The sound of the telephone rang in the whole mansion, so the maid immediately answered the call.
"Hello, Arceo's Residence---" napatigil sa pagsasalita ang katulong nang mag salita ang nasa kabilang linya.
"Hello Yaya Felli!" sagot ng kaniyang amo mula sa kabilang linya.
"O' Ma'am Shea, napatawag po kayo? Ah! Uuwi napo ba kayo at magpapasundo dahil 8th Birthday na ni baby girl Shantelle bukas Ma'am?" masayang sambit ng yaya.
"I know Yaya Felli. Time flies so fast. Malapit na ulit mag birthday si Shantelle nang wala kami ng Dad niya." the woman over the phone sighed.
Agad namang nabuo ang lungkot sa mukha ng katulong.
"Hala ma'am, bakit po? Di na naman po ba kayo makakauwi?"
"Yes. We're really sorry for our baby, Shantelle. But we really have a lot of business meetings and appointments overseas. And those are very important to the company."sagot ng babaeng kausap ng katulong na siyang ina ni Shantelle.
"Naku ma'am, ano pong sasabihin ko kay Shantelle? Siguradong malulungkot po iyon."nag aalalang sambit ng katulong. Naawa siya sa alaga niyang si Shantelle dahil palagi nalang itong mag isa.
"Yaya Felli, dahil wala kami diyan ng asawa ko.. Gusto sana namin na ikaw nalang ang mag asikaso ng birthday party ni Shantelle. Kahit wala kami diyan gusto parin naman namin na maging masaya siya sa birthday niya." sambit ng amo niya. Halata ang lungkot sa boses nito. Hindi rin nila gustong iwan ang anak.
"Hala Ma'am, bakit po ako? Wala po akong alam sa gano'n Ma'am Shea." paliwanag ng katulong.
"It's because you are her personal Yaya and beside we have a trust in you."
"Pero Ma'am--"
"No buts, Yaya. Tommorow, Secretary Hong will going to give you the money for the party. Galingam mo, Yaya ha? Make our Shantelle happy.."
Napakamot na lamang ang katulong sa batok niya bago napatango. "Okay po. Don't worry Ma'am. Ako napo ang bahala kay Shantelle."
"Great! So, paano. I need to hang up. Goodbye." sambit ng kaniyang amo sa kabilang linya at naputol na ang tawag.
The maid just sighed after the telephone call. She was sad for Shantelle. Nalulungkot siya para sa alaga niya dahil tatlong taon na nitong hindi nakakasama ang mga magulang. Nalulungkot din siya para kay Shantelle dahil bulag ito, mula ipanganak si Shantelle ay hindi na ito nakakakita kaya naman sabik ring makahanap ng eye donor ang mag asawang Arceo para sa kanilang nag iisang anak.
"Yaya Felli, is that mommy?"agad namang napalingon ang katulong ng marinig ang boses ni Shantelle.
Mukhang kakagising lamang nito. She was wearing a blue pajamas and hugging the blue teddy bear while looking straight at nothing because she was blind
"O' baby girl gising kana pala! Ano, nagugutom kaba? Nauuhaw kaba? Do you want apple juice, cereals, chicken nuggets, bacon or milk lang?"
"Yaya sagutin mo po 'yung tanong ko, is that mommy?" Shantelle raised her brow.
Napabuntong hininga na lamang ang katulong."Ahh e, Oo Shantelle. Si mommy Shea mo iyon."pag amin niya.
Biglang sumigla ang mukha ni Shantelle."Really? Anong sabi niya Yaya? Uuwi na daw po ba sila ni daddy?"masayang tanong ng batang si Shantelle dahil sobrang miss na niya ang kanyang mga magulang.
"Ahh syempre ano paba? Edi kinukumusta ka."pagdadahilan ng katulong kaya napataas kilay si Shantelle bago kinapa ang dibdib ng katulong upang pakiramdaman ang t***k ng puso nito.
"You're lying Yaya Felli.. Just tell me what she said."pangungulit ni Shantelle. Wala namang nagawa ang katulong kundi sabihin ang totoo.
