T R I S T A N
6am na ng umaga nung makauwi ako sa bahay, hindi ko na ginising si Madison, I left her there alone in my condo.
Hindi ako pwede maabutan ni Mommy dahil alam kong magagalit siya sa akin, at lalo na si daddy.
Paakyat na sana ako ng hakdan ng may bumukas ng ilaw sa living room, kaya napatigil ako.
Dahan-dahan akong lumingon.
"Where have you been?" And there I saw my mom leaning to the wall.
"I met my friend so nag ayaw sila ng inuman hindi ako makaayaw dahil matagal na kami hindi nag kita"
"Gaano katagal?" Dahan-dahan na lumalapit si mommy sa akin
"I forgot, maybe months."
Nung nasa harap ko na si mommy hinawakan niya ang polo ko. "Masyado namang wild ang mga friend pati polo mo mukhang sinira."
Napakamot ako ng ulo. "Yeah." Sabay ngiti ko.
Malakas na sampal ang binigay ni mommy sa akin, hindi na ako nagulat pa.
Dahil alam kong nahuli na niya ako. "Next time kung mag sinungaling ka yung hindi ko alam ang totoo."
"Mon-"
"You fvck her again?" Napapikit ako ng mga mata ko sa tanong ni mommy. "Sasayangin mo ang relasyon niyo ni Scarlett over your lust?"
"I can't control."
"Tristan, ni isang beses hindi ko naramdaman na lokohin ako ng daddy mo. How can you do that? I like Madison, pero hanggang kaibigan mo lang! Huwag niyo naman sirain dalawa ang pagkakaibigan namin ng magulang niya."
"Mom, I swear this is the last time. Please don't tell dad."
"Malaki ang kawalan ng dad mo kapag hindi natuloy ang kasal niyo. Its like a win-win, Tristan. Kapag kinasal kayo, magiging sayo na si Scarlett, and to your dad lalago lalo ang kompanya niya. Don't you understand?"
I sigh. "What is the noise?"
Sabay kami napatingin sa itaas ng marinig namin ang dad. "Honey, I'm coming." Tiningnan muna ako ni mommy. "Umayos ka."
Pagkatapos nun iniwan na niya ako doon mag isa, napailing ako.
Akala ko narinig na kami ni dad.
Hindi ko pwede i-dissapoint si dad, dahil possibleng mawala sa akin ang meron ako ngayon.
Dahil any moment pwede niyang bawiin ang binigay niya sa akin at ayokong mangyari yun.
M A D I S O N
Umuwi akong masakit ang ulo ko, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit, humiga kaagad ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa pag inom ko ng alak.
Naalala ko yung ginawa namin ni Tristan, I can't believe na uulitin ko ang kamalian na nagawa ko.
Napahawak ako sa ulo ko.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ko kaya napabangon ako dahil doon sumakit lalo ang ulo ko.
"Dad." Gulat kong sambit.
"Miguel," habol ni mommy kay daddy dito sa kwarto ko.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang nangyayari. Kaya bumaba ako sa higaan ko.
"Don't stop me, Elsa. Kaya nagiging ganyan ang anak kasi kinukunsinti mo!" Galit na sigaw ni daddy kay mommy.
"Tayo dalawa mag usap-"
"Hindi ikaw ang dapat kong kausap, yang anak mo! Hindi ko alam kung bakit ganyang klaseng babae ang anak mo, nakakahiya sa pangalan ko yang anak mo!"
Masakit mga binitawan ni dad na salita sa akin.
"Dad." My tear fell down.
"Stop crying, Madison. Because that's the truth, and truth hurt though!"
Pumunta si mommy sa harap ni dad at malakas na sampal ang binigay ni mommy kay daddy. "How could you say those words to your own daughter, Miguel." Naiiyak na sabi ni mommy
Lumapit ako kay mommy at niyakap ko siya sa likod. "Mom." Naiiyak kong sabi.
"Those words, Elsa is not a lie. Puta yang anak mo! Nakakahiya sa kaibigan natin, ang ginagawa ng anak mo! She's useless! She doesn't even want to run our company, how can I have one useless child!"
