Ilang beses niyang ibinuka ang bibig habang matamang nakatitig sa aking mukha na animo ay may dumi doon. Mababakas sa mga mata niyang nais magpaliwanag, iyon nga lang ay may pag-aalinlangan kung itutuloy pa ba. Ilang beses siyang napalunok ng sariling laway sabay higit ng malalim na buntong-hininga. Gumalaw ang adams apple niya nang dahil doon. Maya-maya ay ginulo niya ang buhok. “Safiera, gusto ko lang linawin sa'yo na hindi ko itinago si Ravin. Wala akong kinalaman kung bakit matagal mo siyang hindi nakita. I mean kung ilang taon siyang hindi nagpakita.” kalmado ang boses niya pero alam kong nauutas na siya sa mga paratang ko. Nakukulitan. Dangan lang at naging kapatid ako ng kaibigan niya kung kaya ay hindi niya magawang masakit na pagsalitaan. “Sa tingin mo ano ang magiging benefit ni

