VLV 11

2123 Words
Mas lalo lang tuloy nagulo ang isip ni Vince. Oo, hindi na siya one-hundred percent sure kung handa na ba siyang maging asawa si Xandra. But everything is ready, everyone knows. Kung aatras siya mapapahiya ang pamilya niya, mapapahiya ang pamilya ni Xandra. Lalong lalo na masasaktan si Xandra. He loved Xandra for such a long time, matagal na ang relasyon nila. Pero bakit ngayong dumating ang isang Veronica ay naging alanganin ang lahat. Hindi na niya muli pang nilingon si Veronica at nagpatuloy lang sa paglakad palabas. Ngayon pa lang dapat kalimutan na niya si Veronica, ngayon pa lang na hindi pa malala ang pagtataksil niya sa nobya niya ay puputulin na niya. Pinapanood lang ni Veronica ang papalayong pigura ni Vince. Napabuntonghininga siya saka mabilis na tinungo ang kaniyang ref at kumuha ng isang canned bear. Pagkabukas niya ng canned bear ay sunod-sunod na lumagok si Veronica saka itinapon kung saan. Galit siya sa sarili dahil sa nararamdaman niya kanina. Hindi niya dapat maramdaman iyon, mali ang nararamdaman niya. Ibinaling niya ang isipin sa naging reaction ni Vince sa huling sinabi niya. Parang pinuputol na ni Vince ang maliit na namamagitan sa kanila. "Hahanap hanapin mo rin ang halik ko Vince," pabulong niyang sabi. Lumipas ang mga araw ay hindi na niya nakikita at nakakausap si Vince. Alam niyang nakatira pa rin ito sa unit niya dahil nagtanong siya sa guard. Mukhang iniiwasan siya ni Vince. Napatigil siya sa b****a ng building, papalabas na siya ng makita si Vince na nagbibigay instructions sa isang tauhan. "Hi, Vince," bati ni Veronica ng makalapit. Tumango lang si Vince sa kaniya saka bumalik ang attention sa kausap nito. Napangiwi naman si Veronica sa asal ni Vince. Kaya dumiretso na siya sa parking lot at pabagsak na sinara ang pinto. "Nagmamatigas ka Vince?" tanong niya kahit wala naman siyang kausap. Pinahaharorot na niya ang sasakyan patungo sa lugar na napag-usapan nila ni Rafael. Magde-date daw kasi sila ngayon. Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa isang pinakasikat at mamahaling restaurants sa metro Manila. Agad niyang nakita ang kinaroroonan ni Rafael dahil sinabi na rin nito. Napangiti naman si Rafael ng makita si Veronica na naglalakad patungo sa kaniya. "Hi baby," aniya, saka inilahad ang dalawang braso na tinanggap naman ni Veronica at nakipaghalikan rito. Wala masyadong tao sa lugar na iyon, may iilan pero alam nilang hindi sila mapapansin ng mga ito sa paglalampungan nila. Si Veronica na ang kusang lumayo ng bahagya sa paghahalikan nila dahil naging mapusok na si Rafael. " Let's eat? Gutom na ako eh," palusot ni Veronica. "Sure, sure," anang Rafael naman saka pinaghila siya ng upuan. Mayamaya lang ay may isang waiter na naglapag ng makakain sa kanila. At ng wine. "I miss you, Veronica. Masyado kang busy this fast few days, hindi ka na dumadalaw sa office ko. Nakakatampo ka." Animo bata na nagtatampong saad ni Rafael. "Ohw, I miss you too. I'm sorry, my dear," anang Veronica, saka hinaplos ang mukha ni Rafael na kinatuwa ng huli. Kailangan niyang sakyan ang kaartehan ng matanda. Nang ilayo niya ang palad sa mukha nito ay dinala niya sa kaniyang bibig ang wine glass na may lamang red wine. "Kaya napagdesisyonan kong yayain kang magpakasal…" Pagkasabing iyon ni Rafael ay accidenting naibuga niya ang iniinom at nabilaukan siya. Agad naman siyang dinaluhan ni Rafael at hinimas ang likod niya. "Are you okay?" Buong pag-aalalang saad nito. Tumango naman si Veronica. "Oo, okay na ako," anito ng tumigil na sa kakaubo ng uminom siya ng tubig. Bumalik na rin si Rafael sa upuan. "Paki-ulit nga ng sinabi mo?" "I said, I want to marry you," ulit nito. Hindi nga siya nagkamali ng pandinig. Talagang gustong magpakasal ng lalaking ito. Matagal siyang napatitig dito hanggang sa nginitian niya ang kaharap. "Okay lang, kung hindi mo p…" "Yes," putol niya sa sasabihin nito. "Wait what?" Paniniguro ni Rafael. "Yes, I love you so much Rafael that's why yes. I will marry you, walang rason para hindi ako papayag," pahayag niya na kinatindig ni Rafael. Lumakad ito palapit sa kaniya saka nakangiting lumuhod para pantayan siya na nanatili lang sa pagkakaupo. "I love you too, Veronica." Pagkasabing