Hinarap ko si daddy. "Tapunan nyo na ako ng masasakit na salitan, pero ito lang ang sasabihin ko sayo. I became like this because of you!"
"You put the blame on me now huh."
"Dahil yan ang totoo, you never greatful on me, you always saw my mistake. I never enough for you, dad. Even once naging proud ka ba sa akin?" Umiling ako. "Ni isang beses you didn't saw what I did right dahil para sayo mali yun. Mom, always there for me, when I needed you. Yes you are working for us, pero hindi ka lang Chairman ng kompanya niyo dad. Isa ka rin, ama at asawa sa bahay na ito. But you never there for me as my father, nag papakita ka lang kapag may mali ako. Bakit the role of the father yung makita lang ang maling anak niya? Dad, I miss you!" Naiiyak kong sabi. "Akala niyo ba gusto ko na matali? I just say say yes dahil nangungulila ako. I was thinking na baka dito ko mahahanap ang atensyon na gusto ko kapag ikakasal ako. Yes I love Leo, pero ayoko pa sana mag pakasal, pero because of you, para tantanan mo lang ako sa gusto mo na hawakan ko ang kompanya natin um-oo ako kahit ayoko pa." Naiiyak kong sabi.
Narinig ko umiiyak na din si mommy a likod ko.
"Madison, you have no right to question me as your father, dahil anak lang kita!"
"Miguel, enough. Nasasaktan ang anak mo hindi mo ba nakikita?" Naiiyak na sabi ni mommy kay daddy.
"I wish hindi ikaw ang naging ama ko! I hate you for being my father. Sana I can choose kung sino yung magiging ama ko."
"Madison, kung alam ko lang na ganyang klaseng anak ka, sana hindi nalang ikaw ang sinagip namin ng mommy mo."
I was shock sa sinabi ni daddy.
Pumunta si mommy sa harap ko, nagulat ako lalo nung sinampal ni mommy si daddy ng malakas. Hindi ko alam kung ilang sampal na ang natanggap ni dad kay mommy.
"We both promise na hindi yan lalabas sa bibig natin, because we choose kung sino ang sasagipin natin, Miguel. How could you break our promises?!"
"Mom, dad." Sambit ko pareho silang napalingon sa akin. "What are you talking about?"
"Sweetie, you have a twin brother."
Nagulat ako sa sinabi ni mommy.
Bakit hindi ko al ang tungkol dito.
Umiling ako ng paulit-ulit, tumakbo ako palabas ng kwarto at iniwan ko silang dalawa doon.
Nung nasa gate na ako, narinig ko yung boses ni mommy
"Please, Madison listen to me first."
Huminto ako, napaupo ako sa damuhan. "Where is he?"
Lumapit si mommy sa akin at lumuhod siya sa harap ko para maging pantay kami.
"He's in heaven now."
"What happen?" Naiiyak kong sabi.
"Alam mo naman siguro yung utang na loob na sinasabi ng daddy mo sa daddy ni Leo right?" Tumango ako. "That happen when I am pregnant to you and your twin brother. I was eight months pregnant that time." Naiiyak na kwento ni mommy, "He accidentally crash our car, because he's driving while working. Kaya hindi niya kami nakita, because it was a curving path, I know hindi niya sinadya yun, pero he is responsible for what happen dahil hindi mangyayari yun kung tinuon niya ang atensyon niya sa daan."
"So why dad told me about saving life?"
"Listen first. Nung dinala kami sa hospital, I was in critical condition because I was pregnant." Napakagat si mommy ng labi parang pinipigilan niya ang sarili niya na humahagulgol. "Its not my due that time, pero kailan ko na kayong iluwal noon. But I need to save only one, dahil kung dalawa kayo isasagip ko, we gonna lose you both kapag pilitin namin ng daddy mo. Kaya we both ask the doctor about your both condition, if we gonna save your brother baka may diperensya siya pag laki, and you are the healthy one, kaya we choose you. And me and your dad promise na mas maigi na hindi mo alam, tutal hindi mo naman din kasalanan ang nangyari kaya you don't have to feel guilty. Kaya yun ang malaking utang na loob na nangyari sa ama ni Leo sa atin."
Niyakap ko si mommy. "I'm sorry, dahil ako yung pinili niyo. You failed to choose better child dahil palmak ang napili niyo."
Umiling si mommy. "Don't say that, kasi kung pwede lang gusto ko kayong dalawa mabuhay because I love you both. And Madison, mommy is proud of you dahil you find your own passion, hindi mo sinunod ang gusto ng dad mo kund ang gusto ng puso mo. Pero mali yung ginawa mo, and your dad has the right to get angry, because if what you did."
"Then why did you stop him?"
"Because I can't see you hurting by your father, malaki yung galit mo sa dad mo kaya ayoko ng dagdagan pa yun, your dad love you Madison. Ikaw nalang naiwan sa amin kaya natatakot ang dad mo na masira ang buhay mo dahil sa ginagawa mo."
"I'm sorry mom."
"Ssssssh. Make it right, you still have time for that, Madison." Tumango ako habang niyayakap si mommy.
Hindi ko akalain ang nalaman ko ngayong araw, I thought ako lang ang anak ni dad, at ngayon ko lang nalaman kung bakit malaki ang utang na loob ng dad ni Leo sa pamilya namin.
Pero dahil sa nalaman ko lalo ako nagkaroon ng lakas na loob na bumalik si Leo sa akin dahil buhay ang nawala sa amin kaya alam kong wala siyang kawala sa akin.
★
Dahan-dahan kong pinihid ang pinto ng office ni dad dito sa bahay.
Lumingon si dad sa direksyon ko, mukhang hindi niya expect na makita ako.
"Madison," sambit niya.
Dahan-dahan ako naglakad papunta sa kanya, ng nakayuko.
Nung mapansin kong ilang hakbang ko nalang kay dad, huminto na ako.
Kumuha muna ako ng hangin bago ko inangat ang ulo ko para tingnan si dad.
"Dad, I'm sorry. I know malaking kahihiyan ang ginawa ko but I'll try my best to fix it." Hindi nagsalita si dad, kaya parang kinabahan ako baka sinagawan niya ako ulit. "But I need your help, I can't do this alone dad. I need you." Napayuko muli ako dahil hindi ko mapigilan ang luha ko na pumatak.
May narinig akong konting ingay, ramdam ko nalang ang mga bisig ni dad sa mga bisig ko. He was hugging me. "I'm sorry sa lahat ng nasabi ko, I was mad. I don't want to heard to anyone's talking bad about you. I know you did a mistake, pero they don't have the right to say those words you."
Hinigpitan ko lalo ang yakap kay daddy, when I realized that he was only protecting me.
"I don't regret saving you, but what I regret that I didn't took the chances to save also your brother."
"Dad, he don't hate you for what you did, I know he understands your choice. Because he knows that you don't want that to happen but it happens and hindi niyo kasalanan ni mommy yun."
Tumango si daddy, I heard him crying also. In all the year that I lived, ngayon ko lang narinig na umiyak si dad.
"I'm sorry, hindi ako yung ama na gusto mo. I thought I am doing a great job to be a father to you, hindi ko alam na lalo pala ako nag kulang. I want you to have a perfect life"
"Dad, sobra-sobra pa ang magandang buhay na binigay mo sa amin ni mommy. Hindi ka nag kulang, dahil my life is perfect, you just lack in time. Wala kang oras sa amin ni mommy, sa sobrang hinahangat mo na mabigyan mo kami ng magandang buhay pati pag sasama natin ni mommy nakakalimutan mo na."
Pareho kami lumingon ni daddy nang bumukas ang pinto, si mommy ang pumasok na mamasa parin ang mga mata niya sa iyak.
We open our arms para sumali siya sa yakap namin. "Please huwag na kayong mag ama mag ayaw pa, dahil nasasaktan akong makita kayo ng ganun. Alam niyo ba na nakakatampo kayong dalawa, oo ako dapat ang magalit sa inyo. Because you two forget about me, na you have a wife to go home , and you have a mom that waiting for you."
"I'm sorry." We both said it.
Niyakap namin si mommy ng mahigpit. "We love you mom "
"Hmmm. Mamaya dadalawin natin ang kakambal mo, para naman makilala ka niya." Naiiyak na sabi ni mommy.
We kiss mommy in the head.