CRAIG VELEZ Nagising na lang siya dahil sa sobrang ingay ng paligid. Agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata dahil sa sinag ng araw. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at bigla na lang siyang napadaing parang binayo ang kanyang ulo sa sakit. Sh*t! Bakit ba kasi napadami ang nainom niya kagabi? Hindi nga niya alam kung paano siya nakauwi ng bahay dahil sa sobrang kalasingan at hindi na alam kung ano na ang pinaggagawa niya kagabi. “Oh! Gising na pala ang mahal na prinsipe,” tawag atensyon ng kaibigan niya. Alam niya kung sino ito, walang iba kung ‘di si Ken. Napasandal siya sa kama at tiningnan niya ito ng masama. Nakatayo ito malapit sa television at nakangising winawagayway ang remote control. Napakunot ang noo niya sa klase ng ngiti sa mga labi nito. “Ano pa ba ang hinihintay mo, K