iyon ay ginawaran niya ng halik ang dalaga. "Wala akong singsing, kasi bigla ko lang naisip na yayain ka." Mangiyak-ngiyak na wika ni Rafael habang nakahawak lang sa kamay ni Veronica. "It's okay, hindi mahalaga ang sing-sing Rafael, tunay na pag-ibig mo lang ang kailangan ko." Buong pusong saad ni Veronica, nangingilid rin ang luha niya ng mga sandaling iyon. "I'm sorry if I doubted you, kaya ko naisip na sabihin sa 'yo na papakasalan kita dahil in that way malalaman ko kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin." Pinahid ni Rafael ang kaniyang luha. "But now, you said yes kaya kampante na ako." "I'm sorry my love, kung iyan ang nararamdaman mo. But believe me I love you so much," Pagkasabi niyang iyon ay siniil siya uli ng halik ni Rafael na tinugon naman niya. "Pagkatapos ng kasal nila Xandra at Vince, tayo ang susunod, okay?" sabi ni Rafael saka inabot ang mukha niya at gamit ang hinlalaki nito ay pinahind niya ang tumulong luha ni Veronica. Saka hinalikan niya ito sa noo. Tumango naman si Veronica bilang sagot. Mahigpit naman na yakap ang ginawa ni Rafael, na kina-smirk lang niya. "Pero 'wag mo munang sabihin sa iba huh? Let's surprise them," anang Veronica nang kumalas sa pagkakayakap ni Rafael. Tumango naman ang huli at muling tumayo. "What else do you want to do today? Wanna go shopping?" tanong ni Rafael. "Sure," mabilis na sagot ni Veronica. Pagkatapos kumain ay nilisan na nila ang lugar at pumunta sa mall. Kahit anong pinabili ni Veronica kay Rafael, signature bags, shoes, dresses and more na hindi naman tinanggihan ni Rafael. Buong puso niyang binigay kay Veronica lahat ng hingin nito. "Kapag kasal na tayo, gagawin kitang reyna." "Talaga?" Tumango si Rafael. "Ibibigay ko sa'yo ang lahat, Veronica. Believe me or not you're the only lady I love this much," anito kay Veronica saka hinalikan sa labi. Nasa hotel na sila ng mga sandaling iyon, pagkatapos kasi ng pamamasyal nila ay sa hotel na sila dumeretso. Kinuha ni Veronica ang isang baso ng wine na nilagyan niya kanina ng kakaibang gamot. Saka binigay kay Rafael. "Chers?" anang Veronica ng itaas ang kaniyang kopita. Tinaas naman ni Rafael ang kaniyang baso at pinag-umpog ang mga iyon. Tinunga na nilang pareho ang kanilang copita. Saka muling naghalikan ang dalawa. Isa-isa nilang hinubad ang kanilang suot, gumapang ang halik ni Rafael sa leeg ni Veronica na kinaungol ng huli. Itinulak niya si Rafael sa kama nakangiti lang ito habang lumalapit si Veronica sa kaniya na may mapang-akit na titig. Napahawak naman si Rafael sa mata niya ng may maramdaman. Batid ni Veronica na umepekto na ang gamot na nilagay niya ng patago sa baso nito kanina. Dumukwang siya at bumulong sa punong tainga nito. "Papaligayahin kita hanggang umaga, My love…" mapang-akit na bulong niya. Saka humakbang patungo sa banyo. Pagpasok niya saka naman may lumabas na nakahubad ring babae. Kagaya ni Veronica ang pangangatawan nito, pati tindig at ng kilos. Lumapit ito kay Rafael at hinimas ang buong dibdib nito, nakatingin lang si Rafael sa babae pero hindi niya nakikita ang mukha dito dahil sa hilo na nararamdaman niya. Pero imbis na mag reklamo ay pumikit na lang siya at dinama ang bawat haplos ng babae. Sa muling pagdilat niya ang mukha na ni Veronica ang malinaw na nakikita niya. Siniil niya ito ng halik saka hinawakan sa batok at mabilis na umikot. At this time si Rafael na ang nasa ibabaw ng babae. "This time ako naman ang magpapaligaya sa 'yo baby," aniya. Nakita naman niya ang pagngiti ng babae. Saka hinalikan ni Rafael ang dibdib nito àt nilaro ng kaniyang dila. Hanggang sa dumako ang labi nito sa pagkakababae ng inaakalang si Veronica. Nakangiti naman si Veronica habang nakikinig sa mga ungol ng dalawa sa kuwarto. Nanatili lang siyang nasa banyo at naninigarelyo. "Gago ka talaga Rafael, naisahan ka lang ng isang tulad ko," pabulong na sabi ni Veronica saka bumuka ng maputi at makapal na usok. "Ma'am, nakatulog na po si Sir," sabi ng isang babae nang pumasok sa banyo. "Good job," saka may tinipa sa kaniyang cellphone at pinakita sa babae. "Deposit done," aniya rito na kinatango ng babae. "Just like before, zip your mouth." Seryosong sabi niya. Tumango naman ang babae. Siya rin iyong babaeng kinuha niya noong una. "You may go." Kagaya no'ng una ay si Veronica ang namulatan ni Rafael pagkatapos ng mahimbing na pagkakatulog. At kagaya rin ng una ay inakala rin ni Rafael na si Veronica ang kaniig niya. *** Nagmamadaling naglakad si Veronica sa hagdan ng condo dahil out of order ang mga elevator for maintenance. May kasabayan rin siyang residente rin ng condo. May papaakyat may pababa rin kagaya niya. Napatitig naman siya sa babaeng papakyat ng hagdan. Si Xandra iyon. Ibig bang sabihin sinabi na ni Vince na may unit siya rito? Talagang iniiwasan siya ni Vince. Sinadya niyang banggain si Xandra, gusto niyang isipin nito na nandito siya para kay Vince. Gusto niyang sirain ng tuluyan ang tiwala nito kay Vince, kailangan niyang sirain ang relasyon nila. "Ouch, can you please be…" napatigil si Xandra ng makilala ang bumangga sa kaniya. "Oh, I'm sorry miss," she said in an innocent smile. "Did you do it in purpose?" inis na wika ng babae. Panay naman ang tingin ng mga taong dumadaan. "No, I didn't. Tingnan mo naman ang space masikip. Bakit ko naman gagawin iyon?" Amuse na saad bi Veronica. Xandra tsked, itutuloy na sana nito ang paghakbang pero muli siyang napatigil. Saka hinablot ang braso ni Veronica na pababa na rin sana. "What the hell are you doing here?" Bakas sa mukha nito ang pagkainis ng mga sandaling iyon. "Let go of me," pasimpleng wika ni Veronica binitawan naman siya ni Xandra at humalukipkip ito. "I'm here, dahil may dinalaw ako," Pagsisinungaling niya. Bumalatay sa mukha ni Xandra ang duda. Alam niyang nagdududa na ito, praning pa naman ito. Kinawayan niya ito saka tuluyan ng bumaba, habang si Xandra naman ay nagpatuloy sa pag-akyat, padabog ang bawat hakbang nito. Hindi niya maiwasang isipin na baka si Vince ang sad'ya ni Veronica. "Vince," tawag niya kay Vince ng makapasok sa unit nito. Ilang beses na siyang nagpabalikbalik sa unit ni Vince kaya alam na niya ang password niyon "Vince," tawag ulit niya. Walang katao tao sa paligid kaya nagpasya siyang puntahan ito sa kuwarto. Sakto namang pagbukas niya ng pinto ay lumabas si Vince mula sa banyo na naka tapi lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Mabilis na tumalikod si Xandra ng makita ang hubad na pang-itaas ni Vince. "I-I will wait at the living room," nauutal na sabi ni Xandra. Kahit matagal na ang relasyon nila ni Xandra ay never pang may nangyari sa kanila. Conservative kasi si Xandra, gano'n rin si Vince. Saka nag-usap na sila patungkol doon, saka na lang nila gagawin ang bagay na iyon kapag kasal na sila dahil iyon ang tama kaya hanggang halikan lang sila kahit minsan natutukso na si Vince. Pero nirerespeto niya ang nobya. Nang makalabas si Vince ay agad na humalik ito sa nobya na noo'y nanonood ng television. Niyakap siya ni Xandra ng tumayo ang dalaga at saka hilakan siya nito. Hindi smack kun'di ibang halik, pero hindi magawa ni Vince na suklian iyon kaya bahagya niyang itinulak ang dalaga. "Why?" takang tanong ni Xandra. "Kumain ka na ba?" Imbis na sagutin ang tanong nito ay isang tanong naman ang sinagot nito. Kaya napa-smirk si Xandra. Hindi siya makatingin sa nobya dahil may guilt na bumagabag sa kaniya. Hanggang ngayon hindi mawala wala sa isip ni Vince ang nangyaring halikan nila ni Veronica. Nagi-guilty siya, kasalanan iyon unfair iyon para kay Xandra na buong pusong pinagkatiwalaan siya. "Do you still love me Vince? P'wede kang umamin habang hindi pa tayo ikinakasal," anang Xandra na nanginginig na ang boses. "N-no, no. What are you saying?" Natatawang saad nito saka pilit na hinahawakan ang braso ni Xandra na pilit naman nitong winawaksi. "You know what I am saying, Vince. You've been like this, simula noong bumalik ako from London. May iba ka na ba?!" Pasigaw na sabi ni Xandra. "Xandra naman, ayaw kung mag-away tao." Pilit niyang pinapakalma ang nobya pero mas lalo lang itong nagwawala at naiiyak. "May mahal ka nang iba, di' ba? O talagang hindi mo na ako mahal," naiiyak na sabi ni Xandra. Ramdam niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Xandra. "N-no," ayaw niyang magsinungaling kay Xandra pero kung ikakapanatag ng loob nito ang gagawin niya ay magsisinungaling siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD