" Andito ka lang pala sweetheart, you know I'm incomplete if you're not by my side ", malambing na pahayag ni Tyron habang parang sawang ipinulupot ang mga kamay sa kanyang baywang. Nagulat naman si Arabella sa biglaang paglitaw ni Tyron ngunit mas namatanda siya nang hindi mapigilang magsitayuan ang kanyang balahibo ng isubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Sa pagkakakiliti ay hindi niya naiwasang isandal ang ulo sa binata which makes them the sweetest couple in town. "Nagbabalat lang ako ng prutas, I'll be there", turan ni Arabella na inilayo ang ulo sa binata at tumingin siya dito. "You know I miss you kahit ilang saglit lang kitang hindi makita", pahayag nito habang nakatitig sa kanya. Sa narinig ay napangiti si Arabella, hindi dahil nakikilig siya pero natatawa siya sa kadramahan n

