Chapter 2

3717 Words
Someone's POV I'm currently sitting at the bar stool while drinking. I have been drinking a lot since she left me. Ang tagal na noong naghiwalay kami. Ang tagal na noong nakipag hiwalay sa'kin ang kaisa isang babaeng minahal ko sa buong buhay ko pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Ang sakit sakit kasi ng ginawa niyang pag iwan sa'kin. Akala ko ipinagpalit niya ako sa kaibigan ko kaya siya nakipaghiwalay sa'kin. But I'm wrong.. That's her only excuse so I wouldn't know about her illness. Tangina lang. I'm her f*****g boyfriend but I did not know anything about it.. Inaway at sinigawsigawan ko pa noong araw na 'yon. Hindi ko alam.. Ang tanga ko para hindi mapansin na may sakit na pala siya. Sana pala hindi ko nalang siya hinayaang umalis noon. Sana nanatili nalang ako sa tabi niya. Apat na taon na ang nakakaraan nang mangyari lahat ng iyon. Pero hanggang ngayon, nagiguilty parin ako. Sinisisi ko parin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan.. Matagal ko nang ginawa.. "P're, umiinom kana naman? Baka malugi na itong bar niyo kung lagi ka nalang dito iinom." pagbibiro ni Silver na kakarating lang. I shook my head. "That's not going to happen." tipid na sagot ko bago tinawag ulit ang barista upang umorder ulit ng panibagong alak. Nakakailang bote na ako ng black label pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagkahilo. Talagang mataas ang tolerance ko sa alak. And that's a good thing. My family owned this exclusive bar kaya walang problema kahit gaano pa ako matagal na manatili rito. And besides, our company has the most dedicated bar company here in the Philippines. Marami rin kaming foreign investors at supplier ng mga expensive wine and liqour. "Hi, Silver. C'mon, let's dance!" "Oo nga. Join us, babe!" Napalingon ako sa kaibigan kong si Silver na napapalibutan na ng mga babae ngayon. Ang iba ay nakalingkis pa sa braso niya. Ngiting ngiti ang gago habang ang mga kamay niya ay malayang nahahawakan ang katawan ng mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Nakangisi itong bumaling sa'kin. "P're, alis muna ako. Samahan ko lang 'tong mga anghel ko." paalam niya. Walang emosyon akong tumango. Anghel, my ass. Parang gusto kong tumawa ng sarkastiko ngunit hindi ko na lamang itinuloy. Mas gusto kong manahimik at uminom. May ilang babae rin kanina lumapit sa'kin upang ayain akong sumayaw ngunit hindi ako pumayag. Hindi ko tipo ang mga gano'ng klase ng babae. Mukha silang mga desperada at liberated. Samahan pa ng mga maiiksi nilang damit, kulang nalang ay maghubad na sila. Tsk. Masyado silang trying hard. Napailing iling na lang ako. I took a deep breath before drinking the liqour in my wine glass. "Ugh." I said as I slowly felt the pain in my throat caused by alcohol. But this pain is nothing compared to the pain I went through when she left me. Ibinigay ko lahat sa kaniya. Kaya noong iniwan niya ako, walang natira sa sarili ko. Sobrang hirap.. Palaging kong tinatanong ang sarili kung anong ginawa ko at kung anong kulang sa'kin. 'Yun pala wala. May sakit pala siya kaya niya ako iniwan. I'm such a stupid as f**k. Napasubsob nalang ako sa counter table dahil nakakaramdam na ako ng kaunting hilo. I gasped while remembering my last conversation with the woman I loved. Ang araw kung saan sinabi niyang hindi na niya ako mahal. "Harris, what are you doing here?" "M-Melody.. Totoo ba?" "A-ang alin? Anong totoo?" "You know what I mean, Melody! Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko? Sabihin mo sa'kin kung totoo ba ang nalaman ko!" "Harris.. Umalis kana lang, please. Don't make a scene here. Nakakahiya--" "Wala akong pakialam! Tangina naman. Sabihin mo na kasi sa'kin 'yung totoo. Ano, kayo na ba ni Theo ha?! Kayo na ba?!" "Harris--" "Just f*****g answer, Melody!" "Oo! Totoo! Kami na! Ano masaya kana ba? B-bakit ba pumunta ka pa rito? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayaw nakitang makita?" "M-Melody.. Bakit mo ginagawa 'to? May ginawa ba akong mali? M-may kasalanan ba ako? May pagkukulang ba ako sa'yo? Sabihin mo, please.. Hindi 'yung basta basta ka nalang iiwas sa'kin.." "Wala. Walang kulang sa'yo, wala kang ginawang mali. Ako ang may problema dito, Harris. Kaya kung pwede lang maghiwalay na tayo please. Ayoko na kasi.. Ayoko na, Harris.." "W-why? Bakit naman biglang ayaw mo na? Bakit naman ganito? Bakit naman ang bilis mong sumuko? Please.. sabihin mo sa'kin kung anong problema.. Love.. Ayusin natin 'to.. I don't want to break up with you, Melody.. Mahal na mahal--" "Ayoko nang makita ka pa. Kaya please lang, umalis kana. I-I'm breaking up with you.." "Bakit ganito? Hindi mo na ba ako mahal?" "Just go.." "No.. I won't leave! I love you so much.. Gagawin ko lahat.. bumalik lang tayo ulit sa dati.. Please, love.. Sabihin mo lang na mahal mo ako, masaya na ako dun.." "Hindi na kita mahal, Harris.. Just go, please. Masaya na ako kay Theo. Sana naman hayaan mo akong maging masaya. Palayain mo na ako kasi ikaw, matagal na kitang pinalaya.. Matagal ko nang kinalimutan ang pagmamahal ko sa'yo.." "No, please.. bakit mo ba ako sinasaktan? At bakit kahit sinasaktan mo na ako ng ganito ngayon.. Patuloy parin kitang minamahal.. Ang unfair naman.. Ang unfair mo." "If you really love me, you will do what I want. Kasi dun lang ako magiging masaya, Harris.. When you have completely disappeared from my life.." Phone ringing.. Nagising ako dahil sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. It was on the counter table my head fell on. I moved my hand to get my phone. Kinusot ko pa ang nanlalabo kong mga mata. May luha rin pala na naglandas sa pisngi ko. Napabuntong hininga nalang ako nang malaman kung sino ang tumatawag. Ang fiance ko. I wiped my tears using the back of my hand. "Yeah?" "Hello, Harris--" "What do you need?" walang gana kong tanong. "Nothing.. I just want to know if you're okay. Wait, nasa bar kana naman ba?" halata ang pag aalala sa boses niya ngunit wala akong pakialam. I rolled my eyes. "Ano bang pakialam mo?" "Nag aalala lang naman ako sa'yo. You haven't answering my message so decided to call you--" "Tsk. Don't f*****g call me if you don't have anything important to say." "But--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at kaagad ko nang pinatay ang tawag. I threw my cellphone on the table but I stared at it for a moment when I suddeny remembered something. "Damn, look what you've done to my phone! Dahil sa'yo, nabasag at nasira, tsk!" I massaged my forehead nang bigla kong maalala ang katangahang nangyari kanina sa aiport. Lalong lalo na ang babaeng sumira ng araw ko ngayon. Dahil nga pala sa bwisit na babae sa aiport kanina kung bakit badtrip ako ngayon. Sinong hindi mababadtrip e nagpunit siya ng pera sa harapan ko. At pera ko pa ang pinunit niya. Wow, ah. Angas niya. Kung hindi lang ako mayaman, hindi ko papalampasin ang ginawa niya sa'kin. I pursed my lips while thinking of that stupid girl. "Tsk, ang kapal ng mukha magpunit ng pera sa harapan ko, ah? Kaasar. Kapag talaga nakita ko 'yun ulit.. Gaganti ako." I said. Kinuha ko ang bote ng alak na may kalahating pang laman at isinalin iyon sa wine glass ko. But I stopped when I realized something again.. "Why do I feel like.. I met that girl before? Why? Is that even posible? Her face is unfamilliar but her voice and.. Ugh, nevermind." napailing iling na lamang ako bago itinuloy ang pagsasalin ng alak sa wine glass ko. "Imposible.." _ S