Nagkulong ako sa silid ng ilang oras. Nagpanggap akong natutulog noong akyatin ako dito ni Ate Luz para ayain ng kumain ng hapunan. Ang sama ng loob ko kay Ravin. Pwede naman niya akong balikan sa clinic anumang oras niya gustuhin ng araw na iyon kung talagang concern siya at handang magpaliwanag. Ilang taon din akong naghintay sa kanya na baka hindi niya iyon alam. Pwede niyang hingin ang number ko sa mga staff kung nag-aalangan siya at sa cellphone na lang kami mag-usap. Ika nga noon ng matatanda ay maraming paraan kung talagang gustong gawin at hahanap ng ilang libong dahilan upang takasan. “Hindi pa rin ako makapaniwalang parang nabalewala na lang bigla ang lahat! Ilang taon akong naghanap at naghintay sa kanya tapos ngayong narito na siya, what? Ganun lang? Inuna niya pa talaga ang k

