CRAIG VELEZ Naiwan na lang siya sa sala at nakatanaw siya sa papalayong pigura ng kanyang mga magulang. Alam naman niyang may kasalanan siya at ito nga siya nagsisisi sa kanyang ginawa na kunin ang hospital at patalsikin ang ama ni Cruisha. Napahinga na lang siya ng malalim at napaupo na lang sa couch. Hanggang ngayon, kimkim pa rin niya ang sakit sa paghihiwalay nila ni Cruisha, pero wala na siyang magagawa kung ‘di hayaan na lang at maghintay kung kailan maging maayos ang lahat. Hindi niya alam kung may babalikan pa siya at kaya pa ba siyang tanggapin ng dalaga. Napahinga na lang siya ng malalim at pabagsak na sumandal sa upuan. Napatingala siya at napatitig sa kisame. Naramdaman niyang may tumabi sa inuupuan niya at hindi na siya nag-abalang tumingin dito dahil alam niya ang pabango

