Chapter I
OMG! OMG! Mommmmmmy! Dadddddy!", tiling tili si Alex pagbukas ng kuarto na kinalalagyan ng kanyang kaibigan. Twenty-fifth anniversary ng kanyang mga magulang kagabi at umuwi sila ng kanyang matalik na kaibigan mula sa Manila para daluhan ang anibersaryo ng mga ito. Alam niyang medyo nakainom ang kaibigan niya kagabi at sa pakiwari niya ay nauna pang umakyat sa silid na inookupahan nito kapag isinasama niya sa kanilang villa.
What the...", balikwas na bulalas ni Tyron mula sa pagkakahiga. Nabulabog siya sa pagtitili ng kapatid subalit napakunoot noo siya nang makitang may kasama siyang nakahiga sa kama.
"Awww Alex, ang aga aga!" sambit nito at wala sa sariling tinakip ang unan sa kanyang mukha.
"Hey! who are you? what are you doing here?!" ani Tyron habang iniinspeksiyon ang sarili. As usual wala siyang damit pangtaas na palagi niyang ginagawa kapag natutulog.
"Ha?! anong...bakit sinong? ahhhhh", agad nagtalukbong ng kumot si Belle ng makita ang lalaki sa kuwartong kinahihigaan niya. Hindi niya mawari kung bakit mayroon siyang kasama sa room na ito at talagang kasama pa niyang natulog sa kama ng magdamag?Oooh No!
"Ikaw ang sino, this is my room...why are you here?" angil ng lalaki.
"Wala ka naman dito kag
abi eh, tsaka malay ko bang dumating ang may ari ng room na ito", saad niya sa loob ng kumot pa rin. Naeeskandalo din siya sa nakaboxer lang na suot ng lalaki.
Anong ibig sabihin nito? Tyron anak...anong ginawa mo?!", dumadagundong ang boses ng mommy nila kasanunod ang nakakunot noong si Mr. Alegre na kanilang ama.
"Mom...wait!"
"Tyron! hindi kita pinalaki para magtake advantage sa mga babae!", galit na sabi ng matanda.
Hala, magbihis kayong dalawa at tayo'y mag uusap usap!"
" Mom? Dad!...wala akong..."
" Stop it son! Hintayin namin kayo sa sala!" si Mrs. Alegre at maluha luha at nanginginig pang sumandal sa kanyang asawa habang ginagaya siyang palabas.
"s**t!", gigil na gigil si Tyron dahil di man lang siya pinakinggan ng kanyang ama't ina. Kulang na lang ipagbabato ang mga gamit sa kanyang kuarto pati ang babaing nakatalukbong sa kanyang kama.
"Now what!, hintayin mo pa bang magkaugat ka diyan bago bumangon?" malakas na angil niya at muntik nang mapatalon ang dalaga sa kanyang pagkakahiga.
" You go first, susunod ako" mahinang saad niya. Sobrang kaba niya, hindi dahil sa mga magulang nito kundi sa umuusok sa galit na lalaking ito. Any moment parang gusto siyang ihagis sa bintana.
"Kung hindi ka kikilos diyan, ihahagis kita sa bintana", banta ng lalaki at mabilis pa sa alas kuatrong tumayo siya at patakbong pumunta sa banyo.
Mabilis niyang inilapat ang mukha sa gripo at naghilamos. Nagtooth brush narin gaya ng palagi niyang ginagawa bago lumabas sa kuarto kapag umaga. Maya maya pa ay malalakas na katok ang nagpaigtad na naman sa kanyang ulirat.
Dali dali niyang sinuot ang nakasabjt na bra niya sa banyo, wala na siyang pakialam kung gamit na ito kagabi, ang inaalala kung pano niya harapin ang tigreng lalaki. Di niya akalain na tigre ang kapatid ng kaibigan niya, gwapo pa man din base sa mga pictures na nakikita niya sa bahay ng mga ito.
"Nalunod kana ba?!" kasabay ng malakas na pagkalampag nito sa pinto.
"Can't you wait?!" malakas na angil niya ng pagbuksan ito.
"Ah at ikaw pa ang matapang ha? kung dika sana tumabi saakin sa pagtulog di sana wala akong problema?!"
"Excuse me, ikaw ang tumabi saakin! umuusok na rin ang taingang saad niya.
"Really? this is my room, who the hell are you sleeping in here?" taas kilay nitong angil. "Ang sabihin mo, gusto mo akong pikutin!"
"Whaaat?! are you crazy?" hindi makapaniwalang saad ng dalaga. Ang kapal ng apog nito, hindi porket gwapo ito at hindi siya mukhang artista pikot pikot na ang sinasabi nito sa kanya. "Over my dead body!" saad niya sa isip niya. Napangiwi siya konti dahil may ganon siyang naisip nung una niyang makita sa picture ito. Ang gwapo gwapo naman kasi, mula ulo hanggang paa ay parang kinabisado niya. Pero sa picture yun, dahil may pagkademonyito ito sa personal.
"Sir Tyron...pinapatawag na po kayo ng daddy at mommy niyo" mula sa labas ay tumatawag ang isa nilang kasambahay.
"Bilisan niyo daw po ang pagbaba sir"
"We're coming!" sigaw ni Tyron sa taong nasa labas. Inis na inis pa rin siya sa mga pangyayari, sana hindi na lamang siya umuwi kung ganito lang din ang mangyayari sa kanya. Mabilis niyang isinuot ang nahagilap na white shirt at ang itim na nike boardshort na nahagilap niya sa kanyang kabinet. Mayamaya ay matalim ang matang pinukol ang dalaga habang pabalyang binuksan ang silid.
