Kakaparada lang ni Eros ng kanilang sasakyan sa isang parking lot at ngayon naman ay pupuntahan nila ni Meredith ang isang shop na sinasabi ng lalaking nakausap ni Eros sa cell phone niya kagabi. “Ito na siguro `yon,” wika ni Eros at tumango lang naman ang wala sa sariling si Meredith. Mukhang may malalim siyang iniisip. Ano kaya iyon? Nasa tapat sila ng isang shop na may maraming tarpaulins ng iba’t ibang disenyo ng tattoo na nakadikit sa dingding. “Let’s get in.” Hinawakan ni Eros ang kamay ni Meredith at sabay na sumilay ang malapad na kurba sa kanilang mga labi. Pagpasok nilang dalawa ay tumambad sa kanila ang isang babaeng halos mapuno na ng tattoo ang balikat at mga braso. Nakahiga ito ngayon at wala itong suot na pang-itaas. Nilalagyan kasi siya ng tattoo sa ibaba ng kaniyang

