Nakatingin lang sa kawalan si Veronica habang nakaupo sa silya kaharap ng mesa kung saan naroon ang isang tasa ng kape. Nasa hardin siya ng mga sandaling iyon at hinihintay ang pagdating ng ina-inahan niya.
Hindi pa kasi alam nito na umuwi siya sa mansion. Nasa mall raw ang ina at nagsho-shopping kasama ang mga amega nito.
Ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon ay ang maaring reaction ni Rafael kapag nalaman nitong siya ang dahilan ng hiwalayan ni Xandra at Vince. Sigurado siyang magugulantang si Rafael oras na malaman niya na may relasyon kami ni Vince. Sigurado siyang siya ang magiging dahilan ng alitan ng mag-ama, sila-sila rin ang magpapatayan, lalo na't hindi lang puso nila ang kalaban nila isa na rin ang pride nila.
Napangiti Veronica sa naiisip niya.
"Tikman mo ang batas ko Rafael Madrigal!" sigaw ng isip niya.
"Veronica…"
Awtomatikong napalingon si Veronica sa gawi ng may-ari ng boses. Ngumiti siya rito saka tumayo para makipag beso.
"Mommy, I've been waiting for you," masiglang bati ni Veronica.
Walang imik na umupo si Rosita sa upuan sa harap ni Veronica. Nagtaka siya sa kinikilos ng ina.
"Is there something wrong mom?" tanong niya rito ng bumalik sa pagkakaupo.
Tinitigan siya ni Rosita sa mga mata.
"Alam kong may kinalaman ka sa nangyayari sa mga Madrigal, Veron," simula ni Rosita.
Medyo nagulat pa si Veronica sa tinuran ng mommy niya.
"What do you mean, Mom?" Pinilit niyang ngumiti para itago ang pagkabigla niya.
"Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit usap-usapan ang tungkol sa pag-urong ni Xandra sa kasal nila Vince. Pero sana mali ako."
Inabot ni Rosita ang kamay ni Veronica saka pinisil iyon.
"Tell me, Veron. That I was just overthinking at mali ang mga iniisip ko." May pag-aalalang nababakas sa mukha ni Rosita.
Nakatitig lang si Veronica slng deritso sa mga mata ni Rosita.
"You're right, Mom. Tama lahat ng iniisip mo," pagkasabing iyon ay binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakagawak ni Rosita.
Nanghihinang sumandal naman si Rosita sa backrest ng ratan chair.
"Veron…"
"I'm sorry Mom, but everything happened…"
"Kung nalaman ko lang agad, mapipigilan pa sana kita."
"Hindi mo na ako mapipigilan, Mommy, dahil nananalaytay na sa ugat ko ang pangako ko sa nanay ko. Nakakatak na lahat sa isip ko, nobody can't stop me." Walang emosyong saad niya.
"Anak, hindi sagot ang paghihigante para itama ang isang kasalanan. At hindi maitatama ang isang kasalanan ng isa pang kasalanan."
"Wala na akong pakialam sa kasalanan o hindi, Mommy. All I want is justice that is not given by the law."
Nagsimula ng mangilid ang luha ni Veronica habang inaalala ang gabi kung kailan binanggit ng nanay niya kung sino ang lumapastangan rito. At ang mga panahon na mas nagpahirap sa kaniya dahil hindi man lang niya kayang sampahan ng kaso si Rafael.
"Baka ikapahamak mo ang mga ginagawa mo. Masyado kang nagpadalos-dalos, Anak."
"Mom, come on. Ipagluto mo ako, namiss ko na ang luto mo eh." Pag-iiba ni Veronica ng usapan.
Pinahid naman niya ang luhang hindi niya namalayan kanina na nalaglag na pala.
"Veron…"
Tumayo si Veronica saka hinila ang kamay ng Mommy niya.
"Hurry,"
"Veronica!"
Napatigil silang dalawa ng marinig ang baretonong boses na tumawag kay Veronica.
Napalunok si Veronica ng makita si Rafael sa harap niya. Galit ang gumuhit sa mukha nito, nakakuyom rin ang kamao nito kaya hindi maiwasan ni Veronica ang kabahan.
Nandito si Rafael, mung gano'n alam na nito ang tungkol sa kanila ni Vince.
"Mr Madrigal," bati ni Rosita rito na pilit ngumiti kahit ang totoo ay animo may naghahabulang kabayo na sa dibdib niya dahil sa takot nito kay Rafael lalo na dahil nagdidilim ang mukha nito habang nakatingin lang kay Veronica.
Mabilis na lumapit si Rafael kay Veronica, magigpit namang hinawakan ni Rosita ang kamay ni Veronica.
"Totoo ba?!" Galit na saad nito matapos hablutin ng lalaki ang braso ni Veronica at hinawakan ng mahigpit.
"Aray," daing ni Veronica.
"Ano ba, Rafael, bitawan mo ang anak ko!" Buong lakas na sigaw ni Rosita. Pero hindi natinag si Rafael at mas lalo lang niyang diniinan ang pagkakahawak nito sa braso ni Veronica.
"Stop it, Rafael. You're hurting me, ano bang nangyayari sa 'yo?" Maang na tanong ni Veronica.
"Walang hiya ka ginagago mo pala ako!?" Mariing sabi nito.
"What do you mean?"
Imbis na sagutin si Veronica ay hinila niya ang dalaga palabas ng hardin.
"Veronica!" Sigaw ni Rosita habang habol-habol ang nga ito
"Mommy!"
Huminto si Rafael sa harap ng kotse nito na nakaparada sa pathway ng mansion saka marahas na pinasok sa loob si Veronica.
"Rafael saan mo dadalhin ang anak ko?" Tanong ni Rosita, pero animo hangin si Rosita dahil hindi siya pinansin ni Rafael. Nagpatulou lang si Rafael sa ginagawa at umikot sa gawi ng driver seat.
Pinaharorot na ni Rafael ang sasakyan nito hanggang sa makalabas.
"Dios ko," sambit ni Rosita.
Agad niyang tinipa ang numero ni Vince. Nakailang ring ito bago sinagot.
"Hello, Vince,"
"Yes Po," sagot na gabilang linya.
"Vince si Veronica, "
"Ho? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?may nangyari ba?"sunod-sunod na tAnong nito.
"Dinukot ng Papa mo ang anak ko. Baka anong gawin niya kay Veronica. "
"What?" Halatang nagulat si Vince sa nalaman. Kaya napatayo na siya saka kinuyom ang palad niya.
Hindi niya ala kung ano ang gagawin niya, hahayaan ba niya ang papa niya? Gayong sinabi nito na fiancé nito ang babaeng mahal niya. Pero paano kung hindi totoo iyon? Pero paano kung totoo?
Malalaman lang niya kapag nakausap niya si Veronica.
Pinatay na niya ang tawag at nagpasyang bumalik ng mansyon at baka doon dinala ni Rafael si Veronica. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya nakita sa mansion ang ama. Wala na siyang ibang maisip na lugar na maaring pagdalhan ng ama kay Veronica.
"ANO ba Rafael, bitawan mo nga ako!" Pilit nagpupumiglas si Veronica mula sa kamay ni Rafael na nanatili pa ring nakahawak sa braso niya. Kinakaladkad siya nito pababa ng hagdan, sa tingin niya underground iyon.
Kahit anong pagpupumiglas niya hindi pa rin natitinag si Rafael hanggang sa makapasok sila sa isang kuwarto. Mabilis na tinulak ni Rafael.si Veronica kaya bumagsak ito sa kama na naroon. Bukod sa kama ay wala.na siyang iba pang nakikitang anumang bagay sa loob.
"Anong binabalak mo, Rafael?"
"Ikaw Veronica, anong binabalak mo?" Malamig na balik tanong ni Rafael sa dalaga.
Madilim ang mga titig nito sa kan'ya, kaya naman hindi niya maiwasan ang kabahan. Pero pilit pa rin niyang pinapalakas ang loob niya, dahil kailangan. She started this, she must endure it.
"Bakit kayo may relasyon ni Vince!?"
Veronica startled nang dumagundong ang malakas at galit na boses ni Rafael. Hindi siya makapagsalita, tanging paglunok lang ang nagawa niya.
Nakakuyom ang mga pangang lumapit si Rafael sa kaniya saka hinawakan gamit ang isang kamay nito ang magkabilang pisngi niya saka tudo pwersang pinisil iyon.
"Ginagago mo lang ako," mariing sabi nito while gritting his teeth.
Gamit ang kamay niya ay pilit niya tinanggal ang kamay nitong nakapisila sa magkabilang pisngi niya dahil nasasaktan siya.
Inilayo ni Rafael ang kamay niya sa mukha nito saka tumalikod.
"H-hindi kita ginago," mahinang saad niya.
Muling hinarap ni Rafael si Veronica saka malakas na sinampal dahilan para mapasubsob si Veronica sa kama.
"You're a f*****g lier, Veronica! Do you think palalampasin ko ito? Akin ka kang Veronica!"
