Bumangon si Veronica at umupo patalikod mula rito. Bumuntonghininga muna siya bago nagsalita.
"Mali ba ang ginawa ko?" tanong niya.
Naramdaman ni Veronica ang paggalaw ng kutson dahil sa pagbangon ni Rafael at ang paglapit nito sa kaniya.
"No," naramdaman niya rin ang mga kamay nitong humaplos sa balikat niya at ang mainit na hininga nito sa kaniyang batok. "That is not what I mean." Patuloy nito.
Humarap si Veronica rito at sinalubong ang mga mata nito. Animo nagmamakaawa ang titig niya na ipinukol rito.
"Then why are you asking if, why am I doing this?" Balik tanong niya sa don.
"This is out of a sudden, nagulat lang ako. I'm sorry if I offended you," anito saka hinalik-halikan ly0ang leeg nito.
Bahagya niya itong itinulak, ayaw niyang mabuhay ang init ng Don dahil wala na ang babaeng magpapanggap na siya.
"I'm sorry if I surprised you," tumigil siya sa pagsasalita at tumitig ng mataman sa mga mata ng Don. "I… I am inlove with you the first time I saw you. That's why I can't hold myself. I am afraid na baka maunahan ako ng iba." Nangingilid ang mga luha ni Veronica ng sabihin iyon.
Pagkarinig ng sinabi ni Veronica ay hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Rafael. Ilang segundo rin itong nanatiling nakatitig sa dalaga na pilit inintindi ang sinabi nito.
Tumungo naman si Veronica na animo napahiya dahil walang sagot na narinig mula sa kaharap. Nilaro-laro niya pa ang kaniyang daliri, upang talagang kapani-paniwala ang ang kaba niya na gusto niyang makita ni Rafael.
"K-kung hindi mo kayang suklian iyon, o-okay lang…"
"Sshh," agad na nilapat ng matanda ang hintuturo niya sa labi ni Veronica para putulin ang susunod na sasabihin nito. Mula sa labi nito bumaling ang kamay ni Rafael sa magkasalikop na palad ng dalaga at pinisil iyon.
Nang magtaas ng tingin si Veronica ay niyakap niya ang dalaga, lihim namang napangiti si Veronica.
"Ahfm, Rafael, can I ask a favor?" anang Veronica ng kumalas mula sa pagkakayakap rito.
"Yes sure," masiglang tugon ng Don.
"Can we make this a secret? Ayaw kong malaman ni mommy baka hadlangan ako at ng iba. And I don't want you to be their laughing stuff. You know people, this isn't normal for them."
Nakangiti habang tumatango si Rafael.
"Yes, sure. I understand, and you're right naman regarding what people might think between as."
Gumanti naman ng ngiti si Veronica at muli na silang nahiga at tuluyan na ngang nakatulog si Rafael. Habang si Veronica ay nagbubunyi ang kalooban dahil sa success ng plano niya. Everything goes fluently and easily perfect.
Simula ng araw na iyon madalas ng pumupunta si Veronica sa opisina ni Rafael. Pero hindi na ulit nangyari ang unang nangyari, buti na lang at hindi rin nag-request si Rafael na mangyari ulit iyon.
"Wanna lunch date with me?" yaya ni Rafael isang araw ng dumalaw si Veronica sa opisina niya.
"Naku, Rafael. I'm sorry but I can't make it, nagpunta lang talaga ako rito, just to see you," naglalambing na saad ni Veronica habang nakaupo sa executive table ni Rafael habang nilalaro laro ang buhok nito.
"Ow, how sweet of you," puri nito saka hinimas ang binti niya.
Tumayo siya para hindi magtagal ang paghimas ni Rafael sa binti niya at baka mag-init ito wala siyang back up ngayon. Dagdagan pa ng pananayo ng balahibo niya sa kilabot.
"I need to go, may business meeting pa ako, kaya mauna na ako sayo. It's seems like you're busy pa naman," aniya.
Tumango lang si Rafael at tuluyan na siyang nagpaalam rito.
Nang makalabas ng opisina ay agad na siyang tumungo sa direction ng elevator. Pagbukas ng elevator at pag-angat ng mukha ni Veronica mula sa pagkakayuko ay agad nahuli ng kaniyang mga mata ang nakatitig na mata ni Vince. Ilang araw niya ring hindi ulit ito nakikita, na isa sa mga dahilan kung bakit panay ang punta niya sa MGC building.
Dahil hindi pa rin naman nagbabago ang plano.
"Hi." Siya na ang unang bumati.
"Hello, Miss Saadvedra. Napadalaw ka?" bati rin nito sa kaniya ng tuluyang makalabas ng elevator.
Ngumiti muna siya rito saka hinawi at nilagay sa likurang bahagi ng tainga ang kumuwalang hibla ng buhok niya.
