VLV 13

1913 Words
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Vince nang makababa na sila sa kotse nito. Alas sais na ng gabi nang makauwi sila galing sa hiking. "Saan? Sa hiking o sa…" sinadyang ibitin ni Veronica ang susunod sanang sasabihin niya, to tease Vince sa pinagsaluhan nila kanina sa tuktok ng bundok. Natawa naman si Vince ng ma-gets ang gustong sabihin ni Veronica, tumawa na rin si Veronica. "You can choose kung saan doon," ganting tudyo nito. "I think…" "Mga hayop kayo, sinasabi ko na nga ba!" Napatigil silang dalawa at napatingin sa galit na may-ari ng boses. "Xandra," tanging namutawi sa bibig ni Vince ng makita ang nobya na papalapit sa kanila. Rumihestro sa mukha ng lalaki ang gulat at kaba. "What is this all about Vince?!" Mariing tanong ni Xandra sa nobyo ng makalapit. "Xandra, let's go upstairs," anang Vince saka inabot ang braso ni Xandra. Nasa parking lot pa sila ng mga sandaling iyon. May iilang tao na ring nagsidatingan at ang iba ay ang iba paalis. Hindi naman gano'n ka dami pero ayaw pa rin ni Vince na maging topic sila. Nagpumiglas si Xandra. "No!" "Not here please," "Kaya ba Vince? Kaya ba nanlalamig ka sa akin? Kaya ba halos ayaw mo na akong kausapin?" Nangingilid na ang luha ni Xandra habang binabanggit ang mga katagang iyon. "Kaya ba ni text o tawag hindi mo na magawa, na dati madalas mo namang ginagawa? Dahil ba sa babaeng 'yan?" Dinuro ni Xandra si Veronica na noo'y nakatingin lang sa kanila. Expressionless ang mukha. "No, it's not that," "Shut up! Hindi ako tanga para hindi maramdaman 'yon, Vince. Ilang taon na tayo, ilang taon kong pinaramdam na mahal kita. Ilang taon akong naging possessive dahil sa pagmamahal ko sa 'yo." Pumiyok na ang boses ni Xandra sa mga sandaling iyon at tuluyang kumuwala ang mga luha nito dahil sa sakit na nararamdaman niya. Purong sakit ang nararamdaman nito, kanina pa siya tawag ng tawag kay Vince laging out of coverage. Kanina pa siya pabalik balik sa unit nito wala pa rin. At sa itsura ng mga ito, ay parang may ginawa talaga silang kinakasiya nila habang siya hindi unti-unti ng nadudurog. "Vince bakit? We've been together for such a long time, bakit ipagpapalit mo lang ako sa babaeng iyan. Dahil ba… dahil ba nabibigay n-niya ang bagay na hindi ko maibigay?" Nanginginig ang mga labi ni Xandra habang binabanggit ang salitang iyon. Dahil bawat bitiw niya ng mga salita ay siya namang animo punyal na tumarak sa puso niya. "I-I was thought you understand, Vince ilang linggo na lang ikakasal na tayo, maibibigay ko na rin ang matagal nating iniingatan, pero what is this?!" Napatingin naman si Veronica kay Xandra na tumutulo na ng sunod-sunod ang luha nito. Hindi siya makapaniwala na sa mahabang panahon na magkasama si Vince at Xandra wala pang nangyari sa kanila. "Xandra naman hindi naman sa…" Napatigil sa Vince ng iharap ni Xandra ang cellphone niya. May picture roon na kuha kanina, he saw himself kissing Veronica. The capture was so clear that even he, recognized himself. "Don't try to cover up your betrayal with a lie, Vince…" pagkasabing iyon ay bumaling siya kay Veronica na nasa gilid lang ni Vince. "Higad ka talaga, mang-aagaw!" Lumipad ang palad ni Xandra para sana sampalin si Veronica pero imbis na sa mukha ni Veronica dumapo ang palad nito ay sa leeg ni Vince tumama ang palad niya. Dahil mabilis na ginawang sanggalang ni Vince ang katawan niya para hindi masaktan si Veronica. Napaawang naman ang bibig ni Xandra at bumakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala dahil sa ginawang pagsalo ni Vince sa palad niya na para sana kay Veronica. "Talagang tuluyan ka nang natuklaw ng ahas na iyan, Vince." Isang malakas at malutong na sampal ang ginawad ni Xandra kay Vince. "Xandra, enough!" Sigaw ni Veronica. "How dare you to talk!" Ganting sigaw rin ni Xandra. “Stop it, Xandra,” walang ganang sabi ni Vince. Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga sandaling iyon, gulong-gulo ang isip niya sa nagiging takbo ng lahat. “I will, Vince. I will stop this f*****g relationship.” Napatingin ng diretso si Vince sa mga mata ni Xandra. Aaminin niya, halos hindi na niya maramdaman ang pagmamahal na naramdaman niya dati kay Xandra. Pero nagulat pa rin siya sa sinabi nito. “X-Xandra..” Nakita niya ang engagement ring na hinubad ng nobya niya. “I’m breaking up with you…” saka tinapon sa mukha ni Vince ang singsing. “Hindi ako basta basta isang babae lang Vince. Oo mahal kita pero hindi ibig sabihin na magbubulagbulagan na lang ako kahit lantaran na ang panloloko mo. I still love myself… and you?” Dinuro niya si Vince. “You choose to betrayed me, now face your consequences at tanggapin mo lahat ng kahihiyang ginawa mo!” Pagkasabing iyon ay tumalikod na si Xandra at walang lingon likod na lumayo sa dalawa. Habang si Vince naman ay nanatili lang nakatayo habang pinagmamasdan ang papalayong si Xandra. Ang ilang taong pagsasama nila ay nawala na lang sa isang iglap. "Xandra…" “V-Vince,” tawag ni Veronica sa lalaki. Akma na sana niyang hahawakan ang kamay nito nang lumakad si Vince pabalik sa loob ng kotse nito na walang imik. Mabilis namang sinundan ni Veronica ang binata at pumasok sa loob ng kotse nito. “Get out…” mahina pero mariing sabi ni Vince kay Veronica. “No! Kung saan ka pupunta sasama ako,” pagmamatigas nito. Hindi na muling nagsalita pa si Vince at pinaandar na niya ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ito. Ilang minuto lang ay huminto ang sasakyang minamaneho ni Vince sa isang resto bar. Lumabas siya ng kotse, nanatili lang nakabuntot si Veronica kay Vince hanggang sa loob. Maindak na tugtugin agad ang bumungad sa kanila nang tuluyang makapasok. Dumeretso naman si Vince sa bar counter at umorder ng inumin. “Vince tama na,” awat ni Veronica ng naka sampong bote na nag beer si Vince at dumagdag pa. Kitang kita na ang kalasingan nito dahil panay bagsak ng ulo ng binata, namumula na rin ang pisngi nito. “You know what? This is all your fault, kasi dumating ka sa buhay ko,” anang Vince habang nakatitig ang mapupungay nitong mata sa mukha ng dalaga. “V-Vince…” “It’s okay don’t feel sorry, Xandra was right I choose to cheat,” pagkasabing iyon ay muling nilagok ang laman ng bote. “Let’s go home Vince, tama na lasing ka na,” akay niya rito pero ayaw pa ring paawat ni Vince. “I’m okay,” anang Vince saka bumagsak ang ulo sa mesa. “Vince, Vince,” pukaw ni Veronica rito, pero parang tuluyan na nga itong nakatulog. Tinitigan ni Veronica si Vince saka napa smirk. “Sorry not sorry Vince, because this is just a start,” bulong niya. “Sorry Xandra kung kailangan mong madamay sa paghihiganti ko, lahat ng malapit sa mag-amang Madrigal ay kailangang madamay,” aniya sa isip. Napatigil siya ng magvibrate ang phone niya na nasa kaniyang bulsa. Dinukot niya iyon at nakitang tumatawag si Rafael. May 30 missed calls na ito mula pa kaninang umaga. Pinindot niya ang answer button at dinala ang aparato sa tainga. “Hello honey,” malambing niyang bungad sa kabilang linya ng medyo makalayo soya kay Vince pero tanaw niya pa rin ito. “My God Veronica, muntik na akong maghire ng investigator dahil kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka sumasagot,” sagot naman ng kabilang linya. “Where are you? Bakit