CHAPTER 16
MABILIS na nilisan ni Leah, ang secretary ni Veronica ang operating room. May binigay kasi siya sa operator ng MGC para i-play mamaya kapag nag-umpisa na ang meeting. Iyon ang utos sa kaniya ni Veronica ng tinawagan siya nito kahapon.
Flashback…
Sinamahan ni Leah si Rosita sa police station para ereklamo ang pandurokot ni Rafael sa anak niya. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone kaya naman dinukot niya ito sa loob ng bag niya at sinagot ang tawag ng makita ang panagalang naka register sa screen ng cellphone niya.
“Hello, Maam, nasaan ka? Kumusta kayo?”sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.
Nang marinig naman ni Rosita si Leah ay mabilis niya itong nilapitan.
“Si Veronica ba iyan?” Mabilis na tanong nito.
Tumango naman si Leah.
“Akin na kakausapin ko…”
“No Leah, makinig ka muna. I don’t have enough time for this,” anang kabilang linya ng akma na sanang ibibigay nito kay Rosita ang cellphone. “I need to talk to you na walang tao.”
NNagpalinga-linga si Leah sa paligid upangasigurong walang tao.
“Ang mommy niyo lang po ang nandito.” Pinindot ni Leah ang loudspeaker.
“Okay, check your email, nagsend ako nag audio sa 'yo. Kailan nga pala ang meeting schedule natin sa MGC”
“Bukas po ma'am at exactly eight am.”
“Okay good, makinig ka gawin mo ang lahat ng paraan para mai-play mo ang audio na pinasa ko sa 'yo sa mismong meeting. Alam kong dadalo roon si Rafael. Magdala kayo ng mga pulis. Kailangan malaman ng lahat ang kahayopan ni Rafael. Kailangan malantqd sa publiko ang tunay niyang kulay.”
“Anak nasaan ka ngayon?” Buong pag-aalang tanong ni Rosita.
“I don't know what place I am in now, but I will turn on my GPS para matunton niyo ako, medyo mahina ang signal dito, pero mapagtatiyagaan naman.”
“Dios ko anak.”
“Don't worry, Mom. I can handle this. Leah gawin mo ang iniutos ko. The rest kayo na ang bahala…” pagkasabing iyon ay naputol na ang tawag sa kabilang linya.
“Veron?”
“Wala na po siya sa linya, Maam.”
End of flashback…
Lahat ng mga Boardmembers and investors ay naroon na sa conference room ng mga sandaling iyon. Habang hinihintay nila si Rafael. Si Leah naman ay naupo na rin sa loob.
Ilang saglit lang ay napako na ang tingin ng lahat sa papabukas na pintuan at niluwa roon si Rafael.
Nagsimula na silang mag-discus ng biglang umeksina si Rosita.
“Rafael Madrigal!” Sigaw ni Rosita kaya naman napunta sa kaniya ang attention ng mga taong naroon.
Humakbang si Rosita at dinuri si Rafael.
“Isuli mo ang anak ko!”
“Shut up, Miss Saadvedra. I don't know what are you talking about!” Napatayo na si Rafael.
Nagsimula na rin ang bulong-bulungan sa paligid. Plano talaga ni Rosita na gambalain ang meeting nila.
“Hindi mo alam? Eh kitang-kita ko kung paano mo kinaladkad ang anak mula sa bahay ko!”
“Ano bang nangyayari sa 'yo Rosita,” sabat naman ni Mrs Chaves.
“Tumahimik ka dahil hindi ikaw ang kinakausap ko!”Sigaw niya kay Mrs Chaves.
Nagulat naman si Mrs Chaves sa sigaw na iyon ni Rosita dahil ngayon lang ito ginawa ng pinsan.
“Anong sinasabi ni Miss Saadvedra, Don Rafael?” Tanong ng isa sa mga boardmembers.
“Totoo bang dinukot mo si Miss Veronica?” Tanong naman ng isa sa mga investor.
“No, no. This is just a little misunderstanding…”
“Sinungaling ka talaga,” mahinahong sabi ni Rosita.
Tunog ng isang aparato ang nagpatigil sa lahat, galing iyon sa speaker ng conference room.
“Pinatay mo ang nanay Magda ko Rafael, binaboy mo siya, 'di ba? Hindi ba?!”
Napasinghap ang lahat ng umalingaw-ngaw ang sigaw na boses ni Veronica mula sa mga nakapaligid na speaker sa loob ng conference room.
“Oo!” Mas lalong nagulantang ang lahat ng boses ni Rafael ang narinig nilang sumagot.
Nanlalaki naman ang mata ni Rafael nang marinig ang sariling boses at nang maalala ang conversation nila kahapon ni Veronica.
“Pinahirapan ko siya, pinasarapan mo pa. Pero hindi mo akalain na mamamatay pala siya,” anito.
Narinig ang lahat ng bahagyang tumawa ng mahina si Rafael.
Narinig mula sa speaker ang malutong na sampal ni Veronica.
“Hayop ka talaga, pagbabayaran mo lahat ng ito Rafael. 'Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, kulang pa iyang kabayaran para sa lahat ng ginawa mong hayop ka!”
Umalingawngaw ang malademonyong halakhak ni Rafael mula sa audio recorder.
Patayin niyo 'yan!” Galit na sigaw ni Rafael.
“'Wag, pakinggan natin ang susunod na mangyayari. This is gonna be exciting,” pigil ng isa sa may pinakamataas na shareholder ng kompanya na si Mr. Smith na nirerespito ng mga naroon pati na si Rafael.
“No, hindi totoo ang mga iyan. They’re setting me up.”
“Then don't panic,” sagot ni Mr. Smith.
“Kaya ba naghihigante ka? At ang paraan ng paghihigante mo ay ang paibigin kami ng anak ko sa 'yo?” Patuloy ng nasa recorder.
“Oo, at sisirain ko ang buhay mo at ng pamilya mo, sisirain ko ang repustasyon niyo!”
Napatigil ang lahat ng may ilang mga armadong kalalakihan ang pumasok sa loob ng conference room. Mga uniformado ang lahat, mga pulis iyon.
“Mr Rafael Madrigal, may warrant of arrest kami. Ikaw ay inaaresto sa salang panggagahasa, panbubugbog at pagpatay kay Magda Reyes at pagdukot kay Veronica Saavedra. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili,” anang pulis matapos ipakita ang warrant of arrest.
“No!”
NAGKAKAGULO SA LOOB, nang lisanin ni Vince ang conference room. Narinig niya lahat ng sinabi ni Veronica, naroon siya para sana itanong sa ama ang kumg nasaan si Veronica. Pero hindi niya inaasagan na iyon ang maabutan niya.
Nangingitngit ang kalooban niya, dahil sa narinig mula kay Veronica. Ang pagmamahal pala na pinapakita nito ay parte lang pala ng paghihigante niya. Lahat peke.
Habang sakay ng minamaneho niyang kotse ay binaybay ni Vince ang daan patungo sa lumang mansion na pag-aari ng kan'yang lolo at lola na magulang ng Mommy niya. Nalaman niya mula sa GPS ang kinaroroonan ni Veronica. Sinubukan niya itong tawagan kahapon pero laging napuputol kapag nagri-ring na. Ngayong alam na niya ang kinaroroonan nito ay kailangan niyang maunahan ang mga pulis sa pag-rescue kay Veronica.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan ng makarating at makapasok sa loob. Nawala na rin ang signal ng kaniyang cellphone kaya hindi na niya matunton ang kinaroroonan ni Veronica.
Inisa-isa niya ang mga kuwarto sa itaas at sa ibaba pero hindi niya nakita si Veronica.
Hanggang sa napatigil siya ng may marinig na mahinang kalabog sa kung saan. Pinakinggan niya ang pinanggalingan ng mga kalabog na nagpapatuloy pa rin. Hanggang sa dumako siya sa isang pinto sa gilid ng hagdan.
Mabilis niya itong nilapitan at binuksan, tanging hagdan lang ang nakikita niya paibaba. Nagpatuloy pa rin ang kalabog, kaya naman bumaba na siya. Habang papalapit soya palakas rin ng palakas ang kalabog na animo may sinisira sa loob.
Gamit ang liwanag ng kaniyang cellphone ay nakita niya ang isa pang pinto. Naka-padlock iyon, at doon nga nanggagaling ang kalabog. Naghanap siya ng bagay na puwedeng gamitin para masira ang padlock, sakto namang pag-angat ng mukha niya sa ibabaw ng pinto ay may fire extinguisher roon, mabilis niya iyong kinuha at punukpok sa padlock hanggang sa masira iyon.
Bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang namumutlang si Veronica habang nakaupo sa sahig. May pasa ang gilid ng labi nito at putok rin ang gitnang labi. Kahit na masakit ang ginawa nito ay hindi pa rin niya maiwasang maawa rito, mukhang nanghihina na ito.
“V-vince…” anas ni Veronica sa nanghihinang boses saka pinilit na tumayo, pero muli siyang natumba na mabilis namang dinaluhan ni Vince.
Hindi na nagsalita si Vince at inakay na niya ito palabas ng lugar na iyon na walang imik.
Nang makapasok na sila sa kotse at nang makita ni Veronica ang isang bottled water sa harap ng sasakyan ni Vince ay agad niyang kinuha iyon dahil sa matinding uhaw na nararamdaman niya. Kahapon pa siya walang kain at walang tubig.
Pagkatapos ng sagutan at pasakitan nila ni Rafael ay hindi siya nito binigyan ng pagkain o tubig man lang nang umalis ito kahapon.
Napatingin si Veronica kay Vince habang minamaneho nito ang kan'yang sasakyan. Nagtataka siya sa pakikitungo nito sa kaniya, wala man lang siyang narinig na mga tanong o 'di kaya makitang pag-aalala sa mukha nito. Blanko lang mukha nito mula ng ilabas siya nito sa underground ng lumang mansion.
“Narinig na kaya niya ang narecord ko na pag-uusap namin ni Rafael kahapon?” tanong niya sa isip.
“Marahil, oo,” sagot ng isang bahagi ng isip niya.
Napabuntong hininga na lamang siya saka binaling ang tingin sa labas ng bintana. Pero natigilan siya ng mmapagtantog hindi familiar ang daan na dinaanan nila. Imbis na iuwi siya nito sa bahay niya ay ibang daan ang binabaybay nila.
Nakaramdam ng kaba si Veronica, napalingon siya kay Vince. Madilim ang mga titig nito at malamig ang atmosphere nila.
May binabalak si Vince, alam niya.
“V-Vince?” twag niya rito, pero hindi pa rin ito natitinag at nanatili lang ang mga mata nito sa daan. Nakikita niya rin ang paghigpit ng pagkakahawak ni Vince sa steering wheel ng kotse at ang pagkuyom ng panga nito.
“Vince, saan mo ba ako dadalhin?”
“Paano kung gawin ni Vince ang ginawa rin ng ama niya sa akin? Paano kung saktan niya rin ako?”
Wala pa ring imik si Vince, bagkos ay mas binilisan pa nitoang pagpapatakbo ng sasakyan.
“Vince ano ba!”
“Shut up!” Ganting sigaw nito na kinasinghap ng dalaga.
Kung gaano ka nakakatakot ang sigaw ni Rafael ay doble ang takot ni Veronica sa sigaw ni Vince. Wala siyang magawa kun'di manahimik at hintayin kung kailan hihinto ang kotse.
Talagang galit na si Vince sa kan'ya at nasasaktan siya sa isiping iyon. Hindi niya alam kung bakit pero takot siya sa isiping galit si Vince sa kaniya.
After a several minute ay huminto ang kotse na kinalululanan nila sa isang beach resort. Walang tao roon kahit isa, tahimik at tanging hampas ng alon at huni ng ibon ang maririnig sa buong paligid.
Pinagbuksan siya ni Vince ng pintuan at kinaladkad siya papasok sa dalawang palapag ng bahay.
“Vince sandali, dahan-dahan lang naman…” napatigil si Veronica ng huminto si Vince at hinarap siya.
Naroon pa rin ang nakakuyom na panga nito at ang malamig na titig.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Mahigpit ang paraan ng pagkakahawak roon ni Vince kaya napangiwi si Veronica. Dahil masakit rin ang bandang iyon dahil sa pasa na dulot ng ginawa ni Rafael. Ganoon rin siya nito hinawakan.
“Hayop ka Veronica, minahal kita lahat ng pagmamahal ko binigay ko sa 'yo. Pero bakit pati ako? Bakit pati ako kailangang madamay?”
Bawat katagang binibitawan ni Vince ay katumbas niyon ang animo libo-libong punyal na tumarak sa puso ni Veronica. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit na bumalatay sa mukha ni Vince.
Pero bakit? Bakit siya nasasaktan? 'Di ba dapat masaya siya dahil naging miserable na si Vince?
Mas diniinan pa lalo ni Vince pagkakahawak ng magkabilang braso niya kaya hindi na niya matiis at dumaing na siya.
“Ah.”
Napalunok siya dahil sa sakit, nanginginig rin ang kamay niya. Hindi pa rin siya binibitawan ni Vince kaya napapikit na lamang siya. Gusto niyang maiyak na lang. Naramdaman naman niya ang pagluwang ng pagkakahawak ni Vince, pagmukat niya ay nakita niya itong nakatitig sa braso niya. Nakita rin niya ang pag-iiba ng expression ng makita ang pasa niya, pero bumalik rin iyon sa dati agad.
Hinatak siya ni Vince paakyat sa ikalawang palabag at ibinalibag sa kama nang makapasok sila sa isa sa mga kuwarto roon.
“Bakit kailangan kong madamay sa galit mo!?” biglang sabi nito sa galit na boses.
Namumula na ang mga mata ni Vince dahil sa luhang pilit niyang pinipigilan.
“Dahil walang kasing sakit ang ginawa ng ama mo! Kailangan mong madamay dahil anak ka niya, kailangan mong masaktan dahil anak rin ako na nasaktan nang pinatay niya ang Nanay ko!” Paiyak na sigaw ni Veronica. “Kailangan mong madamay dahil isa ka ring Madrigal!”
“That is the most stupid bullshit explanation I have ever heard!” Napahilot si Vince sa kaniyang sentido matapos sabihin iyon.
Napahagulhol na rin si Veronica, naguguluhan siya sa kaniyang sarili kung bakit sobrang sakit at pagkalito na ang nararamdaman niya ngayon.
Lalo ng makita niya ang luhang naglandas mula sa mga mata ni Vince. Parang pinipiga ang puso niya.
“Habang buhay kung pagsisisihan na nakilala kita. Na pinagpalit ko si Xandra sa isang katulad mo! Na pinagpalit ko ang taong tunay na nagmahal sa akin ng isang katulad mo! Minahal kita, Veronica alam kong ramdam mo iyon.” Vince gritted his teeth.
Napangiti ng mapakla si Vince saka sinalubong ang hilam sa luha na mga mata ni Veronica.
“Siguro pinagtatawanan mo ako habang nakikita akong hulog na hulog sa 'yo. Siguro ang saya-saya mo nang pinili kita. Bakit ako Veronica. Bakit? Si papa ang may kasalanan hindi ako.” Sunod-sunod na muling pumatak ang luha ni Vince.
Sunod-sunod na kurot rin sa puso ang naramdaman niya.
“I'm sorry, Vince.” Tanging sambit ni Veronica, hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin.
“Sorry? Hindi ko alam kung totoo ba iyang sorry mo o parte lang iyan ng lahat ng kasinungalingan mo. Hindi ko na alam ang totoo, Veronica! Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa lahat ng pinakita mo. Isa akong malaking tanga na nahulog sa bitag mo!”
Napahagulhol si Veronica habang ramdam ang pagsisisi sa kaibuturan ng kan'yang puso.
“Pero nangyari na ang nangyari,” muling tumitig sa mga mata ni Veronica ang malamig na titig ni Vince.
Isa-isang hinubad ni Vince ang kaniyang samplot na kinagulat ni Veronica.
“A-anong gagawin mo?”
Takot ang bumalatay sa puso ni Veronica sa mga sandaling iyon.
Alam niya ang gustong mangyari ni Vince hindi siya tanga, pero paano kung malaman ni Vince na pati ang nangyari sa kanila ay peneke rin niya. Mas lalong magagalit si Vince sa kaniya.