"May, sinadya lang ako," aniya.
Tumango lang ito at nagpaalam. Wala naman siyang maisip na sabihin para sana humaba ang paghaharap nila kaya tumango na lang rin siya at tuluyan na siyang tinalikuran nito.
Pumasok na rin siya sa elevator.
***
"Ah," ungol ni Veronica habang nakapikit at pinakiramdaman ang matigas at mainit na naglabas masok sa kaniyang p********e.
"Your so tight Veronica and it's so warm," anang lalaki na patuloy lang sa pag-ulos sa ibabaw ni Veronica.
"Oh, f**k me harder Vince, make it fast," animo nagmamakaawa na sabi niya.
Naramdaman naman niya naman ang mabilis na pag-ulos ng lalaki na mas lalo lang nagbigat kiliti sa kaniya. Kakaibang kiliti ang hatid niyon, kakaibang pakiramdan. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang mangalmot dahil sa sarap ng pakiramdam niya.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata para tingnan kung gaano kaliyab ang mga mata ng kaniyang kaniig. Pero gano'n na lang ang pagkabigla at panlalaki ng mga mata niya ng pagmulat niya ay mukha ng nakangising si Rafael ang ngayon ay pawis na pawis at titig na titig sa kaniya habang patuloy sa ginagawa. Paano nangyari iyon? Rinig na rinig niyanat sigurado siyang kay Vince ang boses na iyon.
Buong akala niya si Vince ang kaniig niya, pero bakit naging si Rafael. Mabilis niya itong itinulak at naglaho na parang bula. At nakita niya ang duguang mukha ng nanay niya habang nakatayo at nakatingin sa kaniya sa may paanan niya.
"N-nay!" Gulat na sambit niya.
Kakaibang takot ang gumapang sa buong katawan ni Veronica. Nananayo rin ang kaniyang balahibo.
Puno ng pawis ang mukha ni Veronica ng bumalikwas siya ng bangon. Hingal na hingal rin siya. Hindi niya namaayan na nakatulog pala siya, matapos maghakot ng gamit sa mula sa mansion papunta rito sa kaniyang bagong condo na malapit lang sa building ng company na pinamamahalaan niya.
Nasa sofa siya ng mga sandaling iyon. Tumayo siya at tumungo sa mesa at nagsalin ng tubig sa baso mula sa pitcher na nasa ibabaw ng mesa.
Napatulala siya matapos lagukin ang isang baso ng tubig. Nagtataka siya kung bakit gano'n ang panaginip niya, at sa mahabang panahon ngayon lang nagpakita sa kaniyang panaginip ang nanay niya.
Bumalik siya sa living area saka binuksan ang gamit niyang nakakarton pa. Hinanap niya roon ang picture niya kasama ang ina. At nang makita ay bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Hinaplos niya ang larawan nilang mag-iina.
"'Nay? Sabik ka ba na maipaghihiganti na kita?" tanong niya sa larawan.
"Pasensya na 'Nay kung sa ganitong paraan. Kagaya ng pinangako ko ipaghihiganti kita kahit pa sa anong paraan. At ito lang ang alam kong paraan. Nagsisimula na ako, Nay." Pagkawikang iyon ay niyakap niya ang larawan saka muling nahiga sa mahabang couch.
Naisipan niyang lumipat ng condo para hindi makita ng ina-inahan ang mga kilos niya. Ayaw niyang mag-alala ito at mag-isip ng kung ano. Ayaw rin niyang matunugan siya nito sa mga pinaplano niya.
No'ng una ay hindi pumayag si Roseta sa plano ni Veronica na lumipat sa bagong bili na Condo. Pero dahil nagpumilit siya at pinaintindi naman niya dito na kailangan niya ng mas malapit sa pinagtatrabahuhan para hindi siya mapagod sa byahe. May kalayuan rin kasi ang kompanya mula sa mansion nito.
Nangako naman siyang papasyal kapag weekend sa mansion kaya wala nang nagawa ang ina-inahan kun'di payagan siya.
Muli siyang bumangon at sinimulan ng ipagpatuloy ang ginagawang pag-aayos ng mga gamit niya na naudlot kanina. Ilang oras din bago siya natapos kaya bagsak ang katawan niya sa kama.
Nakatitig lang siya sa kesame habang nagbabaliktanaw sa panaginip niya kanina.
Ang bold na yata ng mga panaginip niya lately. Marahil ay dahil hindi lang siya sanay, baka kapag tumagal ay masasanay rin siya sa mga ginagawa niya. Iyon lang ang alam niyang p'wedeng gawing sandata niya. Ang katawan niya, ang mukha niya, at ang pag-ibig nila.
