Napalunok ako ng sariling laway. Tama siya. Kilala ko siya at hindi niya magagawang ilihim ang bagay na iyon sa akin. My bad, nagduda akong baka itago nila si Ravin. Nakakakonsensya tuloy dahil parang ang labas ay wala akong katiting na tiwala sa kanila. Hindi naman iyon ang intensyon ko. At saka wala naman akong sinabing masama. Siya lang ang nagbibigay dito ng kulay. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Violet. Na-misunderstood mo.” kabig ko, ayokong sumama ang loob niya sa akin nang dahil lang dito. Isa pa ang liit na bagay nito, hindi namin kailangang pag-awayan. Hindi ako nagtungo dito para pasamain lang ang loob niya. “Kaya ako nagtungo dito ay dahil gusto ko lang din siyang makausap. Alam mo naman ang nakaraan namin 'di ba?” “Iyon kasi ang dating sa akin Safiera na parang itin

