CRUISHA MARTINEZ Agad siyang tumungo sa kanyang silid upang maligo. Dumating kasi si Manang at ito na ang magpapatuloy sa pagluluto ng carbonara. Hinubad niya ang damit at tumungo na sa banyo para maligo. Sinara niya ang pintuan ng banyo at tumungo na siya sa shower. Binuksan niya ang faucet at agad na niyang binasa ang buong katawan niya at ang kanyang buhok. Napapikit siya sa sarap na tubig na umagos sa kanyang buong katawan. Nakakagaan talaga sa pakiramdam. Nang matapos siya sa pagligod ay agad siyang kumuha ng roba at tinakpan ang kanyang sarili. Lumabas na rin siya sa banyo at nagtungo sa closet niya para magbihis. Biglang sumagi sa isipan niya si Craig, nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon nito nang magsalita siya ng hindi nakakaaya. Tama naman ang sinabi niya diba? Hindi

