T R I S T A N
PAG PASOK KO NG OFFICE.
Kausap ko ang secretary ko, paglingon ko nagulat ako imbes na ang secretary ko yung hinarap ko pero si Madison ang nakita ko.
Bigla kong ni lock ang pinto.
Hinarap ko siya. "What are you doing here?"
Imbes na sagot ang makuha ko sa tanong ko sa kanya, malakas na sampal ang nakuha ko galing sa kanya.
"I hate you. You are my best friend and then ito ang isusukli mo sa akin? Inapakan ng mommy mo ang p********e ko."
I sigh.
Alam kong mangyayari ito, she hates when someone talks bad about her.
"I'm sorry, for now hindi muna tayo pwede magkita."
"No! Dahil hinding-hindi na tayo magkikita pa muli!"
"Mad, please-"
"Tris, you choose this so be it."
Pagkasabi niya yun, lumabas na kaagad siya ng office, napailing nalang ako.
She's mad kaya wala akong magagawa sa ngayon, at hindi din ako pwedeng humabol kay Madison dahil lalo lang lala kapag nakita ni dad o ni mom na kasama ko si Madison.
S C A R L E T T
Tatlong araw na ako nag tatrabaho sa restaurant ni Leo, akala ko mahirap si Leo dahil doon siya nakatira kung saan kami nakatira ni Toby.
Pero hindi ko akalain na kanya ang restaurant na yun.
Pero kahit tatlong araw na ako nag tatrabaho sa restaurant niya nagkakamali parin ako.
At puro masasakit na salita ang natatanggap ko kay Leo, pero wala akong magawa dahil kahit san restaurant ako mag trabaho ganito parin mangyayari sa akin.
Atleast dito kilala ko ang may ari, mukhang hindi naman ata ako tanggalan ng trabaho ni Leo.
Nadulas ang baso na hawak ko habang nililigpit ko ito.
Agad ko pinulot ang bubog para hindi maapakan ng iba pero nabitawan ko ito dahil nasugatan ako.
Dumugo agad ang daliri ko, nagulat nalang ako na may lalaki na lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko kung saan ako nasugatan.
"Toby, call someone to clean this mess." Utos nung lalaki na hanggang ngayon hawak niya parin ang kamay ko.
Inalalayan niya akong tumayo at dinala niya ako sa office ni Leo.
Aatras pa sana ako pero nakita na ako- I mean nakita na kami ni Leo.
"Diego." Sambit ni Leo.
Kaya lumingon ako sa lalaki na katabi ko, kilala pala ni Leo ang lalaking ito.
"I need the first aid kit." Binitawan na ni Diego ang kamay ko, lumingon si Leo sa akin.
"What are you doing here?"
Aalis na sana ako pero bumalik si Diego sa tabi ko na may hawak na first aid kit. "She's hurt."
Tumingin si Leo sa kamay ko, kaya agad siya lumapit sa akin. "What happen?"
"She broke the glass." Agad na sagot ni Diego.
Napakagat ako ng labi dahil binuking lang naman ako ni Diego kay Leo.
Galit na nakatingin sa akin si Leo. "Again? May I remind you na hindi ka pa hire, I'm still observing you kung deserve kang ibigay ng trabaho dito sa restaurant."
"Sorry-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Diego.
"Don't be. Nangyayari naman talaga ang ganitong accident."
"Kahit paulit-ulit na aksidente?" Parang inis na tanong ni Leo.
"Bro. Its fine, you don't have to be rude at her. She's hire anyway, I like her." Diretsong sabi ni Diego.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya, pero ngiti lang ang binigay niyang expression sa akin.
Inagaw ni Leo ang kamay ko kay Diego, siya na ang nag linis sa sugat ko pagkatapos niyang i-bandage ito, humarap na muna si Leo sa akin.
"You can go now."
Kaya umalis na agad ako, napakamot nalang ako ng ulo dahil sa mabilis na pangyayari..
Lumapit si Toby sa akin. "Kapatid ni Leo yun, nakakatandang kapatid." Kaya pala may pag hawig ang dalawa. "Pero mabait si Diego hindi tulad ni Leo. Pero mabait naman si Leo sadyang weather, weather ang pagiging mabait niya."
Napatango-tango nalang ako sa sinabi ni Toby
L E O N A R D
Pagkatapos kami iwan ni Scarlett hinarap ko na si Diego. "You don't do that."
"Hiring her? I am also the owner of this restaurant."
"I told you, I'll pay you back what you invest here. Anyway bakit ka ba andito? Baka malalaman ni Dad kung saan ako kapag pumunta ka dito."
"I miss my little brother."
"Younger. Don't say little dahil hindi na ako bata."
Ginulo ni Diego ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay niya para itigil niya ang ginagawa niya sa buhok ko.
Tumawa lang siya sa ginawa ko. "Anyway, I like her."
I rolled my eyes, Everytime may makita siya na magandang babae yan agad lumalabas sa bibig niya.
And yes , hindi ko itatanggi ang katotohanan na maganda si Scarlett, pero wala akong pakialam kung maganda siya o hindi.
Pero kilala ko si Diego, he's a playboy, kawawa ang babae sa kanya pag nag kataon.
"Not her dude." Sabi ko kay Diego.
"Why do you like her?"
Umiling ako. "She have the past like me."
"She have fiancee? And he cheat on her?" Tumango-tango ako. "Geez! He's a jerk, ang swerte naman niya kung yun ang fiance niya. Maybe her status is the problem."
Umiling ako. "She's rich, I told you we have the same past."
"She run away too?" Tumango ako. "Then she's single."
"I warn you, Diego. Not her, madaming babae dyan, kung sasaktan mo lang din naman siya then look for another girl. She don't deserve another pain in her life right now, dahil mukhang sobra-sobra na sakit ang natanggap niya sa past relationship niya."
"I think you like her. You care too much."
"I don't like her. We just both have the same past, that's why."
"Whatever you say. But I am telling you, I like her. Hindi na ako babalik dito but if my heart look for her then babalik ako dito para ligawan siya."
I sigh.
"Just leave."
He laugh to loud. "Bro, I am serious."
"Fine. If siya parin hanap mo then come back here para ligawan siya but for now, leave her alone. Okay?"
Tumango si Diego pagkatapos nag paalam na siya sa akin.
Napailing nalang ako, buti mag kapatid lang kami, hindi kami mag katulad na playboy, kung ako stick to one, siya naman opposite ko.
Mukhang panganay pa ako kesa sa kanya, napailing nalang muli ako habang naaalala ko ang sinabi niyang deal sa akin na babalik siya kapag si Scarlett parin ang hinahanap ng puso niya.
Whatever.