VLV 10

2308 Words
Alas tres na ng umaga nakauwi si Veronica, papalabas na siya ng elevator patungo sa kaniyang unit. Habang naglalakad ay hinimashimas pa niya ang kaniyang batok dahil sa ngalay. Feeling niya lasing siya, sobrang pagod ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, saka gutom na gutom na siya. Hindi na kasi siya dumaan pa sa restaurant dahil tinatamad na siya. Matutulog na muna siya bago siya kakain. Habang pinipindot ni Veronica ang password ng kaniyang unit ay napatigil siya ng biglang bumukas ang katabi nitong unit. May bago na pala akong kapitbahay? aniya sa isip. Unoccupied kasi iyon no'ng unang araw niya sa condong iyon. Hinintay niya munang lumabas ang kung sinong may-ari ng unit. Lumalim pa ang gitla ng noo niya ng makilala ang lalaking naka kulay puting t-shirt at naka pajama na pantulog. "Vince?" sambit niya sa pangalan ng lalaki. May bitbit itong isang maitim na garbage plastic. Magulo ang buhok nito pero hot pa rin itong tingnan. Actually bagay sa kaniya ang nakapantulog lang tapos puti ang shirt nito na medyo maluwang dito. Nag-animo inosente pero hot ang dating ng lalaki. Nang lumingon si Vince kay Veronica at bumalatay ang gulat nito sa mukha. "Veronica?" Nakangiti namang tumango si Veronica. Iwan ba niya pero nang makita niya ang lalaki ay parang hindi siya gutom at hindi inaantok. In short, nawala ang pagod niya. "It's me," aniya. Tiningnan siya ni Vince mula ulo hanggang paa pabalik ulit sa mukha nito. "Diyan ka ba nakatira?" tanong nito. Tumango ulit si Veronica, tumango rin si Vince. Hindi tuloy maiwasan ni Veronica na isipin na baka sinusundan siya ni Vince. Lalo na ngayon na magkapitbahay na sila. "Papunta ka na sa work mo? Ang aga mo yata?" Napakamot si Veronica sa tanong ni Vince. "Actually, kakarating ko lang from work," pag-amin nito na kinagulat naman ni Vince. "Really? Masyado mo na yatang sineseryoso ang pagiging CEO mo, ah," he said with a smile. "I need to, ayaw ko namang magsisi si Mommy sa desisyon niya. I just want her to be proud of me," saad nito. Vince nodded. "Sa ginagawa mong iyan sure akong proud na iyon sa 'yo." Lumapad ang pagkakangiti ni Veronica dahil sa sinabi ni Vince. "Pero a piece of advice lang, 'wag mong masyadong sagarin sa trabaho ang katawan mo, iyan lang ang puhonan natin," anito saka ngumiti. "Salamat sa advice, adviser ka pala," himig nagbibirong saad nito sa huling sinabi na kinatawa ng huli. "Sige pasok na ako," paalam niya saka tinulak ang pinto ng unit niya ng tumango si Vince. Isang ngiti pa ang binigay niya rito at tuluyan na siyang pumasok. Mabilis siyang umakyat sa kaniyang silid at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot niyang kama. Pagkalapat ng likod niya sa kama ay bumalik ang antok niya. "This is heaven," aniya saka pinikit ang mga mata at tuluyan na ngang hinila ng antok si Veronica. Nagising si Veronica dahil sa tindi ng init mula sa sinag ng araw na pumasok sa kuwarto niya. Hindi pala niya naisara ang ang kurtina ng glass wall niya. Itinaas niya ang kumot niya at nagtalukbong at sinubukang muling matulog, pero napabalikwas siya ng bangon ng maalala na may meeting nga pala siya ngayong araw. Agad niyang cheneck ang orasan at gano'n na lang ang pagkabigla niya ng ala una na pala ng hapon. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nakita ang maraming missed calls ni Leah, pati na nga kay Rafael, meron ring isa galing sa Mommy niya. "s**t!" Tinipa niya number ni Leah at tinawagan ito. "Leah," "Ma'am, ang mommy niyo po ang dumalo sa meeting niyo po kaninang alas d'yes. Hindi po kasi kayo sumasagot," anang kabilang linya. "My God, Leah kakagising ko lang, anong oras ang next meeting?" "One thirty po, but don't worry po, sabi ng mommy mo magpahinga na po muna kayo at siya na lang daw ang makikipag meeting dahil baka napagod po kayo," sagot nito. Bumuntonghininga na lang si Veronica. May side sa kaniya na gusto niya ang sinabi ng secretary niya dahil makapag pahinga siya, pero may side naman na parang nag-aalinlangan siya dahil hindi naman na obligasyon ng mommy niya ang mga gano'n dahil sa kaniya na pinaubaya ang company. Baka madismaya ang mommy niya sa kaniya. Pinatay na niya ang tawag at nag-order online ng makakain niya dahil kumukulo na ang tiyan niya. Habang naghihintay ay naligo muna siya. Sakto namang pagkabihis niya ay may nag-doorbell, pinulupot muna niya ang tuwalya sa kaniyang basang ulo saka tinungo ang pinto. Baka ang pagkain na niya iyon. Pagbukas niya ay nagulat siya ng hindi ang inaasahan niya ang napagbuksan niya, kun'di si Vince ang nabungaran niya na may bit-bit pang umuusok na isang bowl ng bulalo. Napalunok siya dahil sa takam, pero para ba sa kaniya iyon? "Vince, bakit? Para sa akin ba iyan?" tanong nito. Tumango naman ang binata. "Good after noon and yes this is for you." "Wow mukhang masarap ikaw ba nagluto?" Tumango ulit ito. "Ma'am excuse me, are you Veronica Saadvedra?" Singit ng isang lalaki na may dalang dalawang paper bag. "Iyan na ba ang in-order ko?" "Yes ma'am," anang lalaki saka inabot sa kaniya ang bitbit nito. "Halika ka Vince pasok ka," akay niya sa lalaki. "Naku nakakahiya naman, iaabot ko lang sana 'to naparami kasi ang luto ko." "'Wag ka nang mahiya sabayan mo na lang akong kumain kasi marami-rami rin itong in-order ko tapos may pahabol ka pa, at saka ang boring sa loob ng unit ko kasi mag-isa lang ako," tumatawang sabi niya. "Okay." Nauna ng pumasok sa loob si Veronica hanggang sa kusina at sumunod naman si Vince. Nilapag nila ang kanilang dala sa mesa. Naghanda na rin ng dalawang plato si Veronica. Napatigil si Veronica sa paglabas ng mga ulam na in-order niya ng maalalang hindi pala siya nag order ng kanin. "Bakit?" tanong ni Vince ng mapansin ang pagtigil niya. Saka ngumiti ng alanganin kay Vince. "Wala pala akong kanin," napapakamot na saad niya saka napakagat labi. "Oh, that's not a problem. Just wait here," anito saka tumayo at lumabas ng unit niya. Napangiti naman si Veronica habang sinusundan ito ng tingin saka pinagpatuloy na ang ginagawa. Ilang saglit lang nakabalik na si Vince na may dalang isang mangkok na malaki na may lamang umuusok rin na kanin. "Here, we can eat now," masiglang sabi nito saka umupo. "Okay let's eat, ang sarap nito," exciting na wika ni Veronica. Kumuha pa siya ng maliit na mangkok at nagsalin ng bolalo roon. Saka hinigop iyon. "Ang sarap nito," puri niya. Ngumiti lang naman si Vince. Nagsimula na silang kumain ng may maalalang itanong so Veronica. "Hindi ba magagalit ang fiancé mo kapag nalaman niyang nandito ka? Mainit pa naman ang dugo no'n sa akin," sabi ni Veronica saka sinubo ang kutsara na may lamang kanin at ulam. "Hindi pa niya alam na lumipat ako dito," simpleng sabi nito sa paggitan ng pagnguya. "Pero may balak ka namang sabihin?" Umiling si Vince na kinakunot ng noo ni Veronica. "Wala, I want my Place to be more relaxing," "So