralisado naming amo ay mas kayanin ko pa.
" Tara na po, Sir. " aya ko sa kanya na tila walang makamundong nangyari sa aming dalawa.
" Sige. " maikli nitong tugon
Kaya inayos ko na ang wheelchair niya, itinabi ko sa gilid ng kama niya tsaka ko siya binuhat para maka upo roon. Dinampot ko na rin ang medicine organizer niya para mapa inom ko agad ng gamot pag katapos kumain.
Hindi naman nag tagal ay sakay na kami ng elevator, walang nag sasalita sa aming dalawa. Hndi ko tuloy alam kung sino sa amin ang nahihiya. Samantalang kanina ay hawak namin pareho ang aming mga kaselanan. Hanggang sa maihatid ko siya sa garden at sabay na silang kumain na mag- ina.
Nasa gilid lamang kami nila Sarsi at Pepsi para maging alisto sa inuutos nila.
" Kumain ka na muna, Nhejoy, rito muna ako sa sala at manonood ng palabas sa telebisyon. Mamaya mo na ako i- akyat sa k'warto ko. " wika ni Sir Rave pagka- abot ko sa kanya ng gamot niya
" Sige po, Sir. " kiming tugon ko pa at itinulak ko na ang wheelchair p
niya papasok sa sala.
Ang dalawang kasamahan ko namang kasambahay ang nag ligpit nang pinag kainan ng mag- ina naming amo.