" Good morning!", bati nang nasa kabilang linya, bagamat hapon na sa kinaroroonan nito ay binati siya base sa kanyang ayos na nakapantulog pa. Nginitian niya ito ngunit nang maalala na narito ang kapatid nito ay pinanlakihan niya ito ng mata. " Bakit nandito ang kuya mo?", turan niya dito. " Talaga?", sagot nang nasa kabilang linya na halatang hindi nabigla sa narinig. " Oo at nagkakalat siya dito.huhuhu!", ekseheradong pahayag niya at tumawa iyon. " What do you mean?', " Ewanko kung anong pakulo ng kuya mo, sinabi niyang asawa niya ako sa mga kamag anak ko. My God! Anong gagawin ko?", tulirong pahayag niya dito. " Really? sinabi niya yun?", hindi naman makapaniwalang turan ni Alex, hindi niya ubos maisip na sa unang pagkakataon ay nagsabi ng ganoon ang kanyang kapatid eh pinakaingat