ang ingay d’yan?” “I’m with my highschool friends and we are in a party right now. Birthday ng isang kaibigan namin, I’m sorry kung hindi ako nakapagpaalam,” pagsisinungaling niya rito. Narinig naman niya ang buntong hininga ng nasa kabilang linya. “Are you mad?” Malambing niyang saad. Muli na naman niyang narinig ang buntong hininga nito. “Yes I am, but now nawala na. Boses mo pa lang nakakawala na ng tampo.” “Hmm, bolero ka talaga,” animo kinikilig naman na saad ni Veronica. Napalingon pa siya sa gawi ni Vince pero nanatili pa rin itong tulog. “It’s all true..” “Hmm, Rafael, can I go na muna kasi my friends are calling me na eh,” “Oh, sure. I’m just checking on you, you may go and enjoy…” Nang sabihin niya iyon ay agad ng pinatay ni Veronica ang tawag dahil biglang tumayo si Vince. Mabilis naman niya itong dinaluhan at inakay na palabas ng bar kahit na ayaw nito. Pinagmaniho na niya rin ito pauwi sa unit niya. At dahil hindi naman niya alam kung ano ang passcode ni Vince ay sa kaniyang unit niya ito dinala. “Ang bigat mo,” “Hmmm,” ungol nito habang pasuray suray ang hakbang na nagpapadala sa hila ni Veronica. “Can you please walk straight?” Reklamo ulit ni Veronica dahil nahihirapan na rin siyang alalayan ito. Agad na pinihit na niya ang seradora ng pinto ng kwarto niya at binuksan iyon. Nang makapasok ay agad niya itong itinulak pabagsak sa kama. Bibitawan na niya sana ito ng humapit ang braso ng lalaki sa baywang niya dahilan para matangay siya nito, kaya ang nangyari silang dalawa ang bumagsak sa malambot na kama. Pareho silang dalawa na nakahiga ng magmulat ng mga mata si Vince at nagtama ang kanilang mga mata. Vince touch her face with her callous hand, and next thing Veronica notice is that her lips touches his. Langhap na langhap niya ang naghahalong mabangong hininga nito at ang amoy ng alak. Nalalasing siya sa amoy na iyon kaya natatangay na siya sa bawat galaw ng labi nito na hindi naman niya hinindian. Nagsimula na ring humaplos ang mainit na palad ni Vince sa kaniyang likod. “I love you, Veronica,” anang Vince ng ilayo nito ang labi sa dalaga. Hindi naman makagalaw si Veronica dahil sa narinig. “I feel inlove with you,” huling narinig niya matapos tuluyang ipikit ang mga mata nito at natulog na. Lumayo si Veronica rito saka bumaba ng kama at nakatayong tumitig kay Vince. May kakaiba siyang naramdaman sa dulong bahagi ng kaniyang puso ng marinig mula rito ang katagang iyon. “I love you, Veronica,” umalingawngaw ang katagang iyon sa utak niya. Umiling siya para iwaksi ang isiping iyon saka hinilot ang sintido niya. “This is better, yes this is…” she said to herself habang kagat ang koko niya at nagparoo’t parito. Bumuntong hininga siya at muling tumingin kay Vince na mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at hinubad isa-isa ang suot nito sa katawan hanggang sa wala ng natira. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at nag hanap ng kulay pulang likido. Nang makita niya ang isang maliit na bote na may lamang liquid red food color ay agad niya itong kinuha at bumalik sa kwarto niya. Napalunok pa siya bago nilagyan ng tatlong patak ang puting kobre kama niya. Pagkatapos ay mabilis na nilagay sa drawer ng kaniyang Vanity Dresser ang maliit na bote. Hinubad niya isa-isa ang kaniyang saplot at ng mahubad lahat ay tumabi siya kay Vince at ginawang unan ang braso nito. “I’m sorry Vince, But I can’t accept your love. Maybe I can use it," bulong niya saka yumakap kay Vince sa ilalim ng kumot at isiniksik ang kaniyang ulo sa malapag nitong dibdib. At saka pinikit ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD