CRAIG VELEZ Wala sa mood na pumasok sa kompanya si Craig. Habang naglalakad patungo sa sa sariling opisina ay napaiwas na lang ang kanyang mga employee niya. Ramdam kasi ng mga ito na ayaw niyang may kausap. Kanina pa siya nabubuwisit dahil sa nangyari kaninang umaga. Hindi niya inaasahan na hindi siya nito pinansin at ayaw siya nitong makausap. Huminto sila sa tapat ng elevator at pinindot niya ang up button. Napatingala siya para tingnan kung ilang number na at maghintay na lang na bumukas ito. Napatingin na lang siya sa gilid niya nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya at nakita niyang si Klein iyon. He hissed at him. “Why are you late?” salubong ang kilay na tanong niya sa assistant. Napahigpit ang pagkakayakap nito sa folder at isang kamay naman ay napakamot na lang sa ulo. He

