S C A R L E T T PAGBABA ko sakto kakapasok lang din ni Tristan, sinalubong siya ni dad. Lumapit ako sa kanila. "Dad." Lumingon silang dalawa sa akin. "Gusto ko sana pumunta ng mall kasama si Tristan." Lumingon si dad kay Tristan, nagkatinginan ang dalawa pagkatapos lumingon muli si dad sa akin. "Sure sweetie, you don't have to ask permission." Napangiti ako nung apruban ni dad ang hiling ko,kaya agad na ako bumalik sa kwarto para maligo. T R I S T A N Hinarap ako ni Tito nung bumalik na sa itaas si Scarlett para maligo at mag bihis. "I think its not a good idea na pigilan natin siya lumabas ng bahay na ito, baka mag tataka lang siya lalo sa atin. We just need to be careful lalo na sa mga taong malalapit sa kanya, hindi lahat kilala natin kaya maigi na yun na lagi siyang may kasama."