h a n t e l l e Nandito ako ngayon sa Geneva's Cafe. Mahilig kasi ako sa coffee shops. Nakakatuwa rin dahil may malapit na coffee shop sa labas ng subdivision kung saan kami nakatira ngayon. Ang ganda pa sa lugar na ito. This place looks comfortable and cozy. Samahan pa ng makulimlim na kalangitan sa labas. Mukhang uulan pa ata. Mabuti nalang dala ko ang sasakyan ko. "Here's your order, Ma'am." napatingin ako sa waiter na kakarating lamang at abala sa paglalapag ng inorder ko table. "Thanks," I smiled. Ngumiti lang pabalik ang waiter at umalis na din kaagad dala ang tray. Parang may kuminang naman sa mga mata ko habang tinatanggalan ng tissue ang spoon. Ube smoothie, bingsu at chocolate cake lang naman ang inorder ko. Ice cream pa rin kahit malamig ang panahon. Sa states nga kahit na winter season, nagke-crave pa rin ako sa ice cream, e. Dito pa kaya sa Pilipinas. Isinangat ko ang buhok ko sa magkabilang tainga ko at sinimulan nang kumain. Sarap na sarap ako habang kumakain, samahan pa ng old english songs na pinapatugtog dito sa cafe. Nakakarelax. Nakakatanggal talaga ng stress ang ice cream. Later on, nag ring ang bagong bili ko na cellphone. Bwisit kasi 'yung kupal na nanira ng cellphone ko kahapon. Bagong palit na rin ako ng sim, malapit na kasing ma-expired 'yung dati kong sim kaya pinalitan ko na rin. Agad kong sinagot ang tawag nang malaman kong si Yarah iyon. Ang maarte at malandi kong pinsan na nakalunok ata ng microphone. Charot. "Hey---" "OMYGOD! You're finally back! Huhuhu. Namiss kita ng bongga, girl! Ako pa talaga ang tatawag sa'yo ha?! Kinaganda mo 'yan, teh? Well, anyway highway! Kamusta operasyon? Maayos ba? Sana man lang tinawagan mo ako para nasundo kita sa airport. I heard na hindi ka nasundo ni Tito Jared--" "Ang daldal mo." I cut her off. Kung hindi ko pa siya pipigilan ay baka bukas pa siya matapos sa speech niya. Madaldal kasi talaga ang babaitang 'to. Sobrang magkaiba kami ng ugali. Kaya nga nagtataka ako kung bakit magkasundo kami, e. Siya ang pinaka ka-close kong pinsan. "Punta ka nalang dito sa Geneva's Cafe. Nandito ako ngayon.." pagpapatuloy ko. Alam naman niya ang lugar na ito dahil siya ang nagrecommend sa'kin ng lugar na 'to. "Okay, okay! I'll just take a bath! See you later!" she laughed over the phone. 'Yung tawang pang malandi. Napailing iling na lamang ako bago inilapag ang cellphone ko sa table. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagkain habang nag sscroll sa i********:. Naisipan kong picturan ang kinakain ko at iupload iyon. Wala pang ilang minuto'y marami na kaagad ang nag heart no'n. Well, famous kasi ako, e. Charots ulit. clouiefrost: looks delicous! how are you, shan? imy kozenn_: imy shan, keep safe savihayes: imy babee, come back here pls zuelmarcus: miss na rin kita, sino ang iyong kasama diyan? Napangiti na lamang ako nang mabasa ang mga comment ng mga kaibigan ko sa states. Pero mas natawa ako kay Marcus dahil talagang nag tagalog pa talaga siya sa comment. Hahaha. Naiimagine ko kasi 'yung boses niya habang sinasabi iyon, pilipit. Mukhang trying hard talaga siyang mag tagalog. Noong nasa states pa kasi ako palagi siyang nagpapaturo sa'kin magtagalog. Tawang tawa nga ako sa tuwing binibigkas niya 'yung mga itinuturo ko, e. Isa isa ko silang nireplyan. Nag ingay na rin silang apat sa GC namin sa IG. Lalo na sina Cloiue at Savi, ang girls sa grupo. Tawa ako ng tawa habang nakikipag chat sa kanila. Ang kulit kasi ni Kozen at palagi niyang inaasar si Savi. Sobrang dami kong naikwento sa kanila kahit na dalawang araw pa lamang ako dito. Nakakamiss lang. Matapos ang ilang minutong pakikipag usap ko sa kanila, bigla kong naalala si Yarah. Agad na kumunot ang noo ko habang nakatingin sa may entrance nitong cafe. "Ang tagal naman no'n. Nagpapaganda pa ata kahit wala na siyang igaganda." napairap na lamang ako habang umiinom sa smoothie ko. Malapit ko nang maubos ang pagkaing inorder ko pero hindi pa rin dumadating ang gaga. Sinulyapan ko ang oras sa cellphone ko at mas lalo akong napasimangot nang malamang 20 mins na siyang late. Napabuntong hininga na lamang ako. Parang ang sarap manabunot ng maarte. "Good morning, sir! Table for one or two?" "Malamang isa. May nakikita ka bang kasama ko?