"Gusto nila na ako mag prepare ng party mo bukas baby girl."malungkot na sambit nito kaya nalungkot narin si Shantelle.
"You mean they're not going to attend to my birthday? Again?" malungkot na tanong nito. Nag simula nang maiyak si Shantelle.
"Oo baby girl. Sorry. Kailangan nila mgtrabaho para sa'yo.. Pero andito naman si yaya, e. 'Wag kana umiyak please." pang aalo ng katulong nang makitang may luha nang naglandas sa magkabilang pisngi Shantelle.
"Its okay Yaya. Don't be sorry. Hindi mo naman po kasalanan.." sambit ni Shantelle. Patuloy parin ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi nito.
"Pero malungkot ka, e. Kaya malungkot rin ako." sambit ng katulong habang pinapahid ang mga luha ni Shantelle.
Shantelle smiled bittersweetly."Sige na. 'Di na ako iiyak, Yaya."
"Syempre. Big girl kana e. Naku, big girl na ang alaga ko."nakangiting sambit ng yaya bago pinisil ang magkabilang pisngi ni Shantelle.
"Big girl na ako but you're still calling me baby girl. Medyo magulo ka po, Yaya Felli." natatawang napakunot noo si Shantelle.
Natawa nalang din ang katulong. "Haha ikaw talaga, lika na nga pag usapan na natin yung birthday party mo habang nagbebreakfast ka."
"Yaya, I don't want to have a party."walang ano ano'y sambit ni Shantelle. Agad naman napaharap sa kanya Si Yaya Felli na abala sa pag pe-prepare ng breakfast niya.
"Huwat?!"sigaw naman ng yaya bago inilapag ang gatas sa harapan ni Shantelle." Anong 'I don't want, I don't want ka diyan. 'Di pwede no, utos 'yun ng mommy mo."
"Pero Yaya, hindi mo ba nakikita, I don't have any friends.. So, sino aattend ng party ko?" malungkot na paliwanag ni Shantelle bago kinuha ang baso ng gatas na tinimpla ng Yaya niya.
"Hay nako bulag ka talaga. Ako 'di mo ba ako friend?"
Shantelle shook her head."Nah.. You're not my friend."
"Awts!" Daing ng yaya na kunwari'y nasaktan sa tinuran ni Shantelle.
"You're not my friend because you are my yaya. And my best friend." Shantelle stated.
"Ayieee ang sweet naman ng alaga ko."nakangiting sambit ng katulong.
"Sheesh. I'm not sweet, cute kaya ako."
"Nako ikaw talaga. Tapusin mo na nga lang 'yang pag inom ng gatas ng mapag usapan na natin 'yung bonggang party mo."
The next day..
"What?!"hindi makapaniwalang bulalas ng ina ni Shantelle mula sa kabilang linya matapos masabi sa kaniya ni Yaya Felli na ayaw ni Shantelle ng birthday party. Magkausap ulit sila ng katulong sa telepono.
"Ay nako ma'am, napa 'huwat' din po talaga ako nung sinabi 'yun ni Shantelle."kwento ng katulong.
"But yaya, it's gonna be a boring day for Shantelle if she doesn't want a party."wika nito.
"Ewan ko po ba kay Shantelle kung bakit palagi niyang ayaw magkaroon ng selebrasyon. May pera naman po, hays." napa face palm na lamang ang katulong.
The woman over the phone sighed. "Okay sige. Kung ayaw ni Shantelle magkaroon ng party diyan sa mansion edi ipasyal mo nalang siya. Ipasyal mo siya kahit saan niya gusto and just buy everything she wants."
"Okay po Ma'am Shea. Tutal nangako din naman po ako kay Shantelle na sasamahan ko nalang siyang ipasyal si Mocha sa park ngayon, ma'am."
"Okay i-greet mo nalang siya para samin yaya Felli ah? Ayoko naman kasing gisingin pa siya e. Sige na. I need to hang up."
"Bye ma'am."paalam ng katulong bago tuluyang naputol ang tawag.
***
"Yaya!" sigaw ni Shantelle upang tawagin ang kanyang yaya sa loob ng mansion.
She is currently in the garden in front of their mansion with her pet Mocha waiting for her Yaya Felli.
