CRUISHA MARTINEZ Hindi malaman kung saan niya ilulugar ang sarili. Gumugulo pa rin sa kanyang isipan ang lahat ng nangyayari. Hindi pa rin niya tanggap na sangkot ang kanyang ama at ang kanyang kuya sa pagkamatay ni Carey. Kahit saang anggulo ay silang dalawa pa rin ang may kasalanan dahil hindi humantong sa ganito ang lahat kung hindi pumayag si Papa. Oo, hindi nga alam ni Papa na si Carey pala ang tinutukoy ni Kuya Russell, pero hindi niya matanggap na pumayag si Papa na pumatay ng pasyente. Nalaman niyang humingi ito ng patawad kay Craig kaya gano’n ang itsura nito dahil sinuntok ito ni Craig. Napagtanto niya na ang lahat, buong pamilya niya ang may kasalanan at kahit anong gawin niya ay gumawa pa rin sila ng kapahamakan sa isang inosenteng batang si Carey. Marahas na pinunasan niy

