S C A R L E T T
Ako nalang naiwan mag isa dito sa restaurant, nauna nang umuwi ang iba.
Nakapending kasi ako sa gawain, sinabi ko naman sa kanila na huwag na ako antayin.
Kaya ayan naiwan akong mag isa.
Si Toby naman maaga siyang nag out, tutal alam ko naman ang pauwi papunta sa boarding house namin, hindi naman ako bata para samahan pa ni Toby sa kung saan.
Napaupo ako sa sahig kung saan ang counter, nakaramdam ako ng pagod.
I get my phone in my pocket, I type mom's number.
Nag ring ito, hindi niya alam na number ko ito dahil bagong sim ito.
Buti nalang pala memorize ko yung number ni mommy.
"Hello?"
I heard mom voice sa kabilang linya, hindi ako umimik. I miss her.
"Who's this?"
Binaba ko kaagad, hindi ko napigilan umiyak.
"Geez! Scarlett, you scared me!" Napatayo agad ako nung makita ko si Leo. "What are you still doing here?"
Napakamot ako ng ulo. "Tinapos ko lang ang trabaho ko."
"You should lock the entrance. Paano nalang na may pumasok na masamang tao? You think you could protect yourself?"
Napayuko ako. "I'm sorry"
I heard him sigh. "Tapos kana ba?" Tumango ako. "Sabayan mo nalang ako sa pag uwi."
Kaya agad ako pumunta sa locker room ng crew para kunin ang gamit ko.
Paglabas ko ng restaurant, may nakaabang na ng taxi habang si Leo nakatayo sa tabi ng taxi.
"Let's go."
Kaya agad akong lumapit at sumakay sa taxi.
Tahimik lang si Leo habang nasa loob kami ng taxi, napapasilip ako sa phone ko para lang mawala ang pagkabored ko.
Inaantok na din pala ako, buti rest day ko bukas.
Nung nasa tapat na kami ng tindahan ni Aling Rosa ang may ari ng boarding house, huminto na ang taxi.
Si Leo na ang nag bayad sa driver, kaya bumaba na ako.
Hinintay ko na muna si Leo na bumaba bago ako mag simula mag lakad.
Mga ilang segundo bumaba na si Leo kaya nag lakad na ako papuntang boarding house.
Napakunot noo ako nung may sulat sa pintuan na nakadikit.
Kinuha ni Leo yun. "Mukhang hindi uuwi si Toby ngayon."
"Bakit?" Tanong ko, binuksan na ni Leo ang pinto kaya pumasok na kaming dalawa.
"He's with his boyfriend." Sagot ni Leo.
Napangiti ako nung marinig ko yun kay Leo, may boyfriend pala si Toby hindi man lang niya sinabi sa akin.
Makachismis nga bukas kay Toby.
Malinis na ang bahay pag pasok namin ni Leo. "Nagpahinga kana." Sabi ni Leo sabay pasok niya sa kwarto niya.
Napakibit balikat nalang ako.
Nung makita ko ang kwarto ko, nakaramdam agad ako ng antok. Mukhang namiss ko ang higaan ko dahil haba ng araw.
Pagpasok ko ng kwarto, nag bihis agad ako. Ginamit ko yung pang tulog ko na silky dress, inalis ko na din ang bra ko para komportable akong matulog.
Pahiga na ako ng biglang nawalan ng ilaw, nakaramdam agad ako ng takot kaya agad akong lumabas ng kwarto.
May na bunggo ako at alam kong si Leo, kaya agad akong yumakap sa kanya.
"Sanay ka ba yumakap ng mga lalaki?" Dahil sa tanong niya agad ko siyang binitawan.
Hindi ko man lang makita ang mukha niya dahil sa dilim. "Please don't leave me."
I heard him sigh. "I want to sleep." Sagot niya.
Napakagat ako ng labi, hindi nalang ako nag salita tinalikuran ko nalang siya kahit ang dilim.
Mukhang hindi ako makakatulog nito sa takot at init.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, "You stay at my room."
Kumunot noo ko sa sinabi niya, pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na niya ako papasok ng kwarto niya.