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. May isang lalaki sa may entrance na kakapasok pa lamang at nakatalikod sa gawi ko. He was wearing mustard colored shirt and black short partnered with white shoes. Bahagya namang napakunot ang noo ko. Pilit kong sinisipat ang mukha ng lalaki dahil mukha talaga siyang pamilyar. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang humarap ito sa direksiyon ko at magpalinga linga. Napaaawang ang mga labi ko at napaiwas kaagad ako ng tingin. "The heck? Ano namang ginagawa ng pangit na 'yan dito? Sa lahat ng coffee shops sa mundo bakit dito pa siya pumunta?" iritang bulong ko sa sarili ko. Bahagya ko pang iginalaw ang kamay ko upang isuot ang hood ng suot kong hoddie. Ipinadarasal ko na sana ay hindi niya ako mapansin. Yumuko na lang ako at nagkunwaring nagse-cellphone. Ang malas lang dahil sa may bandang unahan ko pa siya puwesto. Pero ayos lang, atleats nakatalikod siya sa'kin. Sana lang 'wag siyang lumingon sa gawi ko. "Ang gaspang talaga ng pag uugali ng kupal na'to. Pinilosopo pa 'yung waiter 'e nagtatanong lang naman ng maayos. Tsk." napailing iling na lamang ako habang pinagmamasdan si kupal. Anong kayang gagawin niya rito? Wala sa itsura niya na pumupunta siya sa mga ganitong lugar. Mukha kasi siyang mayamang kupal na masama ang ugali. Mukha rin siyang playboy. Dapat bar nalang siya pumunta. Chos, ang sama ko naman. Tahimik ko nalang na isubos ang natitirang pagkain sa table ko habang hinahanap ang number ni Yarah. Balak ko siyang i-text at sabihing sa iba nalang kami magkita ngunit.. "Shantelle! Cousin! Shani, Girl! I'm here na!" Nataranta ako nang makita si Yarah na kakapasok pa lamang dito sa coffee shop. Naglalakad ito papunta sa direksiyon ko habang sumisigaw at kumakaway pa. Agaw pansin tuloy ang gaga, jusko. Agad ko siyang sinensyasan na tumahimik kundi gigilitan ko siya ng leeg. Joke. Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumahimik siya sa wakas. Lihim din akong nagpasalamat dahil hindi lumingon si kupal sa p'westo ko. May kausap kasi itong waiter at mukhang oorder na ata. Sandali nga, ano bang pakialam ko? "Hello--" "Gaga ka. Ang ingay ng bunganga mong babaita ka." inis na sambit ko sa kaniya. Inirapan ko siya at ipinatong sa table ang basong pinaglagyan ng smoothie na ngayon ay wala ng laman. Napaikot din naman ng mata si Yarah. Kumunot ang rin ang noo niya. "Why? Hindi ka pa nasanay sa'kin, Shan. Alam mo namang energetic akong tao. At tsaka namiss kasi talaga kita! Pa hug naman! In all fairness ang ganda ng mata natin, ah! Sino itong donor na ito?" she raised a brow. Kulang nalang umabot 'yung on fleek niyang kilay sa kisame nitong shop. Tsaka ko lang din napansin ang itsura niya ngayon. May bangs siya at naka soft curls ang buhok niya. Iba na rin ang kulay ng buhok niya. Hazel brown na. Bagay naman sa kaniya. Nagmukha siyang model. Isama pa ng suot niyangayon. Offshoulder at pencil skirt. Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga. "'Wag ka nang maingay, pwede? Kung ayaw mong burahin ko 'yang kilay at liquid eye liner mo." pananakot ko sa kaniya. Mukha naman siyang natakot dahil bigla siyang umayos ng upo at tumahimik. "Umorder ka nalang. Libre ko na." Agad namang nagliwanag ang mukha niya. Isinangat niya ang buhok niya sa tainga niya bago ngumiti sa'kin. "Wow, yaman, ah." kantiyaw nito bago sinenyasan ang isang waiter na lumapit sa'min. Habang pumipili ng order si Yarah, napansin ko na busy sa pagse-cellphone 'yung lalaki. Napairap pa ako nang malamang pareho kami ng inorder na pagkain. Tss, gaya-gaya. "Omg! Ang ganda ng mata mo, Shan! Sino ba kasing donor? And anong balita sa kaniya?" Napukaw ni Yarah ang atensiyon ko nang magsalita siya. Nang magsink-in sa utak ko 'yung tanong niya medyo nalungkot ako. "Anak ng ka-business partner ni Dad. Nalaman ko na may sakit na 'yung anak nilang babae at malapit na raw itong mamatay kaya naman naisip ng pamilya nila na i-donate nalang ang organ nito sa'kin. Sad to say, pero patay na 'yung donor ko." saad ko. Napabuntong hininga naman si Yarah. "Pero ang bait niya ano? Pumayag siya na i-donate ang organ niya sa'yo. Kung ako kasi 'yun parang ayoko. Medyo nakakatakot, haha. At isa pa, gusto ko kasi kumpleto ang parte ng katawan ko kapag namatay ako." "Paano selfish ka," kumento ko. "Medical Student ka pero takot ka." Natawa naman si Yarah. "Aba syempre. Nakakatakot naman talagang mawalan ng organ 'no. But anyway, saan nga pala papasok ng college? 3rd year kana 'di ba?" "Sa Crescent High. Si Mom ang nagdecide at nag ayos ng papers ko. Siya rin ang pumili ng course ko." sagot ko. Nanlaki naman ang mga ni Yarah. "Talaga? Hala, maganda 'yun! Magiging school mates tayo. Ipapakilala kita sa mga friend ko. Ano nga palang course mo?" "Architecture," "Wow! Sunod sa yapak ng parents, ah. 'Yan talaga gusto mong course o hindi?" I shook my head. "Actually no, Multi-Media Arts talaga ang gusto ko, though kaya ko naman ang course na Archi. 'Yun kasi ang course na kinuha ko sa states, e. Ang kasing hirap mag adjust kung magshi-shift pa ako at tsaka baka magalit pa si Dad. Architure talaga ang gusto nila para sa'kin." "And you're okay with it?" I nodded. "No. Pero wala akong magagawa. I'll just go the flow. Tututol na lang siguro ako sa mga desiyon nila para sa'kin kapag sobra na." Napailing iling na lamang si Yarah habang magka-krus pa ang braso nito. Maya maya pa, dumating na ang pagkaing inorder niya kaya napunta na roon ang kaniyang atensiyon. Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita kung gaano karaming pagkain ang inorder niya. Kulang nalang ay mapuno 'yung lamesa. "Taragis, kaya mong ubusin lahat 'yan? Sa payat mong 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya na ngayon ay busy na sa pagkain. She swallowed first the food in her mouth before laughing. "Hindi ako payat 'no. Sexy kaya ako. 24 lang waist line ko, ghorl." pagmamayabang niya. Napakamot na lamang ako sa kilay at hinayaan na lamang siyang kumain. Nagulat naman ako ng biglang tumayo 'yung lalaki habang may kausap ito sa phone. Ang laki ng ngiti habang nagsasalita. Hindi ko alam pero naaasar ako sa ngiti niya. Sino kaya'ng kausap niya? Kaibigan niya? Girlfriend niya? At ano bang pakialam ko? I sighed and just looked away. Hindi ko alam pero may part sa lalaking 'to na naiintriga ako, ewan. Baliw ata ako. Baka nakokonsensiya lang ako kasi pinunit ko 'yung pera niya sa airport? Dapat bang kausapin ko siya at bayaran? Pero ininsulto niya ako, e. Tinapunan niya ako ng pera sa harap ng maraming tao kahit na proper sorry lang naman ang hinihingi ko. Hays. "O, bakit ganiyan ang itsura mo? Gusto mo bang humingi nitong kinakain ko? At tsaka bakit ba nakasuot pa sa ulo mo 'yang hood mo 'e nasa loob naman tayo?" sambit ni Yarah. Punong puno pa ng pasta ang bibig niya tapos nagsasalita siya. Tss. "Yarah, restroom lang ako." paalam ko. Agad naman siyang tumango. Tumayo ako at inayos ang hood ko. Dadaan kasi ako sa gilid ng lalaking iyon at ayokong mapansin niya ako. Pagkarating ko sa restroom, agad akong pumasok sa isang cubicle. Nag hugas ako ng kamay at naglagay ng hand sanitizer pagkatapos. Humarap rin ako sa salamin upang ayusin ang buhok ko. Hindi ko kailangang mag retouch dahil hindi naman ako naka make up ngayon at wala naman na akong pupuntahan. Dadaan lang ako Expression para bumili ng gamit sa school then uuwi na rin ako. Pagkalabas ko ng restroom, napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng lalaking kinaiinisan ko. Nasa loob siya ng men's restroom at mukhang may kausap sa phone. Aalis na sana ako roon ngunit.. "Oo, p're." tumawa siya. "Oo nga, nalate ako kahapon dahil may tatanga tangang babae akong nakaaway sa airport.. What? Ofcourse not. Papansin nga 'yon, e. Ang arte, akala mo naman maganda. Okay, I'll go there after eating. Ulul Shut up!" I clenched my in annoyance habang naglalakad paalis. Parang nabuhay ulit ang demonyo sa katawan ko dahil sa labis na inis tungkol sa narinig ko kanina. Tatanga-tanga?! Maarte?! Hindi maganda?! Wow ha, nahiya naman ako sa kaniya. Gigil na gigil talaga ako at parang gusto kong pumasok sa men's restroom at sabunutan ang lalaking iyon. Pero dahil naalala ko na may class ako, hindi ko nalang ginawa. Sa halip, dinala ako ng mga paa ko sa may counter. Nilapitan ko ang isang waiter. "Uhh.. Do you have salt or pepper? Ilalagay ko lang sa pasta ko." pagsisinungaling ko. Agad naman tumango ang waiter. "Here, Ma'am." Ngumiti ako ng peke at nagpasalamat sa waiter. Pagkatapos mabilis ko nang sinimulan ang masamang binabalak ko. Naglakad ako ng mabilis papunta sa table ng lalaking pangit na 'yon at ngumisi. Nagpalinga linga muna ako sa paligid ko at sinigurado na walang makakapansin sa gagawin ko. Ang mga customer na nandito sa loob, including Yarah, ay abala sa kani-kanilang pagkain. Ang mga waitress at waiter naman ay abala rin. I smirked. Inilabas ko ang pepper at salt at mabilis na binudburan ang kape at ibang pang pagkain ng lalaking iyon. Parang gusto nalang matawa habang iniisip ang magiging reaksiyon pag balik niya. Epal siya. "Yarah, let's go." pag aaya ko kay Yarah. Nakatayo ako sa gilid niya at pilit siyang hinihila paalis. Kinakabahan kasi ako at baka bumalik na 'yung lalaki galing sa restroom. Nagsalubong naman ang kilay ni Yarah. "What? Bakit? Hindi ko pa nga nauubos itong mga inorder ko, e!" reklamo niya. Inirapan ko naman siya. "Basta! Let's go! Ibibili nalang kita ng ibang pagkain! Kahit anong gusto mo." pamimilit ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "We, 'di nga? Kahit ano talaga?" Napabuntong hininga nalang ako. "Oo nga! Tss. Basta, tara na. Kung hindi ka susunod sa'kin buburahin ko talaga 'yang kilay mo!" "Sabi ko nga, e! Let's go!" mabilis siyang tumayo at nauna pa sa'kin na lumabas ng cafe. Napailing iling na lamang ako at mabilis na ring lumabas. Sakto namang kakabalik lang nung lalaki at nakaupo na ulit ito sa inuupuan niya kanina. Nakita kong kinuha niya ang kape niya at ininom iyon. Halos maglupagi naman ako sahig nang makita ang mukha niyang hindi maipinta. Naibuga niya 'yung kape at sumigaw. Nang magsilapitan ang waiter sa kaniya mabilis ko nang hinila si Yarah papasok sa sasakyan. "Hahahaha!" "Hoy, anong problema mo at tawa ka ng tawa diyan? May saltik kana ata." umiiling iling na kumento ni Yarah. Nagda-drive na ako paalis at hanggang ngayon ay wala pa rin akong tigil sa kakatawa. Paano ba naman ako hindi masisiyahan 'e nakaganti na ako. Hahahaha. Hindi ko na sinabi kay Yarah ang dahilan kung bakit ako tawa ng tawa. Hinayaan ko nalang siya na malito. Baka isumbong niya ako kay Yaya kapag sinabi ko, e. Madaldal pa naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD