" Ate Araaaa!", mula sa kumpol ng mga bata ay nalingunan siya ni Marco. Agad nagsitayuan ang mga iyon at nagsitakbohang lumapit sa kanya. Natatawa ring niyang pinagkukusot ang mga buhok ng mga ito saka isinenyas na bumalik sa kinaupuan kanina. "Hi!" saad ni Arabella pagkalapit niya sa binata. Lihim pa siyang napasinghot dahil napakabango nito, parang palaging bagong ligo. " What took you so long", hindi man nakatingin ay angil nito. " Rush hour walang masyadong makuhang taxi, buti naman at napadako kayo dito. Mukhang napasaya niyo ng todo ang mga bata", saad niya habang tuwang tuwa sa nakikitang kasiyahan mula sa mga bata. " Ronnie gave them food and entertainment too.", saad nito at nakangiti niyang nilingon nito. Akala niya sa iba nakatingin ngunit biglang nanghang ang kanyang ngiti

