Binalot kami ng nakabibinging katahimikan. Dama ko ang panaka-naka niyang sulyap sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain hanggang sa matapos ako. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya. “Siya nga pala, nasaan ang sasakyan ko?” Nag-angat ako ng paningin matapos na lunukin ang pagkaing nasa aking bibig. Sinalubong niya ang aking mga titig at ilang minuto rin halos na naghinang ang aming mga mata. Nararamdaman ko na may iba pa siyang nais na sabihin, at hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya. Ganunpaman ay hindi ko na rin piniling usisain. “Kung saan mo ipinarada kagabi malamang ay naroroon pa rin.” Hindi ko alam kung ako lang pero hindi ko na naman nagustuhan ang tugon niya na may pahaging ng pagiging pilosopo. Hindi pa kam