Pagkatapos binitawan na niya ako nung nasa loob na kami ng kwarto niya.
Biglang nagka ilaw, lumingon ako kay Leo. May rechargeable light at fan pala siya.
"You should buy like this dahil sa lugar na to parating ganito, nawawalan ng kuryente." Napatango lang ako. "I want to sleep, antayin mo nalang ang kuryente na bumalik." Sabi niya sa akin.
Bigla siyang nag alis ng damit niya kaya agad akong umiwas, rinig ko nalang yung tunog ng higaan niya. Ibig sabihin nakahiga na siya.
Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto niya, ang linis hg kwarto niya.
Lalaking lalaki ang amoy ng kwarto niya.
Nakatalikod siya sa akin habang nakahiga kaya umupo ako sa gilid ng higaan, antayin ko na lang na mag kakuryente.
Pag upo ko ramdam ko yung lambot ng higaan niya, parang inantok na agad ako.
Bakit ang ganda ng higaan niya? Baka bumili siya talaga ng kanya.
Hmmm makabili nga din ng ganito para maayos na ang pag tulog ko.
Mukhang tulog na si Leo, dahil wala na itong imik.
L. E O N A R D
Kahit anong pilit kong matulog hindi ko magawa kahit inaantok na ako.
Baka dahil sa presence ni Scarlett.
Siya lang ang kauna-unahang babae pinapasok ko sa babae ko, kahit yung fiancee ko noon never pumasok sa kwarto ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko, 15mins na pala ang nag daan nung humiga ako at pilit na matulog.
Dahan-dahan akong lumingon, nakita ko si Scarlett nakaupo sa higaan ko.
Napansin kong natutulog na siya habang nakaupo, bigla kong sinalo ang ulo niya nung mapansin ko dahan-dahan itong nahuhulog.
Mukhang tulog na nga siya, dahan-dahan ko siya pinahiga sa higaan ko.
How can I sleep? If some girl sleeping in my bed?
Nung nahiga ko na si Scarlett, napahiga nalang din ako.
Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw at dumikit sa akin at niyakap niya ako.
Itutulak ko pa sana siya pero nakaramdam ako ng konsensya, dahil mahimbing na ang tulog niya.
I sigh.
Bakit mukhang naiinitan ako?
I felt her chest in mine.
Geez!
She don't have a bra.
Ramdam ko yung- napailing nalang ako.
I look at her face.
Mukhang isang anghel ang nasa tabi ko, she's beautiful indeed and sexy.
Every man will for her easily because of her appearance, except me. Ofcourse.
Hindi lang naman siya maganda at ramdam kong maganda din ang ugali niya.
Maarte siya pero hindi siya matapobre. When I heard na anak siya ng isang Anderson doon palang alam kong galing siya sa mayaman na pamilya.
Parang gumising ang p*********i ko dahil sa ramdam ko ang mga balat ni Scarlett na tumatama sa balat ko.
Lalaki din ako pero I know how to control kaya nga iniwan ako ng fiancee ko at nag hanap ng iba sa sobrang respeto na binigay ko sa kanya.
Yun pala she want s*x~ at sa ibang lalaki niya yun hinanap.
"Tristan.."
I think ex niya yung fiancee. Wait! Is she dreaming?
Kung ganito lang din ata ang fiancee ko, hindi marunong man loko baka kinasal na kami ngayon.
Pero hindi lahat ng babae magkatulad.
Hindi pa rin bumabalik ang ilaw, inaantok na ako.
What I did is, I pull her closer to me and wrap my arms around her waist as I close my eyes.
She's so smooth...
Gago lang ang lalaki na lokohin ang isang tulad ni Scarlett Anderson, to Scarlett ex? His too stupid para palitan si Scarlett sa ibang babae.
Kaya pala si Diego nahulog kaagad kay Scarlett sa unang kita niya palang kay Scarlett.
Baka nga next day ay babalik na agad si Diego para kay Scarlett.
Napailing ako, hindi ko akalain na makakatabi ko sa pag tulog si Scarlett ngayong gabi ng ganito kalapit. Ramdam ko ang buong katawan siya dahil sa suot niyang pang tulog.