Hindi mawari ni Arabella kung ano ang nararamdaman sa pagkakataong iyon. Gusto niyang kurutin ang sarili kung totoong ang binata ang nakikita niya mula sa di kalayuan at nakatingin sa kanila. Gusto niyang ngumiti o di kaya ay tumawa pero parang naghahang ang mga iyon dahil hindi siya sigurado kung totoo ngang narito ang binata. Basta ang alam niya nagliliwanag ang paligid at sobrang nagtatalon ang kanyang puso. " He's waiting", mula sa side niya ay narinig niyang turan ni Doc Chan sa kanya. Tinignan niya ito habang hindi matanggal tangal ang pagkakangiti sa mukha. Nag thumbs up iyon hudyat nang pagpapalayas sa kanya para lapitan ito. Pagbaling ni Arabella sa kinaroroonan ni Tyron ay likod na lamang nito ang nakita habang humabakbang paalis. Para namang may sariling pag iisip ang kanyang