na i-stress ka si girlfriend mo?" Natatawang tudyo ni Veronica. "Hindi naman, I love her actually. Minsan kasi kailangan nating mapag-isa para makapag-isip ng maayos o kailangan mong magconcentrate sa mga bagay bagay. Alam mo na, at saka marami pa akong iniisip on how to improve this condo. Kaya kailangan ko muna ng privacy for now." "Paano ba 'yan, you are with me. So hindi ka na makakapag-concetrate, at wala ka nang privacy," pagkasabing iyon ay tumitig siya sa binata na napatitig rin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nginitian niya ito. Medyo na ilang naman ang lalaki sa kaniya kaya nag-iwas ito ng tingin. "Wala ka bang pasok ngayon?" Bagkos ay tanong nito. "Actually meron akong mga meetings ngayong araw, kaya lang ngayon lang ako nagising kaya si Mommy na nakipag-meeting," sagot niya. He nodded. "I see." "Ikaw ba?" Balik tanong nito. "Day off ko sa MGC," he said with a smile. "Oh, then you should date your fiance." "She is not in the country, nasa london siya may inaasikaso," sagot naman nito na titig na titig kay Veronica. Tango lang ang sinagot ni Veronica saka bumaling sa pagkain. Wala ng ni isa pang nagtangkang magsalita o magtanong. Tanging tunog na lamang ng mga kubyertos ang naririnig sa dining area. Pagkatapos kumain ay nagtulungan rin silang magligpit. Doon lang nabasag ang katahimikan na namagitan sa kanila ng malakas na dumighay si Veronica na kinatawa nilang dalawa. "Mukhang busog na busog ka ah," amuse na saad ni Vince. "Ang sarap kasi ng bulalo mo, eh. Grabe pang chef cook." Walang katapusang puri nito. "Actually hindi mo naitatanong, I am a chief also," aniya. "Ohw," animo hindi naniniwalang reaction ni Veronica. "Yes, I really am." "Sana all." Nagkatawanan ulit sila. "Puwede mo ba akong lutuan ulit?" Tumango naman si Vince bilang sagot. "Gusto mo do'n ka na maghapunan sa unit ko mamaya. Ipagluluto kita." Lumapad naman ang ngiti ni Veronica saka pumalakpak. "Talaga?" "Of course, " anito. Napatigil naman si Veronica ng mapansin ang ginagawa ni Vince. "What are you doing Vince?" Seryosong tanong ni Veronica. "Why?" Maang na tanong naman si Vince. "Ba't ka naghuhugas ng plato, ako na nga d'yan," anang Veronica saka pilit binawi ni Veronica ang sponge kay Vince. Tinaas ni Vince ang kan'yang kamay na may hawak na sponge. Matangkad ang lalaki kaya hindi magawang abutin ni Veronica ang hawak nito. "Ang daya, ang tangkad mo." Nakanguso niyang sabi saka humalukipkip tanda ng pagsuko "Ako na ang maghuhugas dahil na simulan ko na," natatawang saad nito. Pero agad na nagpalit ng expression ang mukha nito, naging seryoso. "Pinaka ayaw ko sa lahat iyong nasimulan ko na tapos hindi ko tatapusin," saad nito. Napansin ni Veronica ang kakaibang tingin ni Vince sa kaniya. "Ikaw bahala," halos pabulong na sabi ni Veronica. Pero sapat lang iyon para marinig ni Vince. Agad namang bumaling ang paningin ni Vince sa hinuhugasang plato. Habang si Veronica ay nag-aabang lang sa kaniya at tinitingnan ang kabuunan ni Vince habang naghuhugas ng plato. May kakaibang pintig ang naramdaman ni Veronica sa kaniyang puso, lalo na at ramdaman na ramdam nito ang malakas na karisma ng lalaki. Natukso pa siyang titigan ang braso nitong nagpuputukan ang muscle. Gumagalaw pa iyon kasabay ng paggalaw ng mga kamay nito. Tumaas ang paningin niya sa mukha nito, na seryusong nakatingin sa ginagawa. Papataas na ang balbas nito sa kaniyang baba at sa bandang jaw line nito. Nagbibigay naman ng kakaibang pakiramdam kay Veronica ang tanawing iyon. Nag-iinit ang kaniyang pakiramdam, pilit naman niyang iwinawaksi ang nasa isipan. Pero sadyang mapanukso ang tanawing nakikita ng kaniyang mga mata hanggang sa dumako ang mga mata sa ibabang bahagi ng katawan ni Vince. Napalunok siya sa umbok na nakikita sa tuwing sumasagi iyon sa lababo. "I feel like I'm going to melt." Napasinghap si Veronica dahil sa biglang pagsasalita ni Vince. "Huh?" Tanging nasambit niya ng muling binalik ang tingin sa mukha nito. Nilingon siya ni Vince at humakbang ng isang hakbang patungo sa kaniya. Ngayon ay gahibla na lang ang pagitan nila. "You're staring at me, am I right?" Animo nanunuksong turan nito. Gumuhit ang isang napanuksong ngiti sa labi ni Vince. "H-huh?" Biglang bumundol ang kaba ni Veronica ng unti-unting lumapit ang mukha ng lalaki sa mukha niya. Napako rin siya sa kinatatayuan, animo may dumagan na kung anong mabigat na bagay sa kaniyang paanan dahil hindi siya makagalaw. Hanggang sa napunta siya sa isang realization na mas mainam itong senaryong ito para sa unang hakbang na gagawin niya. Kaya naman bago pa siya tuluyang mailang ay hinablot na niya ang shirt ng lalaki patungo sa kaniya at siya na ang unang sumiil ng halik rito na hindi naman inurungan ng lalaki dahil sabik na sabik ang mga halik nitong isinusukli sa kaniya. Sa una ay marahas ang halikan nila ngunit kalaunay naging banayad iyon at puno ng pag-iingat. Napayakap na si Veronica kay Vince. Ramdam na ramdam ni Veronica ang malambot at basang labi nito. Lalo na ang mabango niyong hininga na nanunuot sa ilong niya hanggang sa puso niya. Nakakaadik ang mabangong hininga ni Vince. Kakaibang sensasyon ang naramdaman niya sa halik na pinagsasaluhan nila, walang katulad. Kung p'wede lang na hindi nila paghiwalayin ang mga labi nila, dahil may hatid iyong ligaya sa isa't isa na hindi nila dapat maramdaman. Pero wala siyang magawa ng pareho silang kapusin ng hininga. Kapwa nila habol ang hininga ng maghiwalay. Nanatili lang silang nakatitig sa isa't-isa, habang panay ang bigay ng smack kiss ni Vince kay Veronica. Kaya naman napangiti si Veronica. "You're enjoying I guess," panunukso niya. "Yeah I guess," sagot nito. "Don't you think this is wrong?" Napatigil si Vince sa tanong ni Veronica. Napapaisip siya, marahil ay natauhan ito. Tama si Veronica this is wrong dahil ikakasal na siya, ilang buwan na lang ay ikakasal na siya kay Xandra na mahal niya. Mahal nga ba niya kung gayong isang ngiti lang ni Veronica bumabagsak siya? Mas lalo pa ngayong natikman niya ang matamis na halik ni Veronica na minsan niyang pinagpapantasyhan. Which he never experienced from his current relationship and even before. "Do you love her?" tanong ulit ni Veronica. Hindi nakasagot si Vince sa tanong ng dalaga, dahil ngayon kang siya nakaramdam ng pag-aalinlangan. "I'm sorry Veronica, thank you for reminding me that I am getting married. This is not supposed to happen, let's forget about everything, " anito saka tinalikuran si Veronica. Hahakbang na sana siya para lumabas na at umuwi sa unit niya, pero napatigil siya sa sinabi ni Veronica. "It's not too late Vince, you can still decide. Kung magpapakasal ka, you should be one hundred percent sure," anang Veronica. Wala siyang narinig na sagot mula rito. "You can have me if you want me," may pang-aakit na saad ni Veronica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD