CRUISHA MARTINEZ Nakasimangot na pinagmasdan ni Cruisha ang binatang nakahandusay sa sahig nila. Ano na namang ginawa nito dito sa bahay? Akala niya ay hindi na ito magpapakita sa kanya, pero ito na naman ang binata. Napailing na lang siya at saka tinalikuran ito. Wala siyang pakialam kung nakahandusay pa ito sa sahig nila dahil hanggang ngayon naiinis siya sa panloloko nito. Bumalik na lang siya sa kusina at magluto na lang dahil kahit anong gawin niya hindi siya mabubusog kung palagi na lang niyang isipin ang binata. Mas mabuti pang mabusog kaysa magutom. "O, anak, ano iyong narinig ko? Para kasing may bumagsak." Napangisi siya habang kumuha siya ng pasta sa cabient at inilagay niya sa mesa at nagpakulo siya ng tubig. Nang kumulo na ang tubig kaagad niyang nilunod ang pasta. Habang

