Kinagabihan ay natanggap ako ng text mula sa unknown number. Sa paraan ng text niya ay alam ko na agad kung sino iyon kahit na hindi siya magpakilala. Si Ravin. Tinatanong nito kung may gagawin ba ako ngayong gabi dahil kung wala ay baka raw pu-pwedeng makipagkita ako sa kanya at sumama akong kumain ng dinner. Maganda sanang opportunity iyon, pero hindi naman ako pwede. Kaninang kasama niya ako hindi siya makapagsalita, tapos ngayon saka lang siya magsasabi. “Pasensiya na Ravin, hindi ako pwede ngayong gabi.” basa ko sa isinusulat kong reply sa kanya. Tingnan lang natin kung hindi ka manghinayang. Kasama mo na ako kanina hindi ka pa nagsabi. “May pupuntahan akong dinner kasama ang ibang kaibigan ko noong college. Ngayon lang nagkayayaan dahil madalang silang umuwi ng bansa. Bukas, pu-pw

