CRUISHA MARTINEZ "Pretty please," pagmamakaawa nito at nag-puppy eyes pa sa kanya. Napahugot siya ng malalim na hininga at sinigawan ito. "CRAIG VELEZ!" napatiimbagang niyang sigaw sa pangalan nito. Pinukol niya ito ng masamang tingin at walang babalang sinabunutan niya ito. Kanina pa siya nagpipigil dito. Gusto niyang ilabas lahat ang inis at paghihinayang dahil kasalanan nito ang naudlot niyang pagbili sa shares ni Dr. Del Fiefdom. "A-aray! Hey! Stop it!" Imbes na magalit ito sa ginawa niya ay tumawa lang ang hinayupak. Mas lalo siyang nainis dito. Ginagalit talaga siya nito ng husto. "Nang dumating ka sa buhay ko, nagdala ka ng malas. Kahit kailan talaga, hindi mo na pinapatahimik ang tahimik kong buhay. Buwisit kang tukmol ka!" nanggigil niyang sabi rito. Inilabas niya

