CRUISHA MARTINEZ “CONGRATULATIONS!” Isang masigabong palakpakan ang bumungad sa kanya nang makapasok siya sa conference room. Hindi siya makapaniwala na ito siya na nakatayo sa harapan ng mga staff nila. Naiiyak siyang napatitig sa mga ito at panay siya yuko upang magbigay galang. Napatingin siya sa isang staff na may bitbit na isang pumpon ng bulaklak. “Thank you,” Nakangiting tinanggap niya ang bulaklak. “Welcome, Dra. Martinez. You deserved to be the new appointed CEO, doktora dahil pinaghirapan mo iyan. Nakita namin na ginawa mo ang lahat at itinaguyod mo ang hospital na walang tulong sa’yong ama.” “Maraming salamat sa inyo kung hindi dahil sa inyo ay wala ako dito sa posisyon na ito.” Puno ng kasiyahan ang nasa loob ng conference room at galak na naging siya ang bagong CEO ng ho

