"Lier!" pagkasabing iyon ay tumalikod ito at lumabas ng unit ni Vince.
Si Vince naman imbis na habulin si Xandra ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatitig sa nakasarang pinto.
Hindi niya maintindihan ang sarili, ayaw niyang masaktan si Xandra kaya minabuti niyang iwasan si Veronica para hindi na maulit iyon. Pero nasaktan niya pa rin si Xandra. Nanghihina siyang umupo sa upuan at ginulo ang kaniyang buhok.
Simula noong dumating sa buhay niya si Veronica ginulo lang nito ang mundo niya. Ginawa nitong komplikado ang lahat, simula ng araw na nabangga niya ito. Sa party ng papa niya, oo nalaman niyang si Veronica iyon. Hindi na ito nawala sa isip niya, kahit anong gawin niya. Naaalala nito ang mga mata nitong magandang nakatitig sa kaniya, ang mga ngiti nitong nagpapagaan ng damdamin niya.
At dahil sa mga mata at ngiting iyon nagawa nga niyang sundan ito hanggang sa condo nito. Noong una hindi niya akalain na sa condong binili pala niya nakatira ito. Pero nagawa nga niyang tumira na rin sa katabing unit nito. Nababaliw na yata siya.
Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan niya at lumabas. Hindi dahil para sundan si Xandra kun'di para magtungo sa bar. Iinom na lang siya, baka bukas mawala na ang lahat ng ito, sana nga mawala. Pero paano 'pag hindi?
Habang naglalakad sa pasilyo ng condo ay napatigil siya sa babaeng nakatingin sa kaniya. Naikuyom niya ang mga kamao niya, nakita naman niyang tumingin ang babae sa kamao niyang nakakuyom.
Anong ginagawa ni Veronica dito? Ang pagkakaalam niya ay umalis na ito.
"V-Vince, ayos ka lang?" tanong nito na mas lalo lang kinakuyom ng kamao niya.
Marahas niya itong tiningnan, saka nag-iwas ng tingin sa babae at nagpatuloy sa paglalakad.
Kailangan niyang magalit rito, kailangan niyang palitan ng galit ang nararamdaman niya para kay Veronica.
"Vince, ano bang kasalanan ko bakit gan'yan ka sa akin?" Habol-habol ito ni Veronica.
Pero hindi niya pa rin ito pinakinggan, patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa may hagdan.
"Vince, sandali nga," inabot nito ang braso ng binata pero pumiglas ito, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya nang pumiglas ito ay natangay siya kaya naman hindi siya nakaapak sa susunod na baitang ng hagdan. Bagkos ay sa ikatlong baitang ng hakdan siya nakaapak kaya naman na buhos ang buong lakas niya doon at natapilok pa siya at nawalan ng lakas ang tuhod niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at mabitawan nang tuluyan ang braso ni Vince.
Pigil hiningang napapikit si Veronica at hinintay ang pagbagsak niya, pero napamulat siya ng animo tumigil ang oras dahil hindi siya tuluyang bumagsak at gumulong sa hagdan.
Naramdaman niyang may humawak sa likuran ng kaniyang damit dahil humigpit ang kapit ng damit niya. Narinig pa niya ang unti-unting pagpunit niyon. Kaya hindi na siya gumalaw, natatakot siyang gumalaw. Napasigaw siya ng biglang hilahin siya ng tudo p'wersa kaya napasubsub ang likod niya sa katawan ni Vince.
Sinubukan niyang tumayo ng tuwid pero, muntik na siyang matumba ng maramdaman niya ang sakit ng kaniyang paa buti na lang ay naalalayan siya ni Vince.
"Aray," bulalas pa niya.
"Are you okay?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Vince ng itanong iyon.
Umiling si Veronica.
"I think I can't walk," aniya.
"s**t!" Pagkasabing iyon ay pinangko siya nito na kinasinghap niya. Pero hindi na siya nagreklamo pa dahil hindi naman talaga siya makalakad. Napuruhan ng husto ang binti niya dahil sa pagkatapilok.
Ipinasok siya ni Vince sa unit nito at nagmadaling kumuha ng ice-cube at nilagay sa ice bag at bumalik sa kinaroroonan ni Veronica, sa sala.
Hinubad nito ang suot niyang sandal at nilapat ang ice bag sa napuruhang binti.
"Aray," bulalas niya ng lumapat iyon sa binti niya.
"I'm sorry," anang Vince naman ng inilayo ang icebag sa namamaga niyang ankle.
Dahan-dahan naman niyang binalik iyon.
"Bakit ka kasi sunod ng sunod," himig naiinis na sabi nito.
"Eh, k-kasi," nanginginig ang boses ni Veronica. "H-hindi ko kasi alam kung bakit ka parang galit at parang iniiwasan mo ako." Tuluyan ng kumuwala ang luha ni Veronica.
Parang kinurot naman ang puso ni Vince ng makita ang paglandas ng luha ng dalaga. Kaya naman hindi niya mapigilan ang pagkataranta.
Nang makita niyang umiyak si Xandra kanina ay hindi niya iyon naramdaman. Pero ngayong umiiyak si Veronica ay parang gusto niyang yakapin ito at manghingi ng tawad dahil kasalanan naman niya kung bakit ito umiiyak
"Sshh, hindi naman sa gano'n, " alo niya rito. Saka niyakap ito mas lalo lang umiyak si Veronica, mas lalo lang rin siyang nasasaktan dahil sa mga hikbi nito.
"Bakit mo kasi ako iniiwasan, para tuloy akong may nakakahawang sakit sa mga pag-iwas mo, parang ang laki ng kasalanan ko."
"I'm sorry okay?" Malambing niyang saad para lang tumahan ito.
Inilayo niya ang katawan mula sa pagkakayakap rito at kinulong ng malalaki nitong palad ang mukha niya.
"Patawarin mo ako, papansinin na kita," nakangiting sabi nito saka pinahid ang luha ni Veronica.
Suminghot muna siya bago nagsalita.
"Talaga?" she asks with a smile on her crying face.
Tumango naman si Vince.
"Sinabi mo 'yan huh. Kapag hindi ka ulit mamansin lalayas na lang ako sa condominium mo." Himig nagbibirong turan nito na kinatawa naman ng huli.
Tumawag na rin si Vince ng makakagamot kay Veronica.
"Hindi ako makakapagtrabaho ngayon dahil sa nangyari." Pahayag ni Veronica kay Vince pagkatapos malapatan ng lunas ang namagang bukong-bukong.
"Sorry talaga," anito.
Magkaharap silang dalawa sa sala.
"Baka may trabaho ka, ihatid mo na ako sa unit ko."
"No, wala akong lakad today kaya dito ka lang dahil ipagluluto kita. Just like what I have promised before. Pambawi ko na rin," sabi ni Vince at tumayo na.
"Wow talaga?" Masayang turan ni Veronica.
Ngumiti lang si Vince saka iniwan na si Veronica at nagtungo na ito sa kusina.
Napangiti naman si Veronica, ramdam niya na hindi siya matitiis ni Vince.Hindi magtatagal mahuhulog rin si Vince sa kaniya ng husto.
Naalala pa niya si Xandra kanina na umiiyak, galing sa itaas. Bumalik kasi siya dahil nakalimutan niya ang cellphone niya. Nakita naman niya si Vince na palabas ng unit na may inis sa mukha. Kaya batid niyang nag-away ang dalawa. At saka feeling niya hindi naman lumabas si Vince para sundan si Xandra dahil kung sinusundan niya ito, dapat magkalapit lang ang layo nila. Sa nakikita niya kanina, nakasalubong niya si Xandra sa lobby, habang nasa ika-tatlong palapag ang unit ni Vince, at doon pa niya ito nakita sa pasilyo at halatang kagagaling lang nito sa unit niya.
Napapailing na napapangiti si Veronica sa mga theory niya.
Gaya ng pangako ni Vince kay Veronica ay hindi na nga siya binalewala nito. Madalas na silang nag-uusap lalo na sa gabi. Madalas na rin silang nagpapalitan ng lutong ulam, minsan naman sabay na silang kumakain. Mas madalas ngang magkasama sina Vince at Veronica kaysa kay Xandra.
"ANO na naman ang ginagawa mo dito?" Nakahalukipkip si Xandra na tanong nito kay Veronica.
Naabutan niya ang nobya ni Vince na papalabas sa unit nito, habang siya ay ilang hakbang na lang nasa harapan na siya ng pinto ng kaniyang unit.
Ginaya niya rin ang ginawang paghalukipkip ni Xandra.
"Ba't mo naman na tanong?" Balik tanong niya rito.
"Ako ang naunang nagtanong," bakas sa mukha nito ang irita.
"To answer your question, just stand still and watch," aniya saka ngumiti ng nakakaluko.
Hinarap niya ang pinto ng unit nito saka tinipa ang pass code niya. Nang bumukas ang pinto ay muling pumukol ang sarkastikong ngiti nito kay Xandra na halatang nagulat.
Iniwan na ni Veronica si Xandra na gulat pa rin sa nalaman.
Mabilis at sunod-sunod na nagdoor-bell si Xandra. Ilang pindot nito ay muling bumukas ang pinto roon.
"Yes?" Veronica ask with a smile ng pagbuksan ito.
"Sinusundan mo ba si Vince?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.
"Do you know what are you saying? Bakit ko naman susundan si Vince, Xandra."
"Bakit hindi? I saw it, everytime that f*****g eyes of yours lays on my boyfriend. Nababasa ko balak mo siyang agawin!" Mariing saad nito.
Veronica chuckled.
"You know what? I don't care what you think of me. Stay believe what you want to believe. You're just wasting my time, you know that?" aniya saka pinaikot ang dalawang eyeballs nito.
