S C A R L E T T DINALHAN ako ng pag kain ng katulong namin sa garden, yung doctor ko nag sabi na dapat daw tinatamaan din daw ang balat kong hangin, for me to relax dahil sa kalagayan ko. Mom is not here, so ako lang mag isa. Tristan texted me na mamaya niya na daw ako bibisitahin dahil may meeting siya with the board members of their company. Paalis na sana yung katulong nung pigilan ko siya. "Yaya, matagal ka na ba nag tatrabaho sa bahay na ito?" Umiling siya. "Bago po kami lahat." Kumunot noo ko sa sinabi nung yaya. "What do you mean?" "Tinanggal po lahat yung mga matatagal na dito nagtatrabaho." Lumingon muna siya sa paligid. "Sana po hindi niyo ako isumbong sa daddy niyo, ang totoo may isang pinsan po ako na matagal na naninilbihan sa inyo, pero tinanggal silang lahat matapos m