Kahit mabigat ang katawan ay muling bumangon si Veronica saka dinampot ang coin purse niya sa ibabaw ng bedside table. Alas tres na ng hapon mukhang kailangan na niyang mag meryenda. Nagke-crave siya ng fishball kaya naisipan niyang maghanap ng street food sa labas.
Hindi na niya inisip kung ano ang itsura niya, pagod na siya para mag-ayos pa saka fishball lang naman ang sad'ya niya. Kaya ayos lang para sa kaniya ang suot niyang loose white shirt, at maong short. Naka insert ang kaniyang malaking t-shirt sa harap ng kaniyang short habang ang likod ay nanatili lang na nakalaylay. Messy bond rin ang pagkakatali ng kan'yang buhok. Pero kahit na gano'n hindi naman nabawasan ang ganda niya.
Malalaki ang mga hakbang ni Veronica papalabas ng condominium building dahil talagang sabik siya sa fishball at qwek-qwek. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayan ang isang bulto ng lalaki na papalit sa kaniya na siyang kinabangga niya dahilan para ma out balance siya. Pero imbis na sa sahig siya bumagsak ay sa malalaki at matigas na braso siya nito bumagsak.
Mabilis siyang nagmulat at tiningnan ang taong nabunggo niya. Kapwa sila nagulat ng makilala ang isa't isa. Mabilis namang tumayo ng tuwid si Veronica at inalalayan naman siya ni Vince.
"Hi, Vince," nahihiyang bati niya.
Tumango naman ang lalaki saka pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kaya tuloy nakaramdam si Veronica ng pagkailang. She knows Vince is not used to seeing her like that.
Pero napawi rin ang pagkailang niya ng makita niya kung paano marahas na lumunok si Vince ng dumako ang mata niya sa maumbok niyang dibdib na hindi pala niya nasuotan ng bra. Bumakat roon at nagtatayuang u***g niya. Kaya amuse ang makikita sa mga mata ni Veronica, habang si Vince ay nag-iwas ng tingin.
"W-why are you not wearing any…ahfm," nahihiyang ibinaling ni Vince ang kaniyang mukha sa kabilang gawi niya.
"What?" Amuse na tanong ni Veronica kahit alam naman niya ang ibig sabihin ng kaharap.
"N-nothing," aniya saka pumihit para sana umalis na, pero muli namang napatigil dahil baka isipin ni Veronica na bastos siya dahil bigla na lang siyang aalis.
"A-ano nga pala ang ginagawa mo rito, Miss Veronica?" tanong nito na ngayon ay nakatingin na sa mukha niya. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na hindi bumaba ang tingin niya sa maumbok na hinaharap ng babae na animo tinutukso siya. Pero mas minabuti niyang pigilan ang sarili, dahil hindi tama na ma-attract siya sa iba gayong ikakasal na siya sa babaeng mahal niya.
"May binili akong unit dito, actually kakalipat ko lang kanina," aniya.
Tumango naman ang binata.
"How about you?" Balik tanong niya rito. "Pasensiya nga pala sa suot, gutom na kasi ako eh, kaya para akong ginahasa." Pahabol pa niya habang napapakamot sa ulo, kunway nahihiya.
Bahagya namang natawa si Vince sa sinabi niya.
"It's okay, anyway to answer your question. I am the new owner of this condominium. Bininta ito sa akin ng may-ari a week ago. Kaya may aasekasuhin akong mga papelis rito."
Tumango naman si Veronica dahil sa nalaman.
"Oh, I see," aniya.
Tingnan mo nga naman ang tadhana, hindi na pala siya mahihirapan hagilapin si Vince dahil tadhana na mismo ang naglalapit nito sa kaniya.
Mukhang sang-ayon din ang langit sa paghingi niya ng hustisya.
Mas nilapit pa niya ang sarili rito na kinataranta ng lalaki. Hindi man nito makikita sa kilos ang pagkataranta pero lantad ito sa naglilikot na mga mata.
"A-ah, Miss Veronica. If you'll excuse me. I have some appointments pa kasi," paalam nito.
Nakangiti namang tumango si Veronica.
"Sure, go ahead, nice seeing you here."
Tumango naman ang lalaki saka tumalikod na. Sinundan lang ni Veronica ng tingin ang lalaki saka nakangiting tumalikod na rin at nagpatuloy sa paglabas. Pero bago paman siya tuluyang makalayo ay muli niyang nilingon ang papalayong pigura ng lalaki.
"'Pag lumingon ka akin ka," nakatuwaang bulong niya.
Pero sa pagkagulat niya at lumingon nga ito kaya napabungisngis siya. Kinawayan niya na lang ito na kinatango naman ng huli. At pumihit na siya ng talikod na may ngiti sa labi.