CRAIG VELEZ “Inday, pakihanda nga ang mga lagayan para maibigay na ito ni Craig sa irog niya.” utos nito sa kasambahay nila at agad naman na tumalima si Inday. Napabuntong-hininga siya sa huling sinabi ng kanyang ina. Palagi na lang siyang tinutukso tungkol kay Miss Cruisha. Hinayaan na lang niya dahil hindi siya mananalo rito. Kaya mas mabuting manahimik para hindi humaba ang diskusyon nila. Nandito siya ngayon sa kusina para maghintay na matapos itong maghanda ng pagkain kay Miss Cruisha. Kanina pa siya nakasimangot sa harapan nito dahil gusto na niyang umalis. Pero itong si Mama ay hindi siya nito titigilan hangga’t hindi niya mahatiran ng pagkain ang doktora. Naguguluhan na rin siya kinikilos ng ina niya kung bakit ganito ang trato kay Miss Cruisha. Ito ang