"Hinding-hindi ako magiging sa 'yo dahil hayop ka!" Malakas na sigaw ni Veronica habang nakatitig ang nanlilisik na mata niya kay Rafael. Nangingilid ang luha niya sa kaniyang mga mata.
"Bakit? Si Vince ba ang gusto mo? Don't think too much because I will get rid of Vince easily," isang makakalukong ngiti ang sumungaw sa labi ni Rafael.
Gumalaw si Veronica saka bumaba ng jama at hinarap si Rafael.
"Papatayin mo siya?" Matigas niya tanong?
"Bakit natatakot ka? You hurt me this much that I can able to kill someone, para lamg hindi ka maagaw ng iba sa akin."
Napasmirk si Veronica na kinakunot ng noo ni Rafael. Ang kaninay smirk ni Veronica ay naging isang mahinang tawa hanggang sa maging halakhak iyon. Namimilipit sa kakatawa so Veronica habang nag-aabot naman ang kilay ni Rafael dahil sa pinakitang kakaiba ni Veronica.
"Nasaktan ka?" anang Veronica ng magsawa na itong humalhak. "Kulang pa iyan…" isang madilim na titig ang pinukol niya kay Rafael.
"Anong ibig mong sabihin?"
Veronica gritted her teeth as she was still looking at Rafael with a dark gaze.
"Kulang pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon para maging kabayaran sa lahat ng kahayupan mo!" Hindi na niya mapigilan ang mapasigaw habang inaalala ang masalimuot na pagkamatay ng nanay niya. "Papatayin kita!"
"What?"
"Hayop ka!" Pagkasabing iyon ay isang malakas na sampal ang ginawad niya rito na kinabaling ng mukha nito sa kanang bahagi nito.
Sunod-sunod na nalaglag ang luha ni Veronica. Animo may bumara sa kan'yang lalamunan ng mga sandaling iyon. Gusto niyang sumigaw sa galit, gusto niyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman at higit sa lahat gusto niyang patayin si Rafael.
Muling tumingin si Rafael kay Veronica dala ang naguguluhang tingin nito.
"What are you trying to say, Veronica? As if I had done something para gawin mo ito?" Mahinahon na ang boses ni Rafael sa pagkakataong iyon.
"'Wag kang magpaka-enosente, Rafael Madrigal! Pinatay mo ang Nanay ko, binaboy mo siya!" Buong lakas niyang sigaw.
Mas lalo lang lumalim ang gitla ng noo ni Rafael.
"Who?"
Napahalakhak si Veronica sa tanong ni Rafael.
"Who? Ilang babae na ang ang pinatay at binaboy mo?" Malamig niyang tanong.
"Wala akong binaboy!"
"Sinungaling!"
Napatigil naman si Rafael ng may isang ala-ala ang rumihestro sa utak niya.
May isang magandang babae na bago pa sa kanilang mansion. Kasambahay ito, maganda, maputi at makinis. Hindi maiwasan ni Rafael na mabighani rito, pero mailap sa kan'ya ang bagong kasambahay. Sinubukan niyang kausapin ito.
"Magda.. "
"Y-yes señorito, may kailangan po kayo?" Nakangiting tanong nito.
Mas lalo tuloy nabighani si Rafael dahil.sa ngiti nitong mas lalo lang nagpadagdag ng ganda ng babae.
"Ipaghanda mo ako ng meryenda, paki dala sa itaas." Utos niya rito.
Tinitigan niya muna ang babae mula ulo hanggang paa, napaka ganda rin ng katawan nito, kahit ano pang suotin nito ay diyosa si Magda sa paningin ni Rafael. Napalunok pa siya ng maramdaman ang kakaibang init sa kaniyang katawan.
"Y-yes po Señorito, ihahatid ko po sa kwarto niyo po." Magalang na sagot ni Magda.
Kinakabahan si Magda habang paakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Amoy alak kasi ang amo niya kanina, sa tuwing nakakainom ito ay iba ang mga tingin nito sa kan'ya. Nakakakilabot, nakakapanindig palahibo ang mga tingin nito.
Nasa aharap na siya ng pintuan ng mga sandaling iyon. Bumuntonghininga muna siya bago kumatok, ilang saglit pa ay wala siyang narinig na sumagot sa loob ng kuwarto. Sa isip niya ay baka naliligo lang ang amo niya, pinihit niya ang seradura ng pinto, bukas iyon kaya tuluyan na niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob.
