Nakakabingi ang lakas ng palakpakan, at ang lahat ng nakatuon ang atensiyon sa kinauupuan nila. Halos hindi nga siya makakilos sapagkat naghahalohalo ang kanyang nadarama. Pasimpleng kinurot ni Deborah ang kanyang tagilitan, ng magtama ang kanilang mga mata ay sumenyas ito na tumayo at umakyat sa stage. Wala na nga siyang nagawa, kung related lamang ito sa trabaho ay agad siyang pumunta sa stage ngunit kakaiba ang feeling niya ngayon, hindi niya maintindihan. " I'll back you up", medyo nag aalang saad ni Mimi sa kanya bago tumayo. Pagtayo niya ay agad nagplakpakan ang lahat lalo na nang maglakad siya papunta sa harap. Nginitian pa niya ang girlfriend ni Mayor bago niya kinuha ang mikropono dito at humarap sa lahat. " Naimbag nga rabii tayo amin kakabsat", pagbati niya sa salitang ilokan