"O' ano ba 'yon Shantelle? Makasigaw ka naman. Hindi porque birthday mo ngayon e, magtataray kana." her Yaya said while raising a brow. Kakalabas lamang nito ng mansion.
"Ang tagal mo kasi Yaya. Kanina pa kami ni Mocha dito sa garden. What took you so long?" Shantelle asked while raising her eyebrow.
"Ang arte mo talaga bata ka. Nagpaalam lang naman ako kay Manang Reya na lalabas tayo at ipapasyal 'yang si Mocha." she explained. Kahit gaano pa kamaldita si Shantelle nakakaya naman niyang alagaan ito. Sa kaniya na ito lumaki. Hindi na nga siya madalas makadalaw sa pamilya niya sa probinsiya dahil hindi niya kayang iwan si Shantelle mag isa sa mansion.
Napairap nalang si Shantelle bago tumayo."Fine. Let's go na Yaya. Daliii."
Napabuntong hininga nalang ang katulong"Okay. Eto na nga, nalakad na."
***
"Yaya, nasa park nanpo ba tayo?" Shantelle suddenly asked. Pinakikiramdaman niya din ang paligid. She was holding a walking stick to support her in walking.
Ngumiti naman ang katulong habang hawak ang kamay ni Shantelle."Yes baby girl. Bakit?"
"Really? Pero bakit po sobrang tahimik dito? Is there any people out here?" kunot tanong ni Shantelle.
"Hays bulag ka talaga--"
"I know Yaya. You don't need to remind me that."
"Psh! Oo na. Basta kaya tahimik dito sa park kasi lahat mga bata dito nakikipag quality time sa mga pamilya nila. Lahat nga sila nag pipicnic, e." paliwanag ng katulong habang nakangiti at pinagmamasdan ang bawat pamilya.
"Hays, kung nandito lang sana si Mommy at Daddy. Edi sana hindi ako mag isa, katulad ngayon." malungkot na sambit ni Shantelle kaya naman lumuhod si Yaya Felli sa harapan niya upang maging kapantay niya si Shantelle at mayakap ito. "Thank you Yaya Felli."napangiti na lamang ang yaya bago bumitaw sa yakap.
"Ikaw talaga. Halika nga, upo muna tayo doon sa bench. Tara dali. Si Mocha hawakan mo mabuti Shantelle." sambit nito.
"Yaya, I'm thirsty."sambit ni Shantelle ng makaupo sila sa bench.
"Sige. Anong gusto mo baby girl?"tanong naman ng Yaya habang pinagmamasdan ang buong parke upang malaman kung may malapit na tindahan silang mabibilhan ng pagkain.
"I want ice cream and juice."
"Ice cream? Hmm, teka.. Ayun!"sabay turo ng Yaya sa mamang sorbetero."Okay dito kalang Shantelle, bibili lang akong ice cream. Si Mocha ha, hawakan mong mabuti 'yung tali niya."
"Alright."
Makalipas ang sampung minuto bumalik ang yaya dala ang dalawang ice cream ngunit nagulat ito nang makita niyang umiiyak si Shantelle.
"Shantelle! Oh bakit ka umiiyak? Si Mocha?"aligagang tanong ng Yaya ng makitang wala si Moca.
"Yaya.."nagpunas ito ng luha bago ng nagpatuloy sa pagsasalita."M-moca is missing yaya.. Nawala ko siya.."humahagulhol na sambit nito.
Agad naman siyang pinatahan ng Yaya at ibinigay ang ice cream.
"'Wag kanang umiyak, Shantelle.. Birthday mo pa naman ngayon tapos iyak ka ng iyak. Don't worry yaya will find Mocha, okay?" pang aalo ng katulong.
"Please yaya.." uumiyak na sambit nito.
"Okay. Dito kalang hahanapin ko si Mocha. 'Wag na 'wag kang aalis dito ha, Shantelle?" pakiusap ng Yaya na agad naman sinangayunan ni Shantelle.
Tumagal ng isang oras ang paghahanap ang paghahanap ni Yaya Felli kay Mocha. And because Shantelle was also worried about her dog Mocha, she took her stick and started to walk a little. She also wants to find Mocha. Dahil kasalanan niya kung bakit ito nawawala.