No way! you can't do this to me!" malakas na protesta ni Tyron nang sabihin ng mga magulang na pakakasalan niya si Belle. Gusto ring magprotesta ang dalaga pero wala rin siyang nagawa sapagkat parang batas ang bawat lumalabas na kataga sa mga magulang nito. Napakadali ng mga pangyayari at hindi sila binigyan nga pagkakataon para tumanggi.
Yung iba hindi na nga niya maintindihan dahil sa sobrang pagkabigla at kalituhan.
"So, are you happy now? nang uuyam ba ang tono nang kanyang kaibigan? Ngayon lang niya malapitan simula ng kanilang komosyon.
"I'm sorry", saad niya sa kaibigan subalit ngumiti ito ng may pag uyam.
"Diba ito ang gusto mo? ang makapag asawa ng mayaman, by hook or by crook diba?"
"Alex, No! ano bang sinasabi mo? biro ko lang mga yun, ano ka ba?" mabilis niyang pagwawasto sa kaibigan, oo at nasasabi niya ang mga ganung mga kataga pero nagbibiro lang naman siya...at lalong walang kinalaman sa oamilya nila.
" Biro? half meant, half truth! Alam mo ba na may fiancee si kuya sa america at mahal na mahal niya yun...sinadya mo ang makitulog sa kuwarto niya para pikutin siya, if i know matagal ka nang may gusto sa kanya." saad nitong galit na galit, umiling iling siya. Hindi niya alam kung bakit ganon ang naiisip ng kaibigan niya sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ngayon lang ito nangyari sa kanilang dalawa at ang masakit pinagbibintangan siya.
"Alex kaibigan mo ako, kilala mo ako...wala akong intensiyong ganon. Sinubukan ko namang awatin ng mga magulang niyo pero hindi sila nakinig..."
"Whatever! goldigger b***h!.. i hate you!" bulyaw nito at dali daling umalis. Nasapo niya ang kanyang mukha, nanghihina sa akusasyon ng kaibigan niya...of all people si Alex pa talaga ang nagsalita sa kanya ng ganun? At ang sakit sakit pala.
Sa huwes lang sila ikinasal ni Tyron, at doon na din mismo sa villa ng mga Alegre, kayat ang tanging saksi sa pagpapakasal nila ay ang mga magulang nito at mga kasamahan sa bahay ng mga Alegre. Wala din si Alex, dahil agad agad lumuwas pa maynila simula nung galit na galit na pinagsalitaan siya. Wala ding pumunta sa partido niya, dahil bukod sa ulila na siya ay nag-iisa na rin siyang namumuhay sa kaniyang apartment. Lingid sa kaalaman ng lahat bago sila ikasal ni Tyron ay kinausap siya ni Mr. Alegre, meron siyang pinabasa sa kanyang papel mga Do's and Dont's na napakarami kulang na lang idonts ang kanyang paghinga. Ngunit ipinagkibit balikat niya iyon, wala siyang pakialam sa kayamanan ng mga ito, pumirma siya ng walang alinlangan baka sabihin nila yaman talaga ng mga ito ang habol niya.
Pagkatapos ng seremonya nagkanya kanya na ang mga tao na parang walang nangyari. Umakyat siya sa kuwarto, doon na siya sa kuarto ng asawa simula ng magdisisyon ang mga magulang nito na ipakasal sila. Nadatnan niya ang asawa na nag-iimpake.
"Hey" , pukaw niya sa atensiyon nito ngunit hindi man lang ito tumingin.
"Aalis ka ba?", sambit niya ulit dito.
" Wala kang pakialam! Stay away from me!" galit na asik nito. Napahiya siya at halos maluha siya inaasta nito.
"I'm sorry! " saad niya.
" Tell that to the marines!"
" Pls...can we talk? saad niyang nagsumamo. Tanggap niyang galit ito pero gusto niyang itama ang nasa isip nito na pinikot niya ito.
" Lumayo ka! Go away, i hate you very very much! Naiintindihan mo?!" galit na galit na sabi nito at muntik pa siyang matumba ng tabigin siya nito at lumabas bitbit ang mga gamit. Napaupo na lamang siya sa kama at hinayaang doon umagos ang mga luha.
Anong gagawin natin Armando, ang anak mo!" humihikbi si Mrs Alegre habang nakasubsob sa dibdib ng asawa. Halos walang tulog ang matandang babae sa kaiisip sa panganay na anak. Bumalik na ulit sa amerika kagabi lang at kahit na anong pigil nilang mag-asawa ay wala rin silang nagawa.
"Sssssh darling, its ok! babalik din yun, wag ka nang mag-alala"
"Pero pano si Arabella? anong sasabihin natin sa kanya?"nag-aalalang pahayag ng donya. Kahit naman ganun ang nangyari inaalala pa din naman niya ang nararamdaman ng kanyang manugang.
" She will understand it darling, tahan na"
"Bakit ba kasi nangyari ito, Armando ang anak mo".
"He's ok darling, nagtatampo lang yun'
"Pero wala na siya ulit dito" hikbi pa rin ng asawa. Naintindihan naman niya ang matinding pangungulila sa anak, simula nang mag-aral sa amerika ang kanilang pananganay hindi na nila nakakasama pa ito kahit tapos na ito sa kanyang kurso.