Napasinghap pa siya ng bumungad sa kaniya ang nakatayo lang na si Rafael, nakatalikod ito sa pinto. Hindi maiwasan ni Magda na magtaka, kung bakit hindi ito sumagot kanina no'ng kumatok siya gayong nandito lang naman pala ito.
"S-sir, ito na po ang inutos niyo pong meryenda, " aniya saka nilapag sa maliit na mesang naroon sa loob ng kwarto nito.
Pumihit na siya ng talikod at nagmamadaling humakbang, dahil nararamdaman niya ang bigat ng kung anong inerhiya sa loob.
"Sandali," pigil ni Rafael sa kaniya ng papalapit na siya sa pintuan.
Napatigil naman si Magda habang nakatalikod rito, napailang lunok pa siya dahil sa tensyon na nararamdaman niya.
"P-po? May kailangan pa po kayo?" tanong niya rito saka dahan-dahang humarap, bakaharap na rin ang lalaki sa kaniya.
Humakbang si Rafael patungo sa gawi niya, hindi man lang niya magawang kumilos dahil sa kabang nararamdaman niya. Mukhhang may mangyayaring hindi maganda.
Huminto si Rafael sa harap niya, hukabang siya paatras para bigyang distansiya ang agwat nila dahil sobrang lapit lang ni Rafael sa kaniya.
"Hindi iyan ang gusto kong meryenda, Magda."
Napataas ng mukha si Magda dahil sa narinig, "p-po?"
Napasinghap pa si Magda ng walang babalang kinabig ni Rafael ang baywang niya saka siniil ng halik.
Pilit na nanlalaban si Magda, pero walang nagawa ang lakas niya. The more na magpupumiglas siya the more na nanghihina siya. Hanggang sa makawala ang isang braso niya mula sa pagkakayapos ni Rafael at mabilis na tinulak nito ang mukha ng amo niya saka ginawaran ng isang malutong na sampal.
Pumihit siya ng talikod at tinakbo ang pintuan pero naunahan siya ni Rafael at hinarangan ang nakasarang pinto bago iyon ini-lock.
Animo demonyo ang ngiting sumungaw sa labi ni Rafael ng mga sandaling iyon.
"You're mine now, Magda. I've been waiting for this to happen," anito.
"Bastos!" Sigaw ni Marta.
Mabilis na kumapitsi Rafael sa kaniya at mahigpit na tinakpan ang bibig ng huli para hindi sumigaw.
"Shhh, don't worry, papaligayahin kita. I assure you that."
"Mmmm!" Pilit na sigaw ni Magda kahit na mahina lang ang sigaw na ginawa niyang iyon dahil nando'n pa rin ang kamay ni Rafael sa bibig niya.
Sinampal ni Rafael si Magda kaya bumagsak ito sa sahig, tanging pagtulo lang ng luha ni Magda ang nagawa niya ng maramdaman ang pamamanhid ng pisngi niyang sinampal ni Rafael.
Hinubad ni Rafael ang kaniyq senturon at walang babalang hinataw si Magda sa paa gamit ang senturon nito. Kaya naman napasigaw sa sakut si Magda, isang hataw pa ang ginawa ni Rafael sa likod nito at impit na sigaw ni Magda ang maririnig sa buong kuwarto.
Nag-squat si Rafael oara pantayan si Magda, saka inabot ang magkabikang pisngi ng babae saka pinisil.
"Ang pinakaayaw ko sa lahat ang 'yong nagmamatigas, ikaw na nga ang papaligayahin ikaw pang may ganang magpakipot. Tsk," anito saka umiling.
Nang makahanap ng tyempo si Magda ay mabilis niyang sinipa ang sikmura ni Rafael kaya napahiga sa sahig ang lalaki. Mabilis siyang tumayo para umalis pero sa kasamaang palad ay nahuli ni Rafael ang binti niya sa malakas na hinila pabalik kaya nalasubsob si Magda sa sahig. Tumayo naman si Rafael at walang kahirap-hirap na hinawakan nito ang buhok ni Magda saka itinapon sa kama. Mabilis naman niyang sinundan ito saka sinuntok sa mukha at sa sikmura.
Halos hindi makahinga si Magda dahil sa ginawa ni Rafael, wala na rin siyang natitirang lakas para lumaban.
Pumunok na ang kaniyang bibig at ramdam niya ang pamamanhid ng buong mukha niya. Naramdaman niya rin ang pagsisitayuan ng balahibo niya ng gumapang ang labi ni Rafael sa leeg na noo'y nakadagan na pala sa kaniya na hindi man lang niya namamalayan.