"Yaya!"sigaw ni Shantelle upang hanapin ang Yaya niya at si Mocha. Inip na inip na kasi siya at gusto na niyang umuwi. Nag aalala narin siya kay Mocha.
'siguro kung hindi ako bulag, hindi sana mawawala si Mocha.' sa isip isip niya habang naglalakad parin
"Yaya! Mocha---aray!"natigil siya sa pagsigaw ng may makabangga siya dahilan para mapaupo siya sa lupa. Sinubukan niya kapain ang walking stick niya pero ginawan niya magawa. Hindi niya alam kung saan napunta ang tungkod niya. Hindi niya ito makapa. Parang gusto nalang niyang umiyak. Galit siya sa sarili niya.
She was surprised and stopped what she was doing when she heard kids laughing around her
"Haha! Ah bulag!" natatawang sambit ng isang batang lalaki habang nakaturo sa kanya. Kaya naman pati ang iba pang bata ay simulan narin siyang kutyain dahil sa kapansanan niya.
"Nye nye nye nye! Bulag! Bulag!" nagsimula na siyang manliit sa kanyang sarili at humagulhol dahil sa ginagawang pangloloko sa kanya ng mga bata.
"Yaya!" sigaw niya upang humingi ng tulong.
"Hahaha yaya daw. Iyakin!"sabay tulak sa kanya ng isang batang babae. Shantelle became even more depressed when she heard that.
"Hoy, tigilan niyo 'yan!" isang batang lalaki ang dumating at ihinarang kanyang sarili sa mga batang nang aaway kay Shantelle.
"Hoy Lucian umalis ka nga diyan!" inis na sambit ng isang bata kay Lucian.
"Ayoko nga! Bakit niyo ba siya inaaway ha? Hindi niyo ba nakikitang bulag siya?"
"Trip lang namin. Bakit ba, 'wag ka ngang umepal!" sigaw pa ng isang bata.
"Hoy! Hoy! Kayong mga bata kayo, anong ginawa niyo sa alaga ko?" sigaw ng Yaya ni Shantelle ng madatnang pinalilibutan ng mga bata si Shantelle at ang isa pang batang lalaki. Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata at bumalik sa kani kanilang paglalaro.
"Yaya.." umiiyak na sambit ni Shantelle.
"Wala na sila, Shantelle. Tahan na." malungkot na sambit ng Yaya niya. Nawala lang ito saglit tapos may nangyari na kaagad kay Shantelle. Napansin naman ng Yaya ang batang lalaking nakatingin sa kanila na nakita niyang ito ang nagtanggol kay Shantelle kanina bago siya dumating.
"Toy salamat sa pagtatanggol mo sa alaga ko ah?" ngumiti naman ang batang lalaki.
"Walang anuman po." aalis na sana ito ng biglang magsalita si Shantelle.
"Hey wait! Ano pangalan mo bata?"
Napangiti naman ang batang lalaki bago sumagot."Lucian. Lucian ang pangalan ko."
"Thank you, Lucian! I want to be your friend."masayang damnit ni Shantelle.
"G-gusto mo akong maging kaibigan?"hindi makaniwalang tanong ni Lucian.
Shantelle nodded."Oo naman. Pwede ba?"
"Ahh. Oo naman! Ano palang pangalan mo?"
"My name is Shantelle."nakangiting sambit ni Shantelle dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng kaibigan sa kabila ng kapansanan niya.
"Kinagagalak kong maging kaibigan ka, Shantelle. Pwede bang Shang nalang itawag ko sa'yo?"
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Shantelle. Pero pumayag din naman siya. Ngayon lang may nagbigay ng palayaw sa kaniya. "Why not."natatawang sambit ng batang si Shantelle.
Shantelle and Lucian became friends. They always go to the park and play together with her Yaya Felli. And sometimes Shantelle brings Lucian to their mansion to play. Wala namang tao sa mansion nina Shantelle kundi mga katulong at driver lamang kaya walang nagagalit kung magsama man si Shantelle ng kaibigan sa mansion nila kahit na ayaw na ayaw ng kanyang mga magulang nakikipagkaibigan siya sa mahihirap.
Sa araw araw na magkasama sina Shantelle at Lucian, mas lalo nilang nakilala ang isa't isa at mas naging malapit pa sila. Lucian was always there for Shantelle. Their day is not complete without seeing see each other. Naging masaya naman ang Yaya Felli ni Shantelle dahil nagkaroon na ng kaibigan ang kanyang alaga.
Until one day. People in the mansion didn't expect na ngayon pala ang uwi ng mag asawang Arceo. Sina Shea Arceo at Jared Arceo.
They caught Shantelle playing with a kid who looks like a beggar. Unang tingin pa lamang nila ay batid na nilang sa mahirap na pamilya ito nanggaling.
Nagalit ang mag asawa lalo na ang Ina ni Shantelle sa mga katulong kung bakit hinayaan nilang kaibiganin ni Shantelle ang isang hampaslupang kagaya ni Lucian. Ngunit sinabi ni Shantelle na siya may gustong maging kaibigan si Lucian. Shantelle's mother didn't believe her kaya naman minabuti nilang kausapin ang batang si Lucian.
'Layuan mo ang anak namin hijo. Hindi namin maatim na ang isang Arceo ay nakikipagkaibigan sa isang katulad mo lang. Mahirap ka 'diba? Kaya mo kina kaibigan si Shantelle. O'sige bibigyan ka namin ng Pera pati ang pamilya mo. Basta't layuan mo lang ang anak namin.'
Iyak ng iyak si Shantelle dahil Simula ng araw na iyon ay hindi na niya muling nakasama at nakalaro si Lucian. She had no idea why lucian didn't show up to her anymore. Even her Yaya Felli knew nothing.
Meanwhile. Lucian's mother didn't take the money offered by the Arceo. Pinilit lang nilang layuan ng kaniyang anak si Shantelle dahil kahit anong gawin nila ay iyon parin naman ang mangyayari dahil lilipat na ng tirahan sina Lucian. Ngunit iba pala ang mangyayari sa iniisip ni Lucian.
"Lucian.. makinig ka sakin, may sakit ang kapatid mo at ito nalang ang naiisip kong paraan para maipagamot siya."paliwanag ng ina niya.
"Paraan? Ano? Ang ibenta ako, ma?!" pagsigaw na sagot ni Lucian habang umiiyak. Sampung taong gulang na siya ngayon kaya naiintidihan na niya kung ano ang nangyayari.
"Anak.. hindi kita ibinebenta! Para rin naman ito sa ikabubuti mo at ng kapatid mo, e!" sigaw ng ina ni Lucian na naiiyak narin.
"M-mama.. parang awa niyo napo.. 'wag niyo po akong ibigay sa kanila.. magtatrabaho nalang po ako.."umiiyak na pagmamakaawa ni Lucian. Ngunit kahit ano pang gawin niya'y buo na ang desisyon ng kanyang ina.
"Anak.. lagi mong tatandaan na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti niyo.. mahal na mahal ko kayo--"
"Sinungaling! Hindi niyo ako mahal!"sigaw ni Lucian bago ito tumakbo palayo.
"Lucian! Bumalik ka rito!"sigaw ng kanyang ina ngunit huli na ito dahil isang sasakyan ang nakabunggo kay Lucian..
Napahagulhol ang ginang ng makita ang sinapit ng anak niyang si Lucian. He was covered with his own blood. Wala rin itong malay.
Ngunit sa halip na tulungan at ipagamot si Lucian ng nakabangga sa kaniya'y. Hit and run ang naganap.
2 years had passed..
Shantelle and her Yays had a chance to visit Lucian. Shantelle wanted to see Lucian and talk to him for a moment. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit hindi na ito nagpakita sa kaniya. She miss him so much. Nadatnan nila ang ina ni Lucian ngunit nagulat sila sa sinabi nito.
'Umalis kana hija. Kalimutan mo narin ang anak ko dahil matagal na siyang patay.'
And that was the worst thing that ever happened to her life.. to lose her best friend...
***