Chapter 5

1583 Words
Natapos ang hapunan namin na hindi ko man lang naramdaman na nabusog ako sa aking kinain. Noon ko lang naranasan ang pagalitan habang kumakain, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang lunukin ang pagkain na nasa bibig. Oo, alam kong masama ang loob nila sa aking nagawa pero wala ba iyong kapatawaran? O kung hindi naman ay hindi ba pwedeng pakainin muna nila ako? Nakakagawa rin naman ako ng mali kay Mommy at Daddy, pero hindi siya ganito. Sobrang guilty na ako sa ginawa ko, tapos ipinagdidiinan pa nila ito sa mukha ko. Kagaya ko, alam kong hindi rin na-enjoy ni Ate Luz ang kanyang hapunan kanina. “Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom, Safiera?” untag niya sa akin na tumagilid na paharap sa aking banda, kanina pa kami doon nakahiga sa kama. “Halos hindi mo nabawasan ang pagkain mo sa plato. Sabihin mo sa akin para lulutuan kita.” “Okay lang ako, Ate Luz.” Kumakalam at nagrereklamo ang aking sikmura, pero never kong sasabihin iyon sa kanya. Iisipin ko na lang na ito ang siyang parusa ko sa kasalanang ginawa kanina. Ngayon lang naman ito kung kaya naman hindi naman ako magkakasakit kaagad. “Salamat po Ate Luz, pero hindi naman ako nagugutom.” “Sigurado ka ba diyan?” tanong niya pang lumalim na ang tingin sa aking mukha. “Oo Ate, huwag mo na akong alalahanin.” “In case na magutom ka, gisingin mo na lang ako. Huwag mo ng isipin kung anuman iyong mga sinabi ng grandparents mo sa’yo. May karapatan silang magalit o magsalit ng medyo masakit kasi syempre, nasa puder ka nila at sagutin ka nila kung anuman ang mangyari sa’yo. Basta sa sunod ay huwag kang aalis na lang basta. Magpapaalam ka para alam namin kung saan ka hahanapin, hindi ba?” Marahan akong tumango. “Sandali, ano pa lang nangyari at bigla mong naisipan na lumabas ng gate? Hindi ba at ang sabi ko sa’yo ay hintayin mo ako at may may kukunin lang ako sa loob?” Wala akong choice kung hindi ikwento ang tunay na nangyari sa akin. Ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa aking mga sinabi. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang na-amaze ba siya o mas dinagdagan ko ang kanyang pag-aalala. “Naku! Paano kung nakagat ka ng asong ligaw na iyon?!” mabilis na bangon niya na hindi makapaniwala sa kung anong aking sinabi, dapat nga yata talagang hindi ko na lang sinabi at pinili na lang na ilihim iyon habangbuhay. “Safiera, hindi lahat ng hayop ay pare-pareho ng ugali. Kung mababait ang mga alaga niyo, iyong mga alaga naman ng ibang tao ay hindi dahil sa treatment nila at sa environment nila.” “Pero mabait naman siya Ate Luz, hindi nga niya ako kinagat noong—” “Tama na Safiera, aatakehin na ako sa puso sa mga nalalaman kong rebelasyon.” Mahina na akong natawa doon kahit alam kong seryoso ang laman ng sinasabi niya. Hindi siguro sa pagiging OA, marahil ay nag-aalala lang talaga siya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Binalot na kami ng nakakabinging katahimikan at muli na rin siyang nahiga sa aking tabi. Matapos na lagyan ako ng kumot ay niyakap. “Ate Luz, kailangan ko pa lang isauli sa kanila iyong bota at saka iyong damit ng apo nila bago pa iyon hanapin sa kanila. At saka gusto kong magpasalamat ulit.” “I don’t think so na papayagan ka ng grandparents mo, Safiera. Ipapasauli na lang natin iyan bukas. Kilala mo ba kung ano ang apelyido nila? Sagingan lang ang nabanggit mo sa amin at nalaman ng grandparents mo na boundary na pala iyon.” Mabilis akong umiling. Bukod sa pangalang Ravin ay hindi ko rin alam kung ano ang kanilang apelyido. Natitiyak ko namang kilala siya nina Lola, banggitin lang. “Sabihin mo na lang ay Ravin ang pangalan noong lalakeng naghatid sa akin, Ate.” “O sige, matulog na tayo.” Kinabukasan tulog pa ako ay nagawa ng ipasauli ni Ate Luz ang mga ginamit ko sa pamamagitan ng pagsasabi noon kay Lola na nagkataong kilala nga nila si Ravin. “Isa sila sa mga pamilyang nagtra-trabaho sa ating plantation, apo.” paliwanag niya sa akin nang tanungin ko kung paano nila ito nakilala gayong Ravin lang naman ang natatandaan kong pangalan niya. “Napakasipag niyang bata kaya kilala dito. Kinagigiliwan din siya halos ng mga matatanda sa pagiging napakagalang niya.” Kung ganun, dito nga siya nakatira? Hindi ko na pala kailangang tanungin siya. Mula noon ay hindi na rin ako hinayaan ni Ate Luz na maiwang mag-isa kahit naglalaro sa bakuran sa loob ng buong bakasyon at pananatili namin dito. Iyon din ang una at huling pagkakataon na nakita ko si Ravin. Ni hindi ko na ito nasilayan muli kahit pa kung minsan ay isinasama na ako nila Lolo at Lola sa malawak na taniman kahit na ang anino niya. May panghihinayang, kaunti lang naman. Gusto ko sanang makipagkaibigan sa kanya. Iyon nga lang, mukhang malabo nga iyon. Wala rin akong naging kaibigan na mga ka-edad ko, halatang ilag na ilag sila sa akin. Marahil ay dahil galing ako sa mayamang pamilya. Napagkakasya ko na lang ang aking sarili na tanawin ang mga kagaya kong bata na naglalaro o nag-aani. Hanggang sa huling araw at tuluyang matapos na ang aming bakasyon sa lugar. “May hinihintay ka bang dumating?” Napansin niya siguro na kanina pa humahaba ang aking leeg at palinga-linga. Kanina pa ako nakatayo sa gate ng mansion. Nagbabakasakali akong makita si Ravin, baka sakaling bigla na lang siyang dumaan. Ngunit mukhang malabo iyon. “Wala Ate Luz, baka kasi hindi sinasadyang magpakita sa akin iyong aso.” Pagak na natawa siya sa naging alibi ko. Inilalabas na niya ang aming maleta katulong ang ilang kasambahay nina Lola. Inilululan na rin nila ang mga dadalhin naming prutas at mga gulayin paluwas ng Manila. Ngayong araw din ang dating nina Mommy, Daddy at Kuya Timothy galing ng Italy kung kaya naman ay sa airport ang deretso namin upang sunduin sila. Hindi na sila makapaghintay na makita ako dahil ibinalita ni Ate Luz na nasunog ang aking balat kakatungo ng palntation nina Lola noong huling tawag nila sa amin. Pinagtatawanan pa ako. Wala naman akong pakialam doon, ang mahalaga ay enjoy ako sa aking ginagawa. “Iyong aso ba talaga o iyong lalakeng naghatid sa’yo?” Nanlalaki na ang mga matang napabaling na ako sa banda ni Ate Luz. Hindi makapaniwala sa aking mga naririnig. Is she teasing me right now? “Tell me now, Safiera, may crush ka ba sa kanya?” “Ate Luz?!” marahas na padyak ng isang paa ko sa lupa, sinimangutan na siya. “Why?” natatawa niyang tanong habang nang-aasar pa rin ang mga tingin sa akin, “Crush is only paghanga. At saka walang masama doon. Normal lang iyon, Safi.” Inirapan ko siya sabay pamartsa na akong lumulan ng sasakyan. Kahit pa sabihin na paghanga lang iyon. Ayaw kong binibintangan niya ako at inaasar ako. Kainis! Hindi ko siya nilingon kahit na sumakay na rin siya. Nag-wave kami ng pamamaalam kina Lolo at Lola habang mabagal na umaandar na ang sasakyan. “Hindi ko nga po siya crush Ate Luz, curious lang naman ako sa katauhan niya.” giit ko nang muli niyang banggitin na normal feelings lang daw iyon sa ganitong edad. “At saka, alam mo namang hindi na kami ulit nagkita. First and last iyong—” “Hindi iyan totoo, Safiera. Palagi mo siyang nakikita sa plantation tuwing magtutungo tayo doon. Kaya ‘di ba gustong-gusto mong lumalaboy sa taniman?” Natigilan ako sa aking narinig. Pilit na prino-proseso ang mga sinabi ni Ate Luz. Wait? Naroon si Ravin sa plantation? Paano iyon nangyari? Wala akong nakita! “What do you mean Ate Luz na naroon siya?” baling ko na sa kanya, nakalimutan na ang inis na nararamdaman ko sa kanya kanina. Kuryuso na ako sa tinuran niya. “Wala naman siya doon—” “Ha? Naroon siya, Safiera. One time ay itinuro pa nga sa akin ng Lola mo na iyon daw ang lalakeng nakakita sa’yo sa sagingan. Ayon na rin umano sa kwento ng grandparents noong lalake sa Lolo mo.” patuloy nitong giit na sobrang nawe-weirduhan na ako. “Sabagay. Mukhang hindi mo napansin dahil sa taklob sa ulong damit na halos mata na lang ang nakikita sa kanilang lahat. Sayang, hindi mo pala alam. Nakita ko pa naman na panay ang sulyap din sa iyong banda. Mukhang may paghanga siya este curious din siya sa’yo. Ang buong akala ko pa naman ay nag-uusap na ang mga mata niyong dalawa. Jusmiyo!” may himig ng pang-aalaska pa. “Ate Luz!” maktol ko na naman doon na inihampas pa ang katawan sa upuan. “Ano iyon?” “Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na naroon si Ravin? Ang akala ko pa naman wala siya doon.” sambit kong pinatulis pa ang nguso sa kanya, “Maling akala ako.” “Hindi ko naman alam eh. Ang akala ko ay nakilala mo siya at—” “Ayoko ng magbakasyon dito next year, baka iniisip na noon na ang esnabera ko!” Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi ni Ate Luz. Hindi ko na lang iyon ulit pinansin. Pinagtuonan ko ng atensyon ang kashungahang nagawa ko sa mga araw ng aking bakasyon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD