" May nakalimutan ka?", nahihiawagaang tanong niya dito. " Come closer", saad nito habang sumenyas din ang mga kamay. Agad din naman siyang lumapit dito. " You forgot something.", pahayag nito at di niya napigilang mapakunot. Tinignan niya ito sa mukha na animoy makita roon ang sinasabi nito ngunit hinawakan nito ang kanyang mukha at inilapit ang mga labi sa kanya. Nagulat siya, ngunit kusang tinugon ang ibinigay nitong halik. " I love you", turan nito pagkatapos na ikinalunok niya ng ilang beses bago ngumiti. " I love you more", automatic naman niyang tugon at ngumiti iyon ng matamis. Maya maya ay nagpaalam na ito at kumaway kay Kuya Ronnie. Halos nahihiya pa siya sa driver ngunit kinagat na lamang niya ang kanyang labi habang padausdos na itinago ang katawan sa likod ng driver seat.

