Kasalukuyang nakatayo at magkatabi sina Eros sa may terrace. Malamig ang hangin lalo pa’t gabi na at idagdag mo pa na kaharap lang nito ang dalampasigan. Ang mahinang tunog naman ng kantang “Little Things” ng One Direction na galing sa loob ng k’warto ay umaabot sa kanilang kinatatayuan. “May I see your tattoo,” Eros politely ask breaking the silence between the two of them. “Baka hindi mo malinawang makita,” saad naman ni Meredith sabay sulyap kay Eros. “My wife, hindi pa malabo ang mata ko,” humarap si Eros kay Meredith. “There’s enough light coming from our room at idagdag mo pa na maliwanag ang gabi.” “Here.” Meredith extended her left hand towards Eros. Kaagad sin naman iyong hinawakan ni Eros at naglakad siya papunta sa likod ni Meredith. Ipinatong ni Eros ang kamay niya sa k

