CRUISHA MARTINEZ Siniko siya ni Julie nang umalis si Mrs. Velez dahil may tatawagan daw muna ito kaya pagkakataon na ng katabi niyang kukulitin siya. Hindi ito matatahimik kapag hindi siya magsasalita. Kapag may gusto itong malaman ay hindi siya nito titigilan hangga’t hindi lumalabas sa bibig niya. “Anong sinasabi ni Mrs. Velez? Iyong nakalap ko tungkol sa’yo na may umaaligid sa’yong lalaki na nagngangalang Craig. Iyong Craig na sinasabi ni Nurse Randall ay iisa, tama ba ako?” Napaawang ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Wala siyang sinabi sa kaibigan dahil sa totoo lang wala siyang contact kapag nasa labas ito ng bansa. Ayaw nitong may tatawag kapag may trabaho itong ginagawa. “Kahit kailan talaga, may spy talaga ako at ikaw ang mastermind. Ano pa ba ang dapat kong sa