Pabagsak niyang isinara ang pinto at tinapon ang bag niya sa sofa at dumeretso na sa kitchen.
"LET'S go?" Nakangiting saad ni Vince ng halos sabay sila ni Veronica na lumabas sa kani-kanilang unit.
"Let's go," anang Veronica naman na may ngito rin sa labi.
Napagpasyahan nilang dalawa na mag hiking, dahil pareho naman nilang rest day.
Agad na silang lumabas ng building at nakipagkita sa mga kasamahang hikers. At tumungo na sa destinasyon nila. Enjoy na enjoy silang magkasama, tawanan dito tawanan doon.
"Ang saya," bulalas ni Veronica ng tuluyan ng makatungtong sa tuktok ng bundok.
Hingal na hingal pa siya gano'n rin si Vince.
"Oo nga, ngayon lang ulit ako nakaakyat ng bundok," anang Vince naman saka uminom ng tubig mula sa tumbler nito.
"Nagha-hiking ka rin dati?" tanong ni Veronica.
Tumango naman si Vince pagkatapos uminom ng tubig.
"Yeah, but since naging girlfriend ko si Xandra, natigil ako. She didn't allow me," anito.
Tinitigan naman ni Veronica si Vince habang nakatingin naman ito sa tanawin.
"Then let's do it often, and let's keep it a secret," anang Veronica habang nakatanaw sa mga kasamahan nila na naglakad palayo.
May maganda daw kasing spot sa unahan ng bundok do'n rin ang dako nila.
Lumingon si Vince sa katabi niya.
"Are you sure?"
Tumango naman si Veronica at nakangiting tumitig kay Vince, their eyes meet and lock for a moment.
"I am more than sure Vince," anang Veronica na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
"Water?" Inabot ni Vince ang tumbler niya.
"Sure," anang Veronica saka tinanggap iyon at mabilis na tinunga.
"Thanks," aniya pagkatapos at muling binalik kay Vince.
Pero nang iabot niya bottle rito ay sinadya niya itong bitawan bago pa man mahawakan ni Vince.
Kaya naman sabay rin silang yumuko para sana pulutin ito, pero nag-umbugan naman ang ulo nila kaya napatayo sila ng tuwid.
"Aray," sabay pa nilang bulalas saka hinilot ang mga noo nila.
"Are you okay?" tanong ni Vince saka inabot ng palad niya ang noo ni Veronica saka hinamas iyon.
"Oo, ayos lang pasensya ka na nadulas sa kamay ko," aniya.
Patuloy pa rin sa paghimas si Vince sa noo ni Veronica habang si Veronica naman ay nakatitig lang rito. Napatigil naman si Vince ng maramdaman ang paninitig ng kaharap. Napatitig rin siya rito at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. He mesmerized by the looks of Veronica, puno ng pawis ang mukha nito pero imbis na magmukhang haggard ay mas lalo lang itong nakakaakit sa mga mga mata niya.
Hindi niya talaga maiwasan ang hindi mamangha sa mga mata nitong nakakapanghina. Mga ngiti nitong natatangay siya at animo nama-magnetize ang labi niya para dumikit sa labi nito.
Napatitig si Vince sa mga labi ni Veronica na mamulamula. She still fresly remember the first time they kissed. Parang gusto niyang ulitin ngayon, gusto niyang maramdaman ulit ang matamis at nakakalasing na halik ng dalaga.
Hanggang sa he found himself, touched the lips of her. He can feel the softness and warmness of Veronica's lips.
Tinanggap ni Veronica ang halik na iyon ni Vince, nagpapatangay siya sa bawat galaw ng mga labi nito. Isang maalab at mapanabik na halik iyon, naramdaman pa niya ang paggalaw ng braso nito at yumakap sa kaniya. Animo may sarili ring isip ang mga braso niyang kusang pumulupot sa batok nito at mas lalo lang niyang pinalalim ang halikan nila.
Nalalasing si Vince sa amoy ng mainit na hininga ni Veronica. Animo may fusion ito na nagpapa-adik sa kaniya at nagbibigay ng ibayong saya sa kaibuturan niya. Sinubukan niyang ipasok ang labi niya sa loob ng bibig ni Veronica na binigyan naman ng acces ng dalaga at pinag-abot ang mga dila nila. Kiliti ang hatid niyon sa kaniya, hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman at ng gustong mangyari. Those kisses, her warm lips, tight hug let him forget everything, he wants to do more than kiss with Veronica, he can't resist it, he felt like he was enchanted. Pinaghiwalay niya ang labi nilang magkahinang ay dumako ang labi niya sa leeg nito and lick, kiss and suck it na kinaungol ng huli. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Vince adahil sa ungol na iyon ni Veronica. Hindi lang balahibo biya ang tumayo because he felt his pants tighten, he felt his manhood wanted to be free.