Chapter 1

4518 Words
Chapter 1 9 years later.. Siyam na taon na ang nakakalipas simula nang mawala si Lucian. Pero 'yung mga alaala niya nandito pa rin sa puso't isip ko. Hindi na 'yun mawawala dahil naging malaking parte siya ng buhay ko. Siya kaunaunahang tao na nagustuhan ko. Hindi man siya ang unang tao na nagparamdam sa'kin na mahalaga ako. Siya naman ang unang tao na nagustuhan ko. Sayang nga lang dahil maaga siyang nawala. Hindi na tuloy namin magagawa lahat ng pangako namin sa isa't isa. Ang sabi niya sa'kin hindi niya ako iiwan pero masyadong malupit ang tadhana para sa'ming dalawa. Kinuha siya sa'kin kaagad. Sabagay, wala naman akong magagawa. Hindi ko naman hawak ang buhay ng isang tao. Siguro hindi talaga kami ni Lucian ang para sa isa't isa. Ang hirap niyang kalimutan. Napakadaming alaala tungkol sa kaniya ang palaging nag pa-flashback sa isip ko. Hindi ko man nakita ang itsura niya, pero 'yung boses niya kilalang kilala ko. Palagi ko pa ring naririnig ang boses niya. Napapanaginipan ko rin siya minsan. Pero blurred ang mukha niya sa panaginip ko. 4 years ago, year 2016. 16 years old pa lamang ako noon nang ipadala ako ng mga magulang ko sa states upang maoperahan na ako dahil nakahanap na sila ng magiging eye donor ko. Sobrang saya ko noon, dahil sa wakas makakakita na ako. Sa wakas nakahanap na rin sila ng eye donor na napakatagal ko nang hinihintay. Pagkatapos ng operasyon ko nagpagaling muna ako ng ilang buwan tapos tsaka ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko sa states din. Ayaw pa kasi akong pauwiin ng mga magulang ko dahil mas advance daw ang medical treatment at machines sa ibang bansa. Apat na taon akong nagtagal sa states at masasabi kong hindi naging madali ang naging buhay ko roon. Hindi pa naman ako gano'n ka-fluent sa english kaya nahihirapan akong makipag usap sa mga tao roon. Hindi rin ako sanay na makisalamuha dahil nga lumaki akong mag isa at nakakulong sa loob ng mansion namin sa Laguna. Sa states na rin ako nagcelebrate ng 18th birthday nang hindi kasama ang mga magulang dahil pareho naman silang walang oras sa'kin. Mabuti nalang at nagkaroon ako ng mababait na kaibigan doon. Marami akong natutunan sa kanila. Sila ang naging karamay ko sa lahat ng naging problema ko. Sobrang laki ng utang na loob sa lahat ng mga kaibigan ko roon. Sana lang magkaroon ulit ako ng oras at mabisita ko sila. Napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ko ang announcement ng piloto at ng cabin crews. Lumapag na pala ang eroplanong sinasakyan ko dito sa pilipinas. After 4 years, nakauwi na rin ako sa wakas. Namiss ko ang amoy ng hangin dito. Nakakatuwa rin dahil sa wakas makikita ko narin ang lugar kung saan ako nagmula. Nang makalabas na ako ng eroplano agad akong napangiti nang makita ang itsura ng airport dito sa pilipinas. Wala namang nakakamangha dito, masaya lang ako dahil sa wakas nakikita ko na lahat. Tinanggal ko ang suot kong shades at isinabit iyon sa damit ko. Inayos ko rin ang mahaba at itim kong buhok na pinag aksayan ko pa ng oras na i-curl kanina. "Mommy look! She's pretty! Her hair is so long and shiny!" Napukaw ng atensiyon ko ang isang batang babae na naglalakad papalapit sa gawi ko habang nakatingin ito sa'kin. Kapit na kapit ito sa kamay ng mama niya habang hawak hawak ang isang kulay dilaw na stuffed toy. Ang cute rin ng suot nitong pink na summer dress at white sandals. Bagay na bagay sa maliit niyang height. Nginitian ko ang bata at tinanguan ang ina nito nang makalapit sila sa direksiyon ko. Yumukod ako. "Thank you. You're also pretty and adorable. I love your smile." "Thank you!" she giggled. "I look like like a princess, right?" she smiled wider. Kitang kita ko tuloy ang maliliit niyang mga ngipin. Ang cute lang. Agad akong tumango at ngumiti. "Yes, you are." Matapos ang saglit kong pakikipagkulitan sa bata nagpaalam na sila sa'kin dahil bigla dumating ang isang lalaki na kamukhang kamukha ng bata. I think it's her father. Naglakad na sila palayo sa'kin habang kumakaway pa ang batang babae sa'kin habang karga karga siya ng papa niya. Napangiti nalang ako at kumaway nalang din pabalik. "They look like a complete and happy family.. I'm so jelous.." I smiled, bittersweetly. Napabuntong hininga na lamang ako bago itinuon ang atensiyon ko sa unahan. "Hello, Philippines. It's good to be back.. or not?" I shrugged and just grabbed my two expensive luggage beside me. Hindi na dapat ako nag eemote ngayon. Dapat nga masaya ako ngayon dahil nakikita ko na ang lahat. Hindi na ako bulag. Hindi na ako pwede api-apihin. Nakakakita na ako.. Maglalakad na sana ako nang bigla tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at agad na sinagot ang tawag. "Mom?" Napangiti ako. "Nasa airport kana ba, Shantelle? Welcome back, anak." sambit nito mula sa kabilang linya. Mukha namang masaya ang tono ng pananalita niya. I really miss her. Apat na taon ko ring hindi nakasama ang mga magulang ko. Sana naman ay namimiss din nila ako. Panay video call lang kami ni Mom at ni Yaya Felli sa tuwing naho-home sick ako roon. Madalas si Yaya Felli ang kausap ko dahil busy naman lagi ang mga magulang ko. How sad. Hindi na sila nagbago. Puro parin sila trabaho. Si Dad naman kasi, hindi kami gano'n ka close. Napakaseryosong tao kasi no'n. "Yes, I'm still inside. I miss you, Mom." I smiled. "By the way, who's going to pick me up?" I asked. Wala pa kasi akong nakikita ni isa sa kanila. O, baka naman wala talaga silang balak na sunduin ako? Noong ipinadala nga nila ako sa states hindi man lang nila ako pinakaabalahang ihatid sa airport, e. Si Yaya Felli ang naghatid sa'kin pati ang driver namin. "Your Dad, wala pa ba siya diyan? Maaga siyang umalis dito para sunduin ka dahil may meeting pa siyang pupuntahan later. Alam mo naman, masyado kaming busy sa business industry. Mabuti nga at nagkaroon pa ng oras ang isang 'yon na sunduin ka, e. Kasi ako wala talaga. Palaging full ang schedule ko." she explained. I sighed and nodded. Alam ko naman. Ano bang magagawa ko roon? "He's not here yet. Baka natraffic po. I'll just wait outside, Mom." sagot ko. Sana'y na naman kasi ako na wala silang oras sa'kin. Nag iisang anak lang nila ako pero hindi nila ako mabigyan ng sapat na atensiyon. All these years, wala silang ibang inaatupag kundi business. Hindi pa ba sila kuntento sa laki ng pera na nahahawakan nila? Isa na ang pamilya namin sa pinakamayaman dito sa bansa. Millonaire kumbaga. Minsan ko nga ring nakita si Dad sa isang show sa TV, e. Gustong malaman ng mga reporter kung paano ito naging successful sa buhay. Madali lang, nilunod niya lang naman ang sarili niya sa trabaho sa loob ng mahabang panahon at hindi inintindi ang pamilya niya. "Okay, see you later, honey." tipid na sagot nito. "See you, I love--" Napatigil ako sa pagsasalita nang tanggalin ko ang cellphone sa tainga ko at marealize na in-end na pala ni Mom ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako. Kinuha ko nalang ulit ang dalawang maleta ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng airport. Nagpalinga linga ako sa buong paligid nang makalabas ako. Wala pa rin si Dad. Ano kayang nangyari roon? Natraffic nga kaya? Maaga pa naman. Madaling araw palang kasi nagbook na ako ng flight sa states, e. At tsaka hindi pa naman traffic kapag ganitong oras. Nakatayo lamang ako sa labas habang pinagmamasdan ang mga tao. Nakita ko ang ilan sa kanila na sinundo sila ng pamilya nila, ang ilan pa nga ay may hawak na banner. Malungkot akong napangiti. Naiinggit ako. Kakaunti lamang ang memories na mayroon ako kasama ang pamilya ko. I grew up alone with blindness. Maraming taon akong namalagi sa loob ng mansion namin, mag isa. Sa loob ng mansion nga rin ako nakapag aral noong bata pa ako dahil sa kondisyon ko. My parents just hired a tutor for me. Gaano kahirap para sa'kin iyon. Nag aaral ako kahit na wala akong nakikita. Kung hindi lang talaga strict at mataas ang standard ng mga magulang ko hinding hindi ko pahihirapan ang sarili ko na mag aral. Ang hirap kaya. Naalala ko tuloy noon, iyak ako ng iyak dahil hindi ko maintindihan 'yung itinuturo sa'kin ng tutor ko. Paano ko naman maiintidihan kung hindi ko nakikita 'di ba? Pero dahil sobrang strikto ni Dad, pinilit niya akong intindihin ang lahat ng itinuturo sa'kin. Kulang na nga lang ipalunok niya sa'kin 'yung libro, e. Hays. Palagi akong nakakatanggap ng sigaw noon galing kay Dad sa tuwing sinasabi ko na hindi ko alam ang sagot. Ang sabi niya sa'kin, paano raw niya ipagkakatiwala sa'kin ang kumpanya ng pamilya namin kung tanga ako at iyakin? Paano ko raw maihahandle ang isang malaki at sikat na kumpanya kung simpleng equation lang ay hindi ko magawang i-solve. Wala akong magawa noon kundi umiyak nalang. Ang bata ko pa noon pero 'yung gustong ipaintindi sa'kin ni Dad ay pang adult na. Hirap na hirap ako ng mga panahong iyon. Nagpapasalamat na nga lang din ako at naipadala ako sa states. Atleast doon, walang pupuna sa lahat ng ginagawa ko. Walang kokontrol. Walang manenermon. Pero kahit na gano'n si Dad, thankful pa rin naman ako sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ako magsusumikap mag aral ng mabuti. Hindi ko rin kakayanin na tumayo sa sarili kong paa. Yes, 'yung perang ginagastos ko ay galing parin sa kanila. Buwan buwan nila akong pinapadalhan ng pera o kaya kapag kailangan ko. Wala namang kaso sa kanila iyon, pera lang namin kasi ang kaya nilang ibigay sa'kin. Years had passed, pero ganoon parin ang mga magulang ko. Palaging wala. Palaging abala sa trabaho at kung ano ano pa. Dahil doon, nasanay na rin ako. I'm used to be alone. Alam ko naman na they're trying their best to be a good parents who can provides all my needs. It's fine, I understand. Naroon 'yung tampo ko para sa kanila dahil pakiramdam ko ay wala akong magulang. Wala akong ibang nakukuha sa kanila kundi ang pera nila na hindi ko naman kailangan. Pero mabuti nalang at nasa tabi ko si Yaya Felli. Pinunuan niya lahat ng pagkukulang ng mga magulang ko sa'kin. Natigil ako sa pag iisip nang tumunog ulit ang cellphone ko. This time, it was a text. From: Dad I can't pick you up, Shantelle. I'm sorry. May biglaang meeting lang sa company. Just book a grab or a taxi. I blinked and scratched my nape a little. As I've expected. Hindi na dapat ako umasa na masusundo ako ni Dad. Habang lumalaki ako, mas lalong naging bihira ang pag uusap namin ni Dad. Nag uusap lang siguro kami tungkol sa studies o mga importanteng bagay. Sobrang seryosong tao kasi ni Dad. Kaya kapag may problema ako sinasarili ko nalang o kaya naman ay kay Yaya Felli ko sinasabi. Alam ko naman kasi na hindi ako pagtutuunan ng pansin ng mga magulang ko. Minsan ko narin naisip na baka ampon ako. Haha. Chos. To: Dad It's okay. Take care, Dad. Nagpasiya akong mag taxi nalang. Actually, pwede ko namang i-text si Yaya Felli upang magpasundo pero 'wag nalang. Alam ko naman na maraming ginagawa si Yaya. Noong nawala kasi ako namatay si Manang Rhea na head ng helpers sa mansion. Lumipat sila ng bahay pagkatapos si Yaya Felli na ang naging head ng helpers. Matagal na rin naman siyang naninilbihan sa pamilya namin. Mula nang magkaisip ako ay naririnig ko na ang boses niya. Hinila ko ulit ang dalawang maleta ko upang pumunta sa taxi station but I was really surprised when someone accidentally ran into me. Causing me to fall down and sat on the cold floor. Nabitawan ko rin ang cellphone ko dahil doon. Napangiwi ako dahil sa labis na sakit na nararamdam sa likot at pwetan ko. Naiinis akong nag angat ng tingin sa lalaking naka bangga sa'kin. Parang gusto ko nalang makasapak ng epal ngayon. "How dare you.. Bakit ba hindi ka nag iingat?!" singhal ko kaniya. Nakatayo siya harapan ko at walang emosyong nakatingin sa'kin. He was wearing a black hoddie with a white shirt inside and a pair of ripped maong pants partnered with white shoes. May suot suot din siyang puting earphone sa magkabilang tainga niya habang ang mga kamay naman niya ay parehong nakalagay sa loob ng bulsa ng hoddie niya. "Sorry." walang emosyong sambit nito. Inilabas niya ang isang kamay niya sa bulsa niya at inilahad iyon sa'kin. Ngunit imbis na tanggapin ko ang kamay niya ay inirapan ko siya. 'Yung irap na pang maganda. Dahan dahan kong itinayo ang sarili ko at matapang na hinarap ang lalaki. "Sorry?! Pagkatapos mo akong banggain nang gano'n?! It hurts!" reklamo ko sa mukha niya. Pinagbagan ko pa ang suot kong pantalon. Tinanggal niya ang isang earphone sa tainga niya at kunot noong tumingin sa'kin. "Sorry, I'm going. Nagmamadali kasi ako." sambit nito at nilampasan na ako. I clenched my fist in anger at galit na nilingon ang lalaki. "Hoy! Teka!" pigil ko sa kaniya. May ilang tao narin dito sa airport ang nakatingin sa'min ngunit wala akong pakialam. Aba, sino itong lalaking ito at anong karapatan niyang talikuran ako ha?! Gusto ata niya masapak, e. Tumigil naman ito at nilingon ako. "Yes? Nag sorry na ako. What else do you need?" he raised a brow na siyang napakulo ng dugo ko. What else do you need, my ass. "Kailangan?! What?! Syempre mayroon! 'Wag mo akong lampasan dahil kinakausap pa kita!" nanggagalaiting sigaw ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman ito bago inis na lumapit sa'kin. "What is it? Tell me. Sinabi ko naman sa'yo nagmamadali ako. Wala akong oras para makipagtalo sa mga katulad mo." tinatamad na sabi nito bago sumulyap sa wrist watch niya. Nag init naman ang buong mukha dahil sa sinabi niya. Seriously?! Siya na nga itong nakabangga sa'kin tapos pa itong may ganang mainis? Wow ha! Napakaangas naman niya! Sarap ipakain sa kaniya 'yung suot niyang earphone! "Wha the hell! Ikaw na nga itong may kasalanan, e! Bakit ba nagagalit ka? Damn, look what you've done to my phone! Dahil sa'yo nasira at nabasag, tsk!" I complained. Sinuklay ko pataas ang buhok gamit ang mga daliri ko bago siya inirapan. "I just need a proper sorry! Bakit ikaw pa itong may ganang mainis?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin naman ito sa cellphone kong nakakalat sa sahig. Basag na screen no'n at nagpapatay buhay pa. Nakakainis! Regalo 'yon sa'kin, e! Hindi naman gano'n kamahal iyon but that's an important thing to me. Tumango ito bago ibinaling ulit sa'kin ang atensiyon. "Okay. Sana sinabi mo agad." Napakunot noo ako nang lapitan ako ng walang modong lalaki at ilabas ang makapal nitong wallet. "What?" I raised a brow. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin. Magbibigay ba siya ng calling card parang kung sakaling naipayos na niya ang cellphone ko ay mako-contact niya ako? Well, no thanks. Kayang kaya kong ipayos iyon. Ang kailangan ko ngayon ay ang proper sorry niya dahil-- Naglabas siya ng lilibuhing pera sa wallet niya. "Here." walang emosyon niyang sambit bago inilahad ang pera sa harap ko. "Sabihin mo lang kung kulang pa, dadagdagan ko." Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko. "The heck? I don't need your---hey!" sigaw ko nang isaboy niya ang pera sa mukha ko. Nahulog iyon lahat sa sahig. "What the hell. Sira ba ulo mo? Bakit ka nagtatapon ng pera? Nag iinsulto ka ba?! Hindi pera ang kailangan ko!" singhal ko sa kaniya. Sa sobrang inis ko'y parang gusto ko nalang siyang sakalin! Anong trip niya at sinabuyan niya ako ng pera sa harap ng maraming tao?! Nabuo ang ngisi sa manipis niyang labi. "I doubt it. Sige na, 'wag ka nang mahiya. Pulutin mo na isa isa 'yung pera. Tutal 'yan naman talaga ang kailangan mo--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at agad ko na siyang sinampal. Madali kong pinulot ang pera sa sahig at pinunit iyon sa pagmumukha niya. Halata ang gulat sa mukha niya ngunit wala akong pakialam. Wala rin akong pakialam kung pera niya 'yung pinunit ko. "Pangit!" inirapan ko ito bago naglakad upang kunin ang cellphone ko. Hindi ko na nilingon ang lalaki at agad na akong pumunta sa taxi station dala ang mga maleta ko. Nag walk out na ako dahil kung hindi ko pa iyon gagawin baka hindi ko mapigilan ang konsensiya ko at palitan ko ang pera niya. Mabuti nalang hindi ko iyon ginawa. Pagkarating pagkarating ko sa bahay. Nakasimangot kong mukha ang agad na sumalubong sa lahat ng tao sa mansion. Lahat sila binati ako ng 'Welcome back, Ma'am.' pero hindi ko sila pinansin. Wala akong ganang makipag plastikan ngayon dahil nababadtrip parin ako sa kupal na lalaking nakaaway ko kanina sa airport. How dare he? Anong karapatan niyang tapunan ako ng pera sa harap ng maraming tao? Hindi ako bayaran 'no! "Shantelle! Aba nandito kana pala." masayang sambit ni Yaya Felli na kakababa lamang ng hagdan bitbit ang vacuum cleaner. Inihimpil niya muna ang vacuum bago ito lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Kamusta? Namiss kita ng sobra! Wala ka bang pasalubong sa'kin?" natatawang sambit niya. "Ang laki mo na, ah! Parang dati karga karga pa kita." dagdag pa niya. Napangiti nalang ako dahil sa tawa ni Yaya. Marami na siyang puting buhok at halata na rin ang katandaan niya. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko'y nasa kwarentahan na siya. Medyo kaedaran lang niya ang parents ko pero dahil mabigat ang trabaho ni Yaya dito sa mansion nagmumukha siyang mas matanda kaysa kila Mom at Dad. "Namiss din kita, Yaya. Sobrang nakaka homesick sa states. Mabuti nalang pinayagan na ako ni Dad na umuwi. 'Yung pasalubong nando'n sa maleta ko. Chocolates at keychains lang naman iyon dahil tinatamad akong mamili. I feel so tired during the whole flight." I sighed. Isinandal ko ang likod sa headboard ng sofa bago pinagmasdan ang kabuuan ng buong bahay. Ngayon ko lang nakita ang itsura nito sa personal. Maganda naman pala at malaki. May pagkaluxurious din ang dating. Ibang iba ang atmostphere dito kaysa doon sa dati naming bahay sa Laguna. Kamusta na kaya mansion na iyon? Parang gusto kong pumasyal doon. Hindi ko pa nakikita ang itsura no'n, e. Ang dami kong hindi alam. Hays. "Yaya, kamusta nga pala 'yung bahay sa Laguna? Ipinagbenta naba iyon nina Dad at Mom?" curious na tanong ko. Sana naman ay hindi. May plano kasi talaga ako na dumalaw doon pagkauwi ko. Balak ko ring dalawin ang pamilya ni Lucian. Gusto ko silang kamustahin. Siguro kapag hindi ako busy. Magpapasukan na rin kasi at kailangan ko nang asikasuhin ang papers ko. Saan naman kaya ako mag e-enroll? Yaya shook his head. "Hindi. Pero may plano silang ibenta 'yon. Masyado pa kasi silang busy sa ngayon. Bakit hija?" Nagkibit balikat ako. "Wala naman. Hindi ko pa kasi nakikita ang itsura no'n. Doon ako lumaki. Doon ko rin nakilala ang kaisa isang kaibigan kong si Lucian.. Naalala mo pa ba siya Yaya? Siguro naman may picture ka niya.. Matagal ko nang gustong malaman ang itsura ni Lucian, e. Childhood crush ko pa naman 'yon. Nakakatawa lang dahil nagkagusto ako sa kaniya kahit hindi ko pa naman nakikita ang itsura niya." napapangiti nalang ako habang nagsasalita. Bumabalik na naman kasi sa isip ko ang lahat ng pinagsamahan namin noon. "Sa sususunod, dadalhin kita roon sa mansion niyo sa Laguna. Pasensiya kana rin Shantelle pero wala akong litrato ni Lucian. Alam mo naman, walang camera ang cellphone ko noon." nakangiti niyang sambit. "Sandali, kumain kana ba? Gusto mo bang ipagluto kita o i-order nalang ng mga gusto mong pagkain?" "Siopao. Gusto ko ng siopao." sagot ko, bahagya pa akong napangiti nang may maalala ako. Pareho kaming mahilig noon ni Lucian sa siopao kaya naman madalas kaming mag away noon. "Maliligo muna ako, Yaya. Tapos sabay tayong kumain. Siya nga pala nasaan si Mom?" tanong ko. Alam ko naman na busy si Mom sa trabaho pero gusto ko paring itanong. Ang lungkot, e. Hindi niya man lang ako sinalubong pagkauwi ko. "Nasa office niya. Tambak ata ang trabaho ni Ma'am Shea. Kanina pa 'yon hindi lumalabas ng office niya, e. Nagpadala nalang siya ng pagkain roon. Nagbilin siya na 'wag daw siyang aabalahin at marami siyang tinatapos na trabaho. Pero ang sabi niya sa'kin sabihan raw kita na puntahan siya mamaya pagkatapos mong makapagpahinga dahil may pag uusapan kayo." paliwanag nito bago tumayo. "Sige na, umakyat kana muna sa kwarto mo at magpahinga. Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang pagkain. May lilinisin pa rin kasi ako. 'Yung kwarto mo pala, nasa second floor. Sa dulong pasilyo 'yung may puting pinto. May pangalan mo naman iyon, anak." Napatango tango na lamang ako bago sinunod ang sinabi ni Yaya. Umakyat na ako sa itaas upang hanapin ang kwarto ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mamangha sa interior design nitong bahay. Sigurado ako na si Dad ang nagdisenyo nito. Medyo luxurious at classic kasi ang dating. Maraming abstract painting na nakasabit sa bawat pasilyong dinadaanan ko. May mga indoor dry plant din. Then may dim lights din na nakabukas sa bawat daraanan. Bawat kwartong nadadaanan ko ay may furry floor mat na ibaba na kulay black. May label din ang pinto kung guess room ba ito, playroom, music room o kung ano pa mang room. Nakakalula, second floor palang ito pero ang andami nang kwarto. Paano pa kaya sa 3rd floor? Nakalimutan ko palang itanong kay Yaya kung nasaan ang office ni Mom. Mamaya itatanong ko. Pagkarating ko sa dulong pasilyo, nakita ko na kaagad ang kwarto ko. Nakasulat nga doon ang pangalan ko. Pagpasok ko, agad akong namangha sa laki ng kwarto ko. Kung iisipin pwede na itong tirhan ng isang pamilya sa sobrang laki. Pumasok na ako at hindi na pinakaabalahang buhayin pa ang ilaw. Pumapasok namin kasi ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ko na nakabukas. Puro light colors ang makikitang kulay sa buong kwarto ko. Pastel blue ang kulay ng wallpaper. Beige at white naman ang kulay ng queen size bed, pillow at comforter nito. Sa may taas ng headboard ng kama, naroon ang isang abstract painting at sa taas pa no'n ang aircon. Sa kaliwang gilid ng kama, may wooden side table drawer doon tapos may nakapatong na lampshade, remote para sa aircon at alarm clock. Sa kabilang side naman, sa kanan, may hindi kalahikang bintana na may kulay peach na kurtina. Naroon din sa side na 'yon ang dalawang table. Mukhang vanity table 'yung isa tapos drafting table naman 'yung isa. May mga hanging cabinet din na punong puno ng mga libro. Tingnan ko pa lamang ang mga iyon ay sumasakit na ang ulo ko. Sa bandang likuran ko naman, may dalawang white wooden closet at isang full length mirror. Napakunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko na may peach na kurtina din sa tabi no'n. Naglakad ako papunta doon at narealize ko na may balcony pala ang kwarto kong ito. Nakakaamaze lang. Parang kalahati lang ng kwartong ito ang kwarto ko sa states, ah. Binuksan ko ang sliding door upang makapunta ako sa balcony. Balak kong magpahangin saglit. Napangiti naman ako ng makita ang tanawin. Nakikita ko ang likurang bahagi ng mansion na 'to at ang ilang mga bahay na katabi lang din nitong sa'min. May swimming pool pala sa ibaba at may maliit na kubo. Parang ang sarap tambayan. Maganda rin pala ang harapan nitong bahay na'to. May magandang fountain kasi doon. Grabe lang, nalulula ako sa laki at ganda ng bahay na'to. Nalalakihan na'ko sa condo ko sa states pero ito? Sobrang laki lang kasi. Magkano kaya ang nagastos dito? Napailing iling na lamang ako. Bakit ba manghang mangha pa ako? Hindi pa ako nasanay. Bata palang naman ramdam na ramdam ko na talaga na mayaman kami. Lahat kasi ng bagay na gusto ko noon ay madali kong nakukuha. Pati nga iyong aso kong si Mocha ay hiniling ko lang din sa mga magulang ko. Hays, bigla ko tuloy namiss ang aso kong iyon. Mocha died when I was 16 years old. Ang araw kung saan kakarating ko lamang sa states. Ayoko sanang umalis noon dahil matanda na si Mocha at may sakit pa pero dahil kailangan. Napilitan akong iwan siya kay Yaya Felli. Ang sabi sa'kin ni Yaya Felli sa memorial park niya raw ipinalibing si Mocha. I should pay him a visit. Bumalik na ulit ako sa kwarto ko at napansin ko naman ang dalawang maleta ko na nasa tabi ng kama. Dinala na pala ng mga katulong dito. Pabagsak akong humiga sa kama ko at tahimik na tumingin sa kisame. May kakaibang LED chandelier pala sa kisame at ngayon ko lang iyon napansin. Sabagay, hindi ko naman kasi binuksan ang ilaw nang pumasok ako dito. Malungkot akong napangiti. Dahil kay Mocha bigla tuloy akong nalungkot, hays. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Hindi dapat ko malungkot ngayon. Dapat nga masaya ako dahil sa wakas nakikita ko na lahat ng bagay sa paligid ko. Nakikita ko na ang mundong ginagalawan ko. Dati, nangangapa lang ako. Ngayon nakikita ko na lahat. Hindi ko na kailangan ng walking stick. Hindi na rin ako kukutyain ng ibang tao. Hindi na. Hindi na rin ako 'yung dating ako. Mahirap mang paniwalaan pero marami akong binago sa sarili ko. Inalis ko 'yung pagiging matakutin ko, pagiging iyakin, pagiging mahina at madamdamin. Marami akong bagay na pinag aralang gawin. Natuto na nga rin akong ng martial arts, e. Hindi sa pagmamalaki pero may isang grupo na ng mga kalalakihan ang nakasagupa at napatumba ko. Thankful ako sa kaibigan ko sa states na nag introduce sa'kin sa mundo ng martial arts. Kung dati palaging si Lucian ang pumoprotekta sa'kin. Ngayon hindi na. Bukod sa wala na siya, kaya ko na rin ipagtanggol ang sarili ko. Nasa gano'n akong sitwasyon ako nang may bigla akong maalala. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. "Wait.. 'yung character na naka design sa t-shirt no'ng lalaki kanina sa airport... Parang pamilyar, e.." kunot noong bulong ko sa sarili ko. Ilang segundo pa akong nag isip nang bigla kong maalala ang tungkol sa character na nakita ko kanina. Tumayo ako at pumunta sa maleta ko. Kinalkal ko ang mga gamit ko upang malaman kung tama ako, hanggang sa makita ko ang hinanap ko. "Pikachu.. Ikaw nga 'yon.." tumatango tangong sambit ko. "Wait.. wait.. what if--" Hindi ko na itinuloy ang kung ano mang sasabihin ko dahil masyadong namang imposible iyon. Ano naman kung pareho sila ni Lucian na mahilig sa pikachu? Maraming tao sa mundo na mahilig sa pikachu. Ano ba itong mga naiisip ko, masyadong imposible.. Malay mo hiniram ng lalaking iyon ang damit na suot niya sa kapatid niya. Bumalik ako sa kama dala ang stuffed toy na pikachu na bigay sa'kin ni Lucian noon. Humiga ulit ako habang yakap yakap iyon. "Too imposible.. Ang gaspang kaya ng ugali ng lalaki iyon. Gwapo na sana siya pero ang pangit ng ugali niya. Mukha siyang mayabang na kupal. Malayong malayo kay Lucian na sobrang bait.." Napabuntong hininga na lamang ako bago ipinikit ang mga mata ko. "Masyado ka kasing mabait, e. Ayan kinuha ka tuloy agad sa'kin. Ang daya mo talaga... Ang daya mo. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